Chapter 18

171 3 0
                                    

PJ POV

Hi guys , namiss niyo ba ko ? Pasensya na , nawalan ng internet connection si author , at araw araw siya wala sa mood dahil may pasok pa siya sa terror niyang prof . 

Anyway , andito ako sa library ngayon , ako’y nag-aaral , oh yes ! sa maniwala kayo o hindi ako ay kasalakuyang nag-aaral . Ang pesteng si Mikko kasi pinapunta ako dito para mag-aral , and take note 2 oras na ko dito , 1 oras nakabantay siya sakin , yung 1 pang oras yung school librarian naman , walang takas . Exam week kasi namin ngayon , at ang gusto ng pesteng si Mikko , mag-aral ako para sigurado na pasado ako . 

2 weeks na pala ang nakakaraan since nung pinangalandakan niya sa buong campus na ako ang girlfriend niya . Kung ang una niyang ginawa ay pagbawalan ako sa pagyoyosi , sinunod niya namang ipagbawal yung pagtambay ko sa tambayan , though good thing na di niya ko pinagbabawalan makipag usap sa tropa na wag niya babalakin gawin dahil baka masipa ko siya , so far so uhmm good ? oo question mark dahil minsan gusto ko na lang kalbuhin si Mikko pag kung ano ano ang dinedemand niya at ipinagbabawal . 

Siya parin pala ang prof namin sa algebra , kung pano ? tanong niyo sa lolo niya na may ari ng school . Well , wala naman kasing nagrereklamo dahil kami lang ang klaseng tinuturuan niya , vacant niya kasi yung oras namin sa algebra so pwede pwede siya . Tapos yung mga classmates ko naman gustong gusto siya dahil magaling siya magturo . Kami ang klaseng hater ng algebra pero ngayon nung nagets na namin siya nagbebegin na kami na yakapin ang numbers at kung pano nagkaroon ng connection ang alphabet sa numbers . 


‘nice work Pj’ yung classmate ni Mikko yun .

Bukod kasi sa librarian na pibantay niya , may kinuha pa siyang tutor saakin , babaeng cute na may salamin . Actually di lang siya simpleng classmate ni Mikko , pinsan siya ni Mikko kaya hindi ko pwede takutin , murahin at lalong di pwede takasan . 


‘i heard you’re an honor student since elementary and highschool , kasali ka rin daw lagi sa student org , chief-editor on you school’s newspaper and ikaw ang madalas na ilaban sa science and english’ Sikat ba talaga ako ? bat andami niyang alam ? Kasalanan ko bang ganun lang talaga ako pinalaki ng magulang ko , dapat laging productive ang buhay at bigla na lang ako tinamad ? 



‘what happen to you Pj ?’ kasunod niyang tanong , hmmm ano ba ang tamang isagot ?



‘ahhmm , well , im simply just like other people who changed’ ngumiti ako after ko sabihin yun pero nagtaka naman ako sa expression ng mukha niya .


‘why?? Pj , alam mo ba nung una kita makita dun sa competition ng english day , nung lumaban ka sa spelling bee , ganda gandang ako sayo nun , lalo na nung tinalo mo ko sa declamation , I expected you to boo our team pero yumakap ka pa sakin and sinabihan mo ko ng ang ganda ng pagdeclaim ko and your sorry . Sabi ko sa sarili ko nun ang sarap mong maging idol , kasi ang ganda mo,ang talino mo at ang bait mo pa’ woooooohh , di ko alam ang sasabihin ko sa pinsan/classmate ni Mikko na tutor ko ngayon na di ko pa alam ang pangalan


‘Nung nag highschool ako , dun ko lang nalaman na , mas bata ka pala sakin ng 1 taon , and dun ko din nabalitaan ang performance mo nung naghighschool ka na , and how from being an honor and excellent student you became the blacksheep, hard headed , trouble girl in school everyone’s talking about ’ gusto ko sana siya sigawan ng SUCH A STALKER pero di ko na lang tinuloy at ngumiti na lang sakanya , seriously , di ko na siya matandaan , to think na isang beses lang kami nagkita at yung competition na sinasabi niya eh proxy lang ako sa original na dapat na magcocompete nung araw na yun , sumama lang ako para mag cover ng story for my newspaper , I didn’t know na ako ang ipapalit dun sa nagka chicken fox na magcocompete

Ang dami dami pa niya sinasabi , todo kwento ako naman ngiti lang ng ngiti , buti na lang dumating na si Mikko at ipinaalam na ako for my exams. Dahil baka dumugo na ang ilong ko sa pag-iisip kung pano ko iiwasan ang mga tanong ni . Sh*t i totally forgot to ask for her name . Ang bright ko , right ?

HAPPY ENDING (BXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon