Chapter 15

182 3 0
                                    

PJ POV

‘what the freak is that freaking rules you have ?’ nag hysterical na ko , matinong rules ba yun eh puro pabor sakanya ?


‘rules are rules missy , whats your problem?’ abaa ! palibhasa siya ang gumawa ng rules kaya wala siyang problema


‘you and all the rules of yours ! eh puro pabor yan sayo ’ nagmamatigas talaga ako . Lul nya !


‘fine! Then tell me do you have rules as well ?’ oy ! ayun inaantay ko .rules . rules ? hmmm ..



‘1 . never disturb me when im sleeping’ inagaw ko sakanya yung phone nya at ako mismo ang nagtype . 
Nagsalubong pa nga ang mga kilay niya , but who cares ?



‘2. Im not your servant , so don’t you dare act as my master’ dahil sa rule no.2 ko nag react na si Mj



‘oy ! pwede yang 2 and 1 pero may limitation !’ sabi niya na may authority ang boses . epal na to



‘yeah yeah whatever ! no. 3 being your girlfriend has also limitations , no kissing , no hugging , no holding hands basta no physical contact’ nagsalubong ulit ang mga kilay niya at nagbigay ng violent reaction


‘naging girlfriend pa kita !’ sabi niya , aba namumuro na to ah


‘hoy ! anong gusto mo ? mag sweet sweet tayo ?’ sabi ko na pinanlilisikan na siya ng mata


‘hindi , what I mean is , pano pag kelangan natin mag act na tayo if walang physical contact ?’ hmmm . may point siya , pero bat kelangan ko nga ba magpanggap na gf niya ?


‘teka ! bakit nga ba kelangan ko magpanggap na gf mo ?’ nagtaka ako ng bigla siyang yumuko at parang nag-aalangan sumagot


‘eh kasi , ano, darating si Lolo , I need a girlfriend to prove to him that im not gay’ sagot niya na dahilan para tumawa ako


‘hahaha ! baka bakla ka talaga ? wag ka mag-aalala , okay lang yan , di naman porket bakla masamang tao na . ’ tinapik ko siya sa braso at nagbigay ako ng I salute you sign sa kanya


‘baliw ! di ako bakla . Di lang talaga ako close sa mga babae . ’ di ako convince sa sagot niya kaya tumawa ako ulit at inasar siya


‘hahaha ! weh di nga ? ano ka ba if ayaw mo pa mag out pwede natin maging secret yan’ sagot ko ulit para bigyan siya ng courage 


‘namumuro ka na princess ah ! di nga kasi ako bakla , its just that Im not interested to be in a commitment’ woooh ! lalim ng sagot ni Mj 


‘FINE ! ay teka ! bat ba princess ka ng princess ? tengene mo ! lakas mo ah ! at madami naman babae dyan ako pa napili mo ‘ tinignan ko siya ng killer look ko dahil sa kaka princess niya , feelingero mismong bestfriend ko nga irita ako pag tnatawag akong princess tapos siya makatawag feeling close


‘ang arte mo! Eh sa ayaw ko ng Pj , katunog ng Mj ko , korni diba ? and for your information , wala akong close na mga babae , alangan naman manghila lang ako ng kung sino dyan ‘ letseng Mj to dami rason sa buhay , sipain ko kaya to .


‘eh sa ayaw ko ng princess ! eh di tatawagin na lang din kitang Mikko para quits ! peste ka !’ this time siya naman tumingin sakin ng masama . 


‘bahala ka ! asan na yung 4th at 5th rule mo ? dami mo satsat . hanggang no.3 lang ba yung rules mo ?’ ayy shit ! oo nga pala nakalimutan ko yung 2 pang rules .


‘4th rule , everytime I will do you a favor , you will reward me with chocolate and something blue .’ maton man ako sainyong paningin ako ay babae parin . 


‘fine fine ! may pagkachix ka rin palang side ‘ pang insulto tong Mikko na to ah . Sisipain ko na talaga to eh .


‘malamang babae parin ako ! gagu !’ bigla ko siya binatukan at tinignan niya nanaman ako ng masama


‘babae ka pala , tapos ang lutang mo magmura ! act like one !’ yan nanaman siya sa authority tone of voice niya


‘tss ! I’ll try kupal ! anyway the final rule of mine is …..’ hmm ano ba magandang final rule ? 


‘ano ??wala kang maisip ?’ sinamaan ko ng tingin si Mikko tapos tumawa lang si gagu


‘5th rule . No secrets ’ eh ? ano daw sabi ko ? well , di naman ako masikretong tao , open book nga buhay ko . Pati mga taong di ko close kilala ako . 


‘lame rules . fine fine !’ lame rules daw ? eh mas lame nga yung kanya , bat parang nag alangan siya sa 5th rule ? sabi na nga ba closet king to si mikko eh . 


‘and we’re done chua ! ’ ang saya ko lang tapos na ang pagbraibrainstorming namin sa pag iisip ng pesteng rules na yan ang taba kasi ng utak ni Mikko . 
Pero bago ang lahat may bigla akong naalala .



‘NO FALLING INLOVE’ natawa pa kami ni Mikko ng sabay kami ng sabihin yun


‘lul ! bulok na yang linya na yan’ sabi ko ng matapos kaming tumawa


‘oo nga gasgas na . HAHA’ tumawa nanaman kami tapos bigla kaming nagkatinginan tapos tumawa ulit . Para kaming baliw right? Wala kayong pakialam eh sa nakakatawa eh . HAHA


‘tayo maiinlove sa isa’t isa ? malabo ‘ sabi ko na may action pa tapos bigla akong tumawa bago ulit magsalita 


‘ haha . lumang linya na rin diba ?’ sabi ko na sinang ayunan niya naman at todo tango pa with matching tapik pa 


‘oo nga , eh what if mainlove ang isa satin’ tanong niya na ewan ko kung tanong nga ba yun .


‘eh di nganga . HaHa , pero since No secret ang peg natin , if ever may mainlove magsasabi okay ?’ sabi ko na sabay hampas sakanya


‘oo nga pala ,sige sige no secret’ sabi niya tapos bigla kami ulit nagkatinginan sabay tumawa ulit


‘hahaha ! Pero malabo talaga eh !’ sabay nanaman naming sabi kaya lalo kaming tumawa


Di pa kami maka get over sa pinag-uusapan naming ng magdecide kami na pumasok na sa mga kanya kanyang kwarto at matulog na . 


Anong petsa narin kasi , susme ! Sa sobrang tuwa namin sa pagkwekwentuhan di na naming napansin ang oras . 


Kung ako man ang unang mainlove , eh di , ah ewan ayoko isipin dahil sa mga panahon na ganito malabo pa dahil hindi ko alam ang utak ni author at kung pano niya gagawin ang storya . Basta ang alam ko ieenjoy ko muna ang deal na to . Ayoko magtanong sa sarili ko if maiinlove ba ko ? ma fafall , syempre lumang tugtugin na yun .


Sa mga nabasa kong stories at napanuod na movies , laging ganun takbo ng kwento . Magkakaroon ng deal , magkakasabihan ng bawal mainlove tapos in the end maiinlove din sila sa isa’t isa . Ang korni ko ba ?? HAHAHA .


Sorry to say pero pinapasabi ni author na this is not your typical love story , so kung ano yung mga nasa isip niyo ng pwedeng mangyari , burahin niyo na sa mga isip niyo dahil may roller coaster na utak ang author . Malabo pa siya sa malabo , goodluck satin lahat kung pano natin susundan ang bawat chapter ng story ko..




Kinabukasan :

Nagbreakfast kami around 8 am , sakto naman nakaligo na ko nun , di naman ako nalasing para magka hang over . Salamat sa nakakatawang kwentuhan at epic na deal with Mikko , feeling ko lahat ng alcohol sa katawan ko na ininom ko kagabi nawala dahil sa kakatawa ko .


Speaking of Mikko , sinalubong niya ko ng nakangiti at pataas baba pa ng kilay , alam ko na iniisip nito , yung kagabi . Napangiti tuloy ako ng wala sa oras , nagkwentuhan lang kami hanggang sa di namin napansin na nasa table na pala kami . Tawa parin kami ng tawa ng mapansin namin yung mga tao sa paligid namin .


‘what ??’ sabay namin sinabi ni Mikko , ohah ! kagabi pa kami nagkakasabay , iisa na ba utak namin ? HAHA


Nakapag ayos na kami ni Mikko around 10 , aalis na daw kami ng maaga para maaga din kami makarating since nakakapeste naman talaga kung late na kami makauwi diba ? 
Since kami nga ang naunang makatapos ni Mikko sa pag-aayos ng gamit , nauna na kami sa van at naupo sa backseat . 


Nilabas ko yung ipod ko at nag soundtrip , si Mikko naman nilabas yung psp niya at naglaro , nagkatinginan kami ng mapansin niyang nilabas ko rin yung psp ko . 
Parehas namin tinignan kung anong game ang binuksan ng bawat isa , saka kami biglang ngumisi . 

Naglaban kaming dalawa , haha , pwede yun basta iaayos mo lang sa setting ng psp mo and basta parehas kayo ng game sa mga psp nyo . 
Parang tekken yung style ng nilalaro namin , busy kaming parehas sa paglalaro ng magsipasok na silang lahat sa loob ng van . Kanya kanyang bati sila pero di namin pinapansin hanggang sa sumigaw ako .


‘YES ! PANALO AKO!’ hinampas hampas ko sya sa braso kaya naman sinigawan niya ko at sinabihan ng isang game pa raw . 


‘Hala , kelan pa kayo naging close ?’ puna ni Mads saamin , parehas lang kaming ngumiti tapos binigay ko yung isang earpiece kay Mikko para share kami sa music ko .



4-4 , yes tie na kami ni Mikko , nagsawa lang kami ng bigla kami antukin pareho . Nakatulog kami at pag gising namin nasa tapat na kami ng University , dito kasi ang parting place , naks sa mga parting place. 
Anyway , dahil nga kelangan na naming magsiuwi , nagpaalam narin kami sa mga ate at kuya na sumama saamin . At syempre sa mga kasamang kaibigan na iba rin ang way pauwi . 



Nagpasundo si Maddy sa driver nila kaya sumabay na lang ako , along the way lang kasi yung subdv. namin , bale before kina Maddy. 

Pasakay na sana ako ng kotse ng mag vibrate ang phone ko .

=Be prepared . It will start on monday= 

Lumingon ako para lang makita si Mikko na kumakaway na may kakaibang ngiti . Shit ! ano kaya mangyayari sa Monday . Pwede bang mag back out ? 

Goodluck saakin :|

HAPPY ENDING (BXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon