CHAPTER 12

218 3 0
                                    

MJ POV

Daming tanga sa mundo noh ? Nagmamahal kasi sila , sa maling paraan nga lang . Minsan kasi kelangan din natin matuto mag control , kelangan din natin isipin ang mga bagay bagay . 

Di pa ako naiinlove pero pagmamahal din naman ang pagmamahal sa pamilya diba ? Yun nga lang sa pamilya walang ending ,walang cool off at lalong walang break up . 

Habang nag dinner , tahimik lang si Pj , halatang walang gana, kami ni Maddy nagkatitigan , tinanguan niya ko , ibig sabihin may alam siya . 

Dahil sa mukha ni Pj , nawawalan na din tuloy ako ng gana , susmeng buhay ito oh . 

Pagkatapos mag dinner , umakyat ako ng kwarto para magshower . Ang tunay na lalaki laging amoy gwapo , dapat mabango at malinis lagi . 

Last night na kasi namin ngayon , Di naman to bakasyon grande , kelangan din namin umuwi syempre. Ang maganda lang dun kasi mga hapon o tangahali pa kami aalis kinabukasan , kaya hindi kelangan gumising ng maaga . 

Pagkatapos ko magbihis at makababa , si sungit agad hinanap ko . Sa kasamaang palad di ko siya agad nakita , buti na lang at nakasalubong ko si Maddy at tinuro kung asan si Pj.

'andun sa may cottage sa tabing dagat , dala yung gitara nag eemo' sagot ni Maddy nung tinanong ko siya

''ganun ba ? salamat ah' 

'ikaw mj ah , iba na yan , kanina mo pa bukambibig si Cess , crush mo noh ?' lokong babae to , naasar pa ko .

'baliw ! aasarin ko lang kaya hinahanap ko , lahat kasi kayo lovers' ngumiti na lang si Maddy sa naging sagot ko at nagsimula na maglakad.

Pero bago pa man ako tuluyan makalayo , ay sumigaw si Maddy

'may party mamaya , 9 , sa bar ! Sabihan mo si Cess!' May microphone ba bunganga nun ? anlakas ng boses .

Anyway , nakita ko naman agad si Pj , pero bago pa man ako tuluyan makalapit , naunahan ako ng isang unknown species.

'Hoy malanding babae !' sigaw ni . wait ! yung babaeng gf nung Rhod ba yun ?

Hinila nung babae si Pj patayo dahil nga nakaupo si Pj . Hinawakan niya si Pj sa kwelyo , halatang gigil na gigil yung babae pero si Pj , parang wala lang sakanya ang presensya ng babaeng hawak ang kwelyo niya .

'nang-iinsulto ka ba ?' sigaw ng babae , si Pj , tinignan lang siya saglit tapos tumingin sa ibang direksyon

'aba't sinusubukan mo ba ko ? pag kinakausap ka , tumingin ka !' bulyaw ulit nung babae kay Pj, pero di ulit ininda ni Pj na para bang wala lang talaga sakanya yung babae.

Pasugod na sana ako ng nakita kong bumwelo yung babae para sampalin si Pj , pero sa gulat ko napaatras ako .

Sinampal lang naman ni Pj ng ubod ng lakas yung babae , halatang malakas dahil sa lakas ng tunog na nagawa ng sampal at sa pagkaatras ng babae .

Akala ko tapos na ng isang sampal , pero nung bumwelo para bumawi yung babae , inunanhan ulit ni Pj ng sampal sa kabilang pisngi , doble ang lakas kesa kanina . 

'napakawalang hiya mo !' manginig nginig na yung babae mula sa kinakatayuan niya .

'kung walang hiya ako , ano ka pa ?' walang ganang sagot ni Pj

'hindi ko alam ano nagustuhan sayo ni Rhod , blacksheep , pariwara , may bisyo , pok' hindi natapos nung babae yung sasabihin niya dahil inunahan siya ni Pj

'ano ? Pokpok ? dahil ano ? may bisyo ako ? dahil mga lalaki ang barkada ko ? Kelan pa naging basehan ng pagkatao ang mga bagay na iyon ? Hindi ba't mas pokpok ang datingan ng ginawa mo saakin ? Ganun ka ba kakati mang-agaw ?' walang hingahan na sagot ni Pj , napapako ako sa kinakatayuan ko bigla

HAPPY ENDING (BXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon