Chapter 20

495 10 7
                                    

MJ POV


‘letse pre anong problema ba?’ nakakaasar tong si Renz , nagtext at pinapunta ako sa coffee shop dahil may sasabihin daw syang importante 


‘may ano kasi , may emergency ’ sabi ni Renz na mukhang hingal na hingal at nauutal pa

I drop the call and ask for the waitress to take my order , oh yes kausap ko lang siya sa phone take note , nauna pa ko sakanya dito sa coffee shop , siya may kailangan siya pa ang late .


‘Miss , one caramel frappe , coffee base’ salubong ko sa waitress na kumukuha ng order ko 


‘yes sir ’ sagot niya naman na nakangiti 

I was about to ask for water when she came back with a glass of water ang galing naman ng babaeng to . Pakiramdam ko tuloy nagmamind read siya . 

Nakuha ko tuloy siya tignan na nakangiti lang sakin , saka ko naman napansin ang nameplate sa uniform niya na ang nakalagay ay ‘Oy , Shanna here =)’ , gusto ko nga matawa dahil pakiramdam ko siya lang naglagay nun .
Napansin ko rin ang pagdating ng dalawa pang tao na mukhang kakilala nung Shanna , binati niya pa nga kaya di ko maiwasang di mapalingon .


‘Ate Naomi ? Keith ? uyyy , kumusta ?’ bati ko sakanila , sino ba naman kasi ang di makakakilala sakanilang dalawa eh sumikat masyado yung lovestory nila sa buong campus . 

By the way parehas silang babae , tomboy si Keith pero mas madalas siyang pagkamalang lalaki , si Ate Naomi naman ay magandang babae na kung titignan mo akala mo ang sungit sungit. They earn respect after nung naging pasabog nila sa university , I know , im the grandson of the owner . 

Nagbabatian pa kami ng biglang may sumigaw pababa ng hagdan , galing sa 2nd floor ng coffee shop.


‘SHANNA ! where’s my frappe ?’ napalingon ako sa sumisigaw at napangiti ng makita si Kae , isa sa mga well , kababata ko though mas matanda talaga sya saakin pero si Lolo Pops eh close sa parents niya . Tomboy din siya na napakababaero , feel na feel niya na gwapo siya pero gwapo naman talaga. 


‘Kae ! ’ sabay sabay naming pagkakasabi nila Ate Naomi at Keith .

Nagulat naman si Kae sa pagkakakita saakin na ilang taon ko ng di nakakasama , nagbatian lang din kami at naupo siya sa table na inoccupy ko , actually kaming apat na pala . 
Sakto naman na pagkaupo ni Kae ay dumating na ang frappe ko na kasabay ng order nila Ate Naomi at Keith pati narin ni Kae.


‘bagal bagal’ bulong ni Kae 


‘epal epal’ sagot naman ni Shanna

Binatukan ni Kae yung Shanna , di naman umimik yung Shanna pero nag bend siya sa malapit kay Kae at bumulong ng patay si Kae sakanya mamaya , malakas panrinig ko kaya narinig ko .
Naamaze ako sa summary ng kwento nila , to make it short si Keith at Kae ay magbestfriend na nainlove sa iisang babae . 

(A/N: read Story of Us on Wattpad for more information XD) 

May dumating naman bigla na sinalubong ni Shanna sa entrance , naririnig kasi yung chimes pagmay pumapasok , anyway , mukhang jowa ni Shanna yung sinalubong niya todo ngiti kasi siya , pero ang nakakatawa kasi nung humarap yung dumating si Ayan pala , yung student president ng school , half sister siya ni Kae . 

Tumayo naman agad si Kae nung nakita si Ayan at dumiretso sa taas . Nagtawanan naman si Ate Naomi at Keith at bumulong ng selos lang yun .

(A/N: SWEET SERENDIPITY ON WATTPAD >>> story of Shanna –Ayan- Kae)

*beep beep beep

Agad ko kinuha yung phone sa bulsa ko at chineck kung sino , si Ranz lang pala . Nag eexpect kasi ako na si Princess na , ang alam ko kasi tapos na yung exam niya usapan namin yun tapos parang nakalimutan niya . 

Nagtext si Renz na nasa labas na siya , agad ko naman siya pinuntahan sa labas ng coffee shop , dahil ayoko na maabala at susunduin ko na lang si Princess kahit di pa nagtetext saakin . 


HAPPY ENDING (BXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon