MJ POV
‘Sir , basta iinform niyo po ako kung parating nah oh kayo hah ?’ tinanguan ko naman yung waiter at nagbilin na icheck parin if okay na talaga ang lahat .
Nagtataka ba kayo kung asan ako ? well , andito lang naman ako sa fairytale restaurant , nagpapahanda ng surprise kay Princess .She’s been a very good girl this past 2 weeks , ni hindi ko nga narinig magreklamo yung babaeng yun , lahat ng utos at bilin ko nasusunod . Hindi na siya nagcut ng class , pumapasok na siya on time , hindi na siya nagsmosmoke , nag-aaral na din siya ng mabuti and well she look amazing . All thanks to me ofcourse , pero not really cause you know siya parin naman nagdecide nun for herself , well not like decide decide , syempre kasali na yung deal namin and my pananakot but well so far she’s doing a great great job .
Pero habang tumatagal parang nagiging komplikado na , I planned this surprise date for her , not only to congratulate her but also to tell her a very important thing . May kasunduan kami na bawal ang secrets , and I think im being unfair for not telling her everything , sana lang maging okay pa din lahat after ko masabi sakanya .
‘Mikko , iho .’ Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni lolo .
I totally forgot that this is his favorite restaurant , madalas talaga siya kumain dito pag umuuwi siya ng Pilipinas . Sa Seattle na naka base ang buong family ko andun din na kasi nakatira yung dalawa pang kapatid ni Mommy and family nila , si mommy ay isang doctor , si ate naman nasa medicine school pa , gusto niya maging surgeon na nung una inayawan niya pa dahil surgeon din si Dad , naka move on na siguro si ate , dapat lang , ang tagal na rin kaya nun 1 dekada na. Ang lakas ko rin makapagsabi ng dapat lang maka move on noh ? Well ako kasi galit parin kay daddy , di ako magpapaka impokrito na sasabihin na okay na lahat . Lumaki akong walang ama , syempre di okay yun , lumaki akong naiinggit sa mga kaklase kong sinusundo ng mga daddy nila nung elementary , mga bata na naranasan makalaro ang mga daddy nila . Pero thankful ako dahil si Mommy pinilit bumangon para magpaka ama at ina saamin .I suppose to follow there in Seattle after graduation ko ng elementary , kaso nagkaroon ng aksidente before nung araw ng flight ko , at kinailangan ko magstay sa hospital ng 1 week . Ewan ko ba pero nung araw na lalabas na ko ng hospital nasabi ko na lang kay Mommy na dito na ko magtatapos hanggang college sa Pilipinas . Nung una syempre di siya pumayag pero na convince ko rin siya , pero ang nakakatawang part dun , hindi ko maalala yung nangyari nung aksidente , kung bakit at saan basta ang alam ko lang naaksidente ako , di ko nga alam kung anong klaseng aksidente . Di na rin ako nag-abala pa ,dahil di naman malalang bali ang napala ko , OA lang sina Mommy at binilin si yaya na magstay pa ko sa hospital kaya nga umabot ako ng 1 week .
‘anong ginagawa mo dito apo ?’ andito nga pala si Lolo
‘ahmm , just planning a surprise for Princess’ sagot ko naman kay Lolo , nabigla na lang ako ng bigla siyang tumawa at umakbay saakin
‘haha , mana ka nga talaga saakin , you are indeed a true Radford .’ sa mga di nakakaalam , Radford po ang middle name ko , half Filipino-half American si Lolo Pops , Korean-filipina naman si Lola Mi, si Daddy naman Chinese-filipino .
Ang gulo ng lahi ko noh ? so basically by blood im an American , Korean , Chinese and a Filipino . Pero syempre proud pinoy to , yun naman ang umangat kina Lolo Pops at Lola Mi , business man si Lolo Pops , professor naman si Lola Mi nung nagkakilala sila sa Korea . Pero parehas silang lumaki dito sa Pilipinas .
‘naman Lolo Pops , kanino pa ba ako magmamana ? ‘ nagpogi sign naman ako after ko sabihin yun kay Lolo Pops. inaya naman ako ni Lolo na kumain sa favorite spot niya sa fairytale , sa asian cuisine , syempre nasa japan kami ulit , palibhasa nung nagpropose si Lola kay Lolo nasa Japan sila , oo si Lola ang nagpropose , cool diba ?
BINABASA MO ANG
HAPPY ENDING (BXG)
Fiksi Remajahappy ending ? they only exist on fairy tales , but in real life ? its a different story . a girl who is longing for love, a girl who doesnt believe on happy endings , a girl who is misunderstood by many . will she ever find her own happiness ?