CHAPTER 14

233 6 0
                                    

PJ POV

Nakapwesto na kami ngayon sa stage , tinatawanan ko na lang yung pinag gagawa ni Mj , pano kasi binulungan ako ni Leo na pinainom daw nila si Mj ng isang basong vodka , malay daw ba nila na di umiinom ng alak yung lalaking yun , ayun at lasing na lasing tuloy . 

Problema na nila yan , papainom painumin nila eh . 

NOWPLAYING : Ikaw Parin by Juana

Masyadong masakit parin yung nangyari samin ni Rhod , siya ang 1st love ko , what do you expect ? Move on ? pwede pa , forget ? never gonna happen . 

Aminin niyo man o hindi ,  pwedeng wala na kayong nararamdaman sa mga ex niyo pero at some point di niyo parin sila makalimutan na limot na limot . Lalo na yung mga ex na naging malaking parte ng buhay niyo . 

Natahimik ang buong bar ng magsimula akong kumanta , ewan ko siguro kasi nararamdaman nila sa bawat bigkas ko ng linya ang sakit na nararamdaman ko . Emo na kung emo , parang di kayo dumaan diyan . Kahit tapang tapangan ako , syempre tao lang din ako , nasasaktan din . 

May 2 kanta pa kaming kinanta , dare you to move at goodbye to you ni michelle branch . Syempre dahil magaganda kasama ko umani kami ng palakpak at papuri , Ganyan talaga nagagawa ng emo , nagiging matalinghaga sa pananalita . Wag kayong magreklamo nakikibasa lang kayo . 

‘Oy ! asan na si Mj ?’ walang kwentang tanong ko kay Leo .

Sumagot lang siya na hinatid niya na daw sa kwarto . Wala narin naman gagawin sa pesteng bar kaya nagdecide ako na pumunta sa cottage sa may tabing dagat . Feel ko lang magi sip isip ng mga bagay bagay .

Ang sarap ng hangin sa pwesto ko , isa sa mga bagay na mamimiss ko pag alis namin bukas ay ang preskong hangin at yung peaceful environment . Iba kasi yung dating ng beach , nakakarelax parang yung mga problema at stress mo nadadala sa bawat hampas ng alon at ihip ng hangin . 

‘di ka ba nilalamig dito ?’ isang husky na boses ang biglang nagsalita habang isang itim na jacket naman ang isinuot saakin ng nagmamay ari ng boses

‘oh akala ko ba tulog ka na ?’ tanong ko kay Mj , halatang may tama pa siya ng alak pero mas mukha na siyang matino ngayon compare nung kanina

‘nagising ako , ang sakit nga ng ulo ko kaya naligo ako’ kaya pala umaalingasaw nanaman yung bango niya . 

‘uminom ka ng malamig na tubig para makatulong’ sagot ko naman sakanya at iniabot ang mineral water na kinuha ko sa cooler sa tabi ko. 

Actually bago ako pumunta dito sa cottage ay binilinan ko sina Leo na dalhin sakin yung cooler at lagyan ng alak, eh ang mga tanga nilagyan din ng tubig , aanhin ko yun eh beer ang iniinom ko . Buti na lang pala at nilagay nila yun dahil may silbi ngayon kay Mj na may tama . 

‘wow ! salamat ah , kahit pano nga nakakatulong’ sagot niya na hawak hawak ang ulo niya .

‘engot ka kasi bat ka uminom eh di ka naman pala umiinom’ tanong ko sakanya 

‘kasi nagpaalam ako sakanila kung pwede kang ligawan’ cool lang na sagot niya .

Halos maibuga ko yung iniinom kong alak at maibato sakanya yung bote pero siya nakangiti lang saakin . 

HAPPY ENDING (BXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon