CHAPTER 13

209 4 0
                                    

PJ POV

Last night na namin . Balak ko sulitin ang gabing to at kalimutan lahat ng sakit na nangyari sa buong araw . Napaka emo ko naman kasi , ay mali NAPAKA TANGA KO NAMAN KASI . ayun yun ang tama .

Naglakad lakad na ko papunta sa may bar at dun gaganapin yung last night namin, pagpasok ko sa loob sobrang na excite ako dahil nakita ko nasa stage sina Leo .

‘leooooooooooo, di naman kayo masyado excited ?’

‘at di ka rin naman masyado hyper . makasigaw ka parang wala ng bukas.’- leo

‘ay sorry , natuwa lang ako nung makita ko kayo sa stage . kayo nila mj ang unang tutugtog?’ - ako

‘oo , si mj kasi . gusto ka daw niya lampasuhin .’ - Leo

‘epal talaga yun si yabang minsan . ’ umalis na lang ako sa stage at pumunta sa isang table para maupo

Maganda yung pagkaka arrange ng bar , yung mga instruments na ginamit hindi basta basta . silver and dark blue ang theme ng party , my favorite color . may isang mahabang table din sa left side na puno ng foods at may wine sa gilid . WOW ! sosyal , anong meron ? bat parang isang malaking party ang magaganap ? ang OA ng naman ng last night namin . Bat parang mag isa lang ako ? asan yung mga kaibigan kong magaganda ? nag gown ba sila kaya wala pa sila dito ? sa sobrang pag-iisip ko kung asang parte sa ibabaw ng lupa sa resort naroon ang mga kaibigan ko . Di ko napansin na , may tumabi pala sakin .

‘hi miss , matagal ka na dito ?’ sino naman kayang anak ng tikbalang to . paglingon ko sa tabi ko , napa simangot ako .

‘what’s with the question yabang ?’ sabay roll eyes ko sakanya .

‘wala , trip ko lang mag hi miss sayo once in a while para maiba naman .’ then naupo siya sa tabi ko .

‘hoy , yabang nakita mo ba sina alex ? kanina ko pa sila hinahanap eh.’

‘hindi sungit eh , baka nag gown pa mga kaibigan mo.’ Ay , parehas pa kami ng iniisip ni yabang .

‘tsss . nevermind . tara kain tayo yabang .’ sabay hila ko sakanya papunta sa may long table .

Andaming pagkain , kuha lang ako ng kuha . tapos binibigay ko sakanya para ilagay sa table namin, di naman masyadong OA yung mga kinuha kong food . Kumuha lang ako ng BBQ, salad , cake , fried chicken , steak , and baked mac .

‘hoy sungit , di kaya sumabog tyan mo dito ?’ mj

‘hah ? bakit ? sino ba nagsabing ako lang kakain ? syempre kasali ka . kumuha ako marami kasi lalaki ka . malamang malakas ka kumain.’ Nilingon ko ulit yung table if may nakalimutan pa akong food , hanggang sa makita kong .

‘yabangggggggg ! IMBA! Grabe .’ tapos hinampas hampas ko si yabang

‘anong problema mo sungit ? ang sakit ahh’

‘may chocolate fountain. May chocolate fountain . im a fondue lover just so you know.’

‘oh eh di puntahan mo . kelangan may pa hampas hampas ka pang nalalaman ? dun ka na nga babaeng ewan.’ Ang laking epal talaga sa planet eart ni MJ , so dahil ayaw ako samahan ni yabang nagpunta ako sa may gilid ng chocolate fountain .

Waaaaahhhh . ang sarappppp , okay na ko dito forever and ever . sobrang ini enjoy ko na yung pagkain ng biglang may nagsalita sa mic .

‘hi good evening everybody , kumusta naman po kayo lahat ? ’ si Mj , nakatayo sa stage , at sa sinabing niyang lahat , napatingin ako sa buong place . napa nganga ako , kelan pa nagsulputan yung mga tao ? nagulat ako mga 80 % . anyway , pinakinggan ko ulit si Mj na todo makangiti sa harap , mukhang tanga lang . monggoloid siguro yun .

HAPPY ENDING (BXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon