Chapter 17

167 3 0
                                    



PJ POV

‘whatt ??’ sarap sapakin ni Mikko , di niya man lang sinabi na may ganito . Letse !



‘pwede ba Princess , yung boses mo , talo mo pa nakalulon ng mic dyan eh’ nakakaasar lang , kung hindi lang dahil sa pesteng prof kong beki hindi ako papayag dito eh .



‘goodmorning apo’ di pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob ng resto eh may sumalubong na saming matanda , obviously lolo ni Mikko , alangan naman na batiin niya kami ng goodmorning apo kung wala siyang apo saamin, at lalong di naman ako yung apo dahil nasa Canada si Tatay at Nanay .


Tatay at Nanay talaga tawag ko sa grandparents ko sa Mother side, hindi ko nakilala yung sa father side since di pa magkakilala si Mommy and Dad nung namatay daw parents ni Daddy . Sa pagkakatanda ko sa kwento ni Mommy before , ayaw ng grandparents ko sa Daddy ko , hindi naman mahirap si Daddy pero hindi rin naman ubod ng yaman na gusto ni Nanay for my Mommy . My Nanay badly wants a son , since wala silang naging anak na lalaki , they have three daughters and my Mommy was the youngest , kaya ganun sila ka over protective at ang gusto nila ay mayamang lalaki ang mapangasawa ni Mommy . Kaso tinanan ni Mommy si Dad , kaya ayun at sila ang naging mag-asawa. Ang kulit ng love story nila diba ? Tapos isang haliparot na babae lang ang sisira .



Anyway back on our topic , naninigas ang buong katawan ko ngayon dahil kaharap ko ang Lolo ni Mikko , di ko pa siguro nababanggit to pero , im such a bad liar that’s why im also not good at pretending . 



Nakaramdam na lang ako ng sinisiko ako ni Mikko kaya ngumiti ako at nag good morning din sa Lolo ni Mikko . 



Ni-lead nya kami papunta sa table , nag-alangan ako lalo nung makita ko kung san kami papunta , yung asian side ng resto . Bale kasi since sosyal at matalino yung may-ari nitong resto , ang ginawa niya eh lahat ata ng pwede mong maisip na food ng ibang bansa eh meron dito , di naman lahat pero halos ganun na din. At yung resto may part na for asian cuisine and stuff , if you want a Filipino food and style ilelead ka ng mga waiter palabas may kubo kubo kasi dun and there you can eat at a banana leaf ng nakakamay if you want . I know because we tried it before , and it was fun kahit tawa ng tawa sila Mommy dahil hindi ako marunong but now Im an expert HAHAHA . 



Sa case naman namin ngayon , Japanese cuisine and pinili ng Lolo ni Mikko , this is so bad , mahina ako sa pag gamit ng chopsticks , my mom is good at that half Japanese kasi siya si Lolo kasi Japanese kaya dapat matuto talaga siya eh ako ? Pilipina ako alangan naman magpilit ako magchopstick kung pwede naman ako magkamay o gumamit ng tinidor at kutsara diba ? 



‘Apo , go and choose your order’ sabi ng lolo ni Mikko 


Iniabot naman saamin ng waiter ang mga menu , siniko ko si Mikko pero di niya ako pinansin . Gustong gusto ko na siya murahin at sapakin pero pinakalma ko ang sarili ko . Nagugutom na kasi ako at hindi ko alam kung ano ang dapat ko orderin , hindi ako familiar sa mga Japanese cuisine, tanging sushi at ramen lang ang alam ko , favorite ko yun eh bakit ba . 


Tinawag ko yung waiter na nakasuot ng ala butler style na uniform at binulungan .



‘kuya , sushi at ramen hah ? pakidamihan yung sushi at pakibilisan nagugutom na kasi ako ’ ngumiti naman sakin si Kuyang waiter 


Nung nakaalis na si Kuyang waiter , kinurot naman ako sa ilalim ni Mikko kaya inapakan ko siya sa paa . Natawa pa nga ako sa reaksyon ng mukha niya parang nagpipigil ng tae . 



Sumenyas naman siya na lumapit ako sakanya , nung una nga ayoko kasi baka kung ano nanaman gawin niya pero napansin kung nakatingin samin yung Lolo niya , kaya sumunod na lang ako , baka mahuli na nagpapanggap lang kami , magbabye na ko sa pagdiditch ko sa subject na hawak ni prof. L . 



‘umayos ka Princess ah , baka mabuko tayo ni Lolo , patay ka talaga sakin’ bulong ni Mikko , habang bumubulong naman si Mikko , ngiti lang ako ng ngiti kahit ang totoo naiinis ako sakanya dahil sa mga pangyayari . 



‘so iha , may I know your name please’ Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ng lolo ni Mikko , pano ba naman kasi nakayuko ako dahil naglalaro ako ng candy crush sa phone ko . 



‘Im Princess Jane Rodriguez , sir’ ngumiti ako like a good girl .

Damn I feel stupid doing all the smile and ang stiff stiff ko ngayon 



‘are you related to Carlo Rodriguez ?’ 



‘no sir , not at all’ ang galang at seryoso kong kausap diba ?? Naku , kung tropa o si Mikko siguro nagtanong nito malamang ang sagot ko ay ganito =Sino namang kung sino yun ? pakyuu wag mo ko tinatanong ng mga taong di ko kilala= eh kaso hindi kaya dapat Im a good girl . 



‘sorry for waiting this is your order mam,sir’ save by the bell , gusto ko tapikin ng ubod ng lakas si Kuyang waiter dahil sa pagdating niya na kasama ang sushi at ramen ko . 



‘kuya yung fork ko po’ napalakas ata ang sigaw ko kaya ngumiti ako at nagpeace sign .

I was too busy eating , that I totally forgot na may mga kasama pala ako . Malapit ko na maubos yung sushi nung maalala ko na ang mga Japanese people pala bago kumain may sinasabi , =Itadakimasu= 
If I remember it right , ito yung way ng mga Japanese people to respect the food, isang mabilisang sign of the cross lang kasi ginawa ko kanina bago kumain . Gutom na gutom na kasi ako ano magagawa ko ? 



‘iha , okay ka lang?’ napangiti ako ng alanganin sa Lolo ni Mikko



‘ah eh , pasensya na hoh, gutom lang po ’ that’s it I can’t pretend .

Nagulat na lang ako ng biglang tumawa yung Lolo ni Mikko.



‘I like you iha , Call me Lolo Pops’ Ang cool Lolo Pops , pero wait tama ba ko ng rinig , gusto daw ako ? Kala ko napahiya na ko dahil sa pinag gagawa ko ,ansama na pa naman ng tingin sakin ni Mikko



‘really Lolo ?’ si Mikko yun , mas gulat na gulat pa saakin



‘yes iho , I think she’s a nice and fun to be with . Di masasayang ang food pag siya ang kasama mo . And she’s a natural’ napangiti ako sa sinabi ng Lolo Pops , oh diba ? di ko naman sinasadya pero ang galing ng resulta ng pagpapakatotoo ko .



Nagkwentuhan pa kami ni Lolo Pops then maya maya nagpaalam na din kami sakanya ,ayoko pa nga sana dahil nag-eenjoy pa ko pero si Mikko nagpipilit na dahil may klase pa raw kami , kaya nagpromise na lang ako kay Lolo Pops na mag videoke kami next time . Mahilig pala kasi sya kumanta , oh eh di magkakajam kami ni Lolo , ang saya lang diba ?




‘alam mo bang napagalitan ako before nung humingi ako ng fork ? kasi dapat chopsticks daw tapos ikaw kanina nginitian lang ni lolo habang kumakain?’ nakakatawa yung itsura ni Mikko habang nagkwekwento



‘tapos may process pa kaya kaming mga apo niya bago namin siya matawag na Lolo Pops , tapos ikaw ganun lang ? Ang daya !’ dahil sa sinabi niya tumawa na ko ng tuluyan .



‘hahaha ! wala eh , im such a natural kasi’ ang galing ko talaga mang-asar . right? 



‘ewan ko sayo ! tara na nga at pumasok’ 






Nasa parking area na kami ng school ng nagmamadaling lumabas si Mikko ng sasakyan pakalabas ko ng pinto pinindot niya yung key para malock yung kotse tapos tumakbo .



Seriously ? Hindi pa naman siya late ah , mauuna pa klase 
ko sakanya . Baka gusto mag jogging ni Chua kaya tumakbo . 



Hinayaan ko na lang at nagstart na ko maglakad . Di pa man ako nakakalayo ay may lalaking sumalubong sakin at nag-abot ng pink rose. 



‘uy , bat may flower ?’ ngumiti lang siya at tumakbo



Maya maya niyan may isa pang lalaking nag-abot ng rose tapos tumakbo ulit , hanggang sa may isang linya na sa left and right ko na isa isang nag-aabot ng rose habang naglalakad ako . 




Kumukunot na yung noo ko ,dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao , after ko makuha yung last 2 rose ko eh may sumulpot nanaman ng dalawang lalaki , yung isa may hawak na gitara yung isa may hawak na beat box .

= You know I'd fall apart without you
I don't know how you do what you do

'Cause everything that don't make sense about me
It makes sense when I'm with you
Like everything that's green, girl I need you
But it's more than one and one makes two
So put aside the math and the logic of it
You gotta know you're wanted too =




May biglang siraulong kumanta , seriously ??? Asan siya ?? 
Nagpalingalinga ako tapos bigla na lang siya lumabas dun sa building na dapat papasukan ko . 



= I wanna wrap you up
Wanna kiss your lips
I wanna make you feel wanted=




Nasa tabi ko na siya at hawak niya kamay ko , seriously ?? ano ba problema ng taong to

=I wanna call you mine
Wanna hold your hand forever
And never let you forget it
Yeah I, wanna make you feel wanted=



Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumuhod at may isinuot saking bracelet . Tapos tumayo siya at nagpunta sa tapat ng building bale andun sya sa pwesto kanina nung 2 lalaki na may hawak na gitara at beatbox nakatayo lang siya dun tapos nakangiti sakin . 



Ng biglang may tarpaulin na biglang rumolyo pababa sa likod niya

=I LOVE YOU PRINCESS
please let me take care of your heart =
 

Yan ang nakalagay sa tarp ng tignan ko si Mikko may hawak na syang malaking puso , saka ulit siya naglakad papalapit sakin at niyakap ako .



Para kaming celebrity na umeeksena sa school ngayon sa dami ng nanunuod samin , baka ipasalvage na ko ng mga fan girl ni Mikko . 

Kung hindi lang to deal at hindi si Mikko ang gumagawa nito , naku talaga , baka nainlove na ko . Infairness ang sweet .. 




‘for the record I just would like to announce , that Princess Jane Rodriguez is my girlfriend , so don’t you ever dare or think to touch her. Cause I swear I will never think twice to hurt you ’
‘she’s my property , Mine , so back off!’ 



Napanganga ako sa sinabi ni Mikko ,literal na nganga , tumawa pa nga siya tapos sinara bunganga ko , After nun parang walang nangyari , inakbayan niya ko at sinabing ihahatid niya ko sa class ko .



Ang dami na nangyayari ngayong araw ano pa ba pwedeng mangyari , oh Mj , sumasakit ang ulo ko sayo

HAPPY ENDING (BXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon