"Bessy kumusta naman ang training mo?" tanong ni Jessy
"Masaya Bessy. Nakakatuwa kasi mababait ang mga seniors namin. Sila ang naguide sa amin nung training. Nakakabiruan din namin sila. " masayang kwento kay Jessy
"Mabuti na lang may training ka noong friday" walang ganang sabi ni Jessy.
"Bakit? may nangyari ba?" may masama kayang nangyari?
"Ha? ah haha wala noh" sagot niya sabay wagayway na kamay niya na nag-sasabing wala. Parang may hindi sinasabi sakin si Jessy
"Ah okay" hayaan ko na lang. Sasabihin niya naman siguro sakin yun kung importante
Lunes ngayon. Noong friday kami nag-training. Marami na agad ako nakilala. Marami na rin akong naging close. Nakasama rin namin ang mga boys ng volleyball team. Hindi sila mahirap pakisamahan. Sila pa nga ang unang nalapit sa amin para makipag-kilala.
Hindi pa naman kami totally nag-training, warm up lang. Mas gusto kasi ng coach namin na maging komportable muna kami sa isa't isa bago sumabak sa talagang training.
"Nasaan nga pala si Gian?" hindi ko pa kasi siya nakikita mag-mula ng dumating ako, malapit pa naman na mag-time.
"Hindi ko alam eh baka parating na rin yun" bakit si Paul wala din? madalas naman maaga ang dalawang iyon ah.
"Si Paul bakit wala rin?"
"Hindi ko rin alam eh baka parating na rin yun" may nangyari kaya nung friday?
Maya-maya pa may dumating na ikinagulat namin ni Jessy. Alam niyo ba kung ano? Mag-kasabay lang naman na pumasok si Gian at Paul. Nag-kaamnesia kaya silang dalawa? Baka naman nauntog ? May nangyaring himala? Anong nangyari?
"Hoy Bessy bakit mag-kasabay ang dalawang yan?" tanong ko kay Jessy.
"Bessy nananaginip yata ako" feeling ko ako din eh
"Bessy sampalin kita para masigurado natin kung nananaginip ka" baling ko sa kanya
"Wag na pala. Gising ako oh tingnan mo pa" nilapit niya pa sakin ang mukha niya
"Okay serious na. Bakit nga mag-kasabay yang dalawa? dahil sa pag-kakaalam ko ayaw nilang dalawa sa isa't isa"
"Lalo na si Gian. Sungit kaya niyan" tama si Jessy "Bakit pareho sila may band-aid sa mukha?" oo nga noh! Ano ba talaga ang nangyari?
Hindi na namin natanong si Gian dahil dumating na ang Prof. namin.
Nang oras na ng vacant pumunta kami sa gym. Kasama ko sina Jessy, Gian at Paul. Hindi ko alam kung nasan si Mae. Ayoko naman mag-tanong tungkol sa nangyari kanina kung bakit sila mag-kasabay ni Paul. Si Jessy kasi ang tagal mag-tanong eh!
"Gian nasaan si Mae? diba vacant din nila?" tanong ni Jessy. Oo nga noh vacant nga rin pala ni Mae
"May inaasikaso" ah kaya pala
"Bakit kayo mag-kasabay kaninang dalawa ha?" buti naman tinanong na ni Jessy
"Wala lang. Masama ba?" si Gian. Bakit ba ang sungit na naman niya?
"Sungit mo!" sabi ni Jessy " Paul bakit may band-aid mukha niyo, anong nangyari?"
"Nadapa lang" nadapa? silang dalawa?
"Talaga lang ha?"
"Hi Meg" napatingin ako sa bumati.
"Oh hi Ken, vacant niyo?" captain ng volleyball boys. Siya yung nag-sabi na mag-try out daw si Gian sa volleyball noong enrollment.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend until the end (on-going)
JugendliteraturMahirap makahanap ng tunay na kaibigan, pero ikaw nakahanap na ng kaibigan na laging nandyan para sa iyo at hindi ka iiwan. Pero paano kung mag-kagusto ka sa kanya? Paano kung mag-kagusto rin siya sayo? Anong pipiliin mo friendship with him? or rela...