Chapter 12
"Aatend ka ba ng training niyo sa volleyball?" tanong ni Kuya. Pag-kapasok niya yan agad ang tinanong niya.
Nandito kami sa kwarto ko. Nag-aayos ako ng gamit ko for school and for training mamaya. Pag-katapos ni Kuya mag-bihis at mag-ayos dumiretso siya sa kwarto ko. Ang pogi ni Kuya sa suot niyang corporate attire. Bakit kaya wala pang girlfriend si Kuya?
"Yap, kilala mo ako Kuya alam mo naman na gusto ko ang volleyball diba? Kung hindi ako aatend ng training feeling ko mas mag-kakaroon ako ng sakit" totoo naman kasi eh nakakabored sa bahay
Mula ng nag-laro ako ng volleyball noong high school hindi ako nawawala kapag may training. Siguro dahil na rin naging captain ako at dahil masaya ako kapag nag-lalaro ng volleyball.
"I know. Sinisigurado ko lang na okay ka na. Pag-katapos mo diyan bumaba ka na ha para makapag-breakfast na tayo at maihatid na kita. Bilisan mo Kapatid" sabi ni Kuya.
"Opo Kuya bibilisan na" sagot ko.
Pag-kababa ni Kuya inayos ko na ang mga gamit ko at bumaba na ako para mag-breakfast.
"Good morning Ma" bati ko kay Mama sabay halik sa pisngi
"Good morning 'nak. Okay ka na ba? Magpahinga ka kaya muna" pag-aalala ni Mama. Late na kasi nakauwi si Mama kagabi kaya tulog na ako ng dumating siya.
"Okay na okay na po ako Ma. Tsaka promise hindi na po mauulit yung nangyari" paninigurado ko kay Mama.
"Okay lang yan Ma marami naman mag-babantay diyan sa bunso niyo eh" nakangiting sabi ni Kuya.
"Talaga? Sino? Si Gian ba o si Paul?" pang-aasar ni Mama. Pati si Mama nakikisakay na rin sa mga trip ni Kuya.
"Ma naman! Wala po" tanggi ko kay Mama.
Tinuloy ko na lang ang pag-kain ko para may lakas ako mamaya sa training at para may laman ang utak ko mamaya sa quiz.
Nang matapos na kami ni Kuya nag-paalam na kami kina Mama. Ngayon na lang ulit ako maihahatid ni Kuya sa school. Sumakay na ako sa kotse ni Kuya at kumaway kay Mama bago paandarin ni Kuya ang kotse niya.
"Namiss ko to ah" biglang sabi ni Kuya.
"Ang alin Kuya?" pag-tatakang tanong ko kay Kuya. Ano naman kaya ang namiss niya?
"Ang pag-hatid sayo" sagot ni Kuya. Oo nga ano nakakamiss nga. Miss ko na ang bonding namin mag-kapatid.
"Hindi ko na nga matandaan kung kailan mo ako huling hinatid eh. Busy ka kasi masyado Kuya. Simula noong ikaw na ang naging CEO ng company natin nawalan ka na ng time sakin" sabi ko kay Kuya.
"Hoy hindi kaya ako nawawalan ng time sayo. Tingnan mo nga hinahatid kita ngayon" sagot naman ni Kuya
"Kung hindi pa ako nahimatay hindi ka pa uuwi. Nag-tetext at natawag ka nga pero syempre Kuya iba pa rin yung nakikita kita yung nakakasama kita ng ganito" paliwanag ko kay Kuya
"Don't worry kapag natapos ko ang mga dapat ayusin babawi ako sayo" nakangiting sagot ni Kuya "Wag ka ng mag-tampo kapatid" sabay gulo sa buhok ko
"Ano ba Kuya mag-drive ka na lang baka mabangga pa tayo eh" sabi ko kay Kuya. Mabuti na lang hindi pa madami ang mga sasakyan ngayon.
Maya-maya nakarating na kami sa school. Nag-paalam na sa akin si Kuya. Alam ko naman na busy si Kuya kaya minsan hindi na kami masyadong nakakapag-bonding. Pero sa kabila niyan proud ako sa Kuya ko dahil nakakaya niya ang responsibility niya sa company namin at alam ko na nagagawa niya ng tama. Sana maging katulad din niya ako kapag nakagraduate na ako.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend until the end (on-going)
Teen FictionMahirap makahanap ng tunay na kaibigan, pero ikaw nakahanap na ng kaibigan na laging nandyan para sa iyo at hindi ka iiwan. Pero paano kung mag-kagusto ka sa kanya? Paano kung mag-kagusto rin siya sayo? Anong pipiliin mo friendship with him? or rela...