CHAPTER 3
Isang linggo na rin ang lumipas mula noong first day of class. Buong linggo hindi ko masyadong kinakausap si Gian. Naiinis pa rin ako sa kanya.
At ngayon nandito si Gian sa bahay, wala daw kasi siyang magawa sa bahay nila, puro maid ang kasama nya.
"Bhest gala tayo" pag yayaya ni Gian.
"Saan?" tanong ko naman. Nakakatamad kasi sa bahay eh.
"Kahit saan"
"Sa mall na lang, libre mo ha" basta libre go ako kahit inis ako sa kanya.
"Oo na lagi naman, may sasabihin din ako sayo mamaya" seryosong sabi ni Gian
"Ano naman yung sasabihin mo?" nacurious naman ako bigla
"Mamaya nga diba Tsk" sagot naman niya. Sabi ko nga eh! Mamaya nga naman kasi diba.
"Sige wait lang ligo lang ako"
Pumasok na ako sa loob. Ano kayang sasabihin nun?
After 1 hour natapos na ako maligo. JOKE!! 15 minutes lang. Nagbihis na ako.
"Oh anak saan ka pupunta?" pagtatanong ni mama
"Ah Ma si Gian kasi nagyayang mag gala"
"Ah sige, wag kayong mag papagabi ha"
"Opo bye Ma"
"Tita pahira po muna kay Megan" si Gian
"Sige ingat kayo, basta ba ibabalik mo ha" baliw din to si Mama eh
Nag commute lang kami although may sasakyan si Gian sa kanila. Bawal pa kasi sya mag drive ng siya lang.
"Bhest bakit hindi mo ako masyadong kinakausap noong first week?"panimula ni Gian
"Kinakausap naman kita ah" kinakausap ko naman talaga siya eh. Yun nga lang pag kailangan lang talaga tsaka ko lang siya kinakausap
"Oo, pero hindi gaya ng dati" sabay tingin niya sa akin
"Gusto mo talagang malaman?" pagtatanong ko sa kanya
"Magtatanong ba ako kung ayaw ko?" tiningnan ko lang siya ng masama "Joke lang"
"Naiinis kasi ako sayo" panimula ko, tiningnan ko yung reaksyon niya. Hinintay niya lang ulit ako magsalita
"Bakit ba kasi sa tuwing may magpapakilala o kaya may lalapit sakin na lalaki nag iiba yung awra mo? Lagi mong sinusungitan. Kahit noong high school pa. Bakit?"
Hindi siya sumagot. Walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig niya. Tinalikuran ko na lang siya. Mas nadagdagan lang yung inis ko sa kanya.
Nakarating na kami sa mall. Ang daming tao dahil linggo. Naglibot libot muna kami, pero nasa likod ko lang siya. Hindi ko siya pinapansin. May nakita si Gian na kaibigan niya ata.
"Uy Tol musta na?" sabi ni Gian
"Ayos lang Tol, sino yan girlfriend mo?"
"Ah bestfriend ko. Megan si Jake anak siya ni Tito Jun, Jake si Megan bestfriend ko" pagpapakilala sa amin ni Gian. Si Tito Jun ay college friend ng papa ko.
"Hi Megan" nakipag shakehands si Jake sakin
"Ah hi Jake" wala ba siyang balak bitawan yung kamay ko? "Ah yung kamay ko"
"Ay sorry, so Tol anong balita? Doon ka pa rin ba nag aaral sa dati?"
"Oo, ikaw?" si Gian
"Doon pa rin sa dati, balita ko Accountancy course mo, ako naman Engineering" sagot naman ni Jake
BINABASA MO ANG
My Bestfriend until the end (on-going)
Novela JuvenilMahirap makahanap ng tunay na kaibigan, pero ikaw nakahanap na ng kaibigan na laging nandyan para sa iyo at hindi ka iiwan. Pero paano kung mag-kagusto ka sa kanya? Paano kung mag-kagusto rin siya sayo? Anong pipiliin mo friendship with him? or rela...