Chapter 10

7 0 0
                                    

Chapter 10

Kaya ba ako nakakaramdam ng kaba kanina ay dahil sila na? Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang maging masaya para sa kanila. Bakit ganun? Kahit pilitin kong maging masaya para sa kanila hindi ko magawa. Hindi ba dapat maging masaya ako dahil mahal din ang bestfriend ko ng taong mahal niya? Bakit ba ako nasasaktan ng ganito? gusto pa lang naman ang nararamdaman ko para sa kanya diba, hindi ko pa naman siya mahal diba? argghh I hate this!

Nandito na nga pala ako sa bahay, kauuwi ko lang galing school. Dumiretso na agad ako sa kwarto. Hindi rin pala ako sumabay kayJessy dahil nag-pasundo ako sa driver namin. Ang alam ko may training ngayon ang basketball team. Nagulat si manang ng malaman niya na nag-pasundo ako. Madalas kasi na mas gusto ko pa mag-lakad kasama sina Jessy kaysa mag-pasundo.

Wala naman magandang nangyari kanina mag-mula noong nalaman ko na sila na. Hindi talaga ako pumunta ng c.r kanina, sa gym ako nag-punta para manuod sa mga may klase ng PE ng sa ganun ay maibaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay.

Mabuti na lang busy ang mga estudyante sa mga PE classes nila, hindi nila ako napapansin. Para kasi akong baliw sa gym na tulo ng tulo ang luha habang mag-isa.

Sa first subject, nalate ako, nag-enjoy kasi ako sa panunuod sa gym. Kahit papaano nawala sa isip ko ang nangyari. Alphabetical arrange kaya naman mag-katabi kami ni Gian. Hindi niya ako kinakausap pero madalas siyang tumitingin sa akin, napapansin ko yun dahil sa peripheral vision ko. Mas okay na rin na hindi muna kami mag-usap, baka tumulo na naman ang mga luha ko.

Napansin siguro ni Jessy na ayoko muna makipag-usap kaya naman hindi muna niya ako kinakausap, ganun din naman si Gian. Noong vacant niyaya ako ni Jessy kumain pero tumanggi ako. Parang wala kasi akong gana kumain.

"*Tok tok tok* Meg iha may bisita ka" nakahiga ako sa kama ng biglang kumatok si manang. Sino ba yun? Gusto ko muna mapag-isa eh

"Sino po?" nag-lakad ako papunta sa may pinto. Gusto ko na sanang mag-pahinga.

"Si Gian nandito, iniintay ka sa may terrace" bigla akong napatigil ng sinabi iyon ni manang. Ayaw ko muna sanang lumabas ngayon pero kung hindi ako bababa magtataka si manang at baka sabihin kay mama. Ano bang ginagawa niya dito?

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto.

"Okay ka lang ba iha?" napansin siguro ni manang na matamlay ako

"Ah manang pakisabi po kay Gian medyo masama ang pakiramdam ko, bukas na lang po kami sa school mag-usap" alam ko naman kasi kung bakit siya pumunta dito, syempre mag-kukuwento siya tungkol sa kanila ni Mae. Si Mae lang naman ang first girlfiend niya. Siguro sobrang saya niya kaya nandito siya para mag-kwento.

"Ah sige iha mag-pahinga ka na, sasabihin ko na lang" pababa na sana si manang ng makita ko si Gian sa may hagdan.

"Bhest kahit saglit lang, pwede ba?" si Gian. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin kay manang. Ngumiti lang sa akin si manang at pumunta na sa may kusina.

"Tungkol saan ba?" tumingin na ako sa kanya pero siya naman ang umiwas ng tingin "Tara sa may garden" nag simula na akong mag-lakad

Nandito na kami sa may garden, tahimik si Gian. Bakit pa siya pumunta dito kung hindi rin naman siya mag-sasalita tss.

"Bakit ka nandito?' panimula ko "Wala ba kayong training?" ang alam ko kasi tuwing uwian may training sila

"Meron, nag-paalam muna ako kay coach na kung pwede hindi muna ako aatend ng training" nakatungong sagot ni Gian

"Bakit? may importante ka bang gagawin o kaya pupuntahan? sayang ang training niyo" sagot ko sa kanya. Baka naman may lakad sila ni Mae kaya hindi siya makakapag-training

My Bestfriend until the end (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon