Chapter 6

9 0 0
                                    

Chapter 6

Masaya ako dahil nandito na si Tanda. Si Tanda ay si Kuya Ian, tawagan kasi namin yun ni Kuya. Ang tawag niya sa akin Bata, tawag ko naman sa kanya ay Tanda. Isang buwan na rin siyang hindi nakakauwi, kaya sobrang namiss ko talaga ang aking kuya. Buti na lang Linggo bukas, makakapag bonding kami ni kuya, dahil panigurado uuwi din siya pagdating ng Lunes. Pumasok kami ni Kuya na mag-kaakbay.

“Bata kumusta?” panimula ni Kuya

“Okay lang naman ako kuya, namiss talaga kita!”sagot ko naman sabay yakap sa kanya

“Namiss din kita Bata, kaya nga pumunta ako dito eh”

“Kanina ka pa ba dumating?” tanong ko kay kuya

“Kaninang before lunch, akala ko nga madadatnan kita dito pag-dating ko kaso nga wala  ka kasama mo daw si Jessy, pero mukang hindi naman ata si Jessy ang kasama mo kanina ” pang-aasar ni kuya

“Si Jessy talaga kasama ko kanina Kuya, hindi naman namin alam na nandoon din pala sina Gian”

“SINA Gian? Sinong kasama niya?” pang-uusisa ni Kuya

 “Si Mae, yun ang babaeng nagugustuhan ni Gian ngayon”sagot ko

“BABAENG NAGUGUSTUHAN?!!” sigaw na tanong ni Kuya

“OO Kuya! Wagas ka naman makasigaw eh! Malamang Kuya meron syang babaeng nagugustuhan, lalaki sya eh!LALAKI!!” ano ba naman ito si Tanda? Parang hindi CEO ng isang company.

Sa totoo lang hindi ko pa rin ma-imagine na itong si Tanda ay CEO ng aming company. Wala kasi sa personality niya ang pag-seseryoso, dinadaan niya kasi lagi sa biro ang lahat. Pero according sa mga empleyado namin magaling daw si Tanda mamahala ng company namin. Maraming may gusto sa pamamalakad niya sa company.

“Talaga? Bakit kaya hindi sinabi sa akin ng lokong yun!?!”

“Ang alin?” tanong ko kay Kuya

“Ah nevermind, sige magbihis ka muna, ang baho mo  na eh!”si Kuya na lumayo sa akin.

“Hoy grabe ka Kuya, ang bango ko kaya ”

“Meg, anak magbihis ka na muna para makakain na tayo”biglang sulpot ni Mama

“Sige po Ma” sagot ko

Gaya ng sinabi ni Mama, umakyat na ako para magbihis. Grabe! Ang daming nangyari ngayong araw. Una yung sa Fb, pangalawa yung sa mall, pangatlo yung kay Mae at ang pinakagusto ko ay ang pag-uwi ng pinaka-gwapo kong Kuya Tanda. Nang biglang may nagtext

From: Unknown Number

Hi Megan! Good night J Keep safe always <3

Sino naman kaya yun? Hay naku baka wrong send lang? Ay imposible eh kasi may pangalan ko. Hayaan na nga! Hindi naman nagpakilala eh, bahala na siya kung sino man siya. Bumaba na ako para makakain na ng dinner. Naabutan kong nag-uusap si Mama at Kuya about business.

“Pwede bang out muna ang business?”panimula ko, tumingin ako kay Kuya “Minsan ka na nga lang umuwi dito, business pa rin ang pinag-uusapan niyo”

“Sorry na Bata, sige na kain na tayo” sabi ni Kuya

“Nga pala anak, kumusta naman ang lakad niyo kanina?” pag-tatanong ni Mama

“Okay naman po Ma, nag-ikot-ikot lang po kami ni Jessy”

“Ni Jessy? Parang hindi naman!”si Kuya

“Hoy Kuya pwede ba?! Si Jessy nga kasama ko, hindi si Gian”

“May sinabi ba akong si Gian? Defensive ka Bata haha”pang-aasar ni Kuya

My Bestfriend until the end (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon