Chapter 11.5
Nakakatamad naman dito sa bahay. Nandito ako ngayon sa kwarto habang nag-babasa. Simula ng dumating ako hindi na ako pinalabas ni manang sa kwarto, mag-pahinga na lang daw ako para bumalik lakas ko. Si Manang nasa baba may inaayos sa kusina.
Kaaalis lang ng family doctor namin. Kaya daw ako nahilo at sumama ang pakiramdam ko ay dahil nalipasan ako ng gutom at marahil daw marami akong iniisip. Pinayuhan din ako ni doc na mag-pahinga muna hanggang bukas para daw bumalik ang lakas ko.
Kalahating araw pa nga lang bored na ako sa bahay 2 days pa kaya? Kaya ayoko mag-kakasakit eh, wala naman ako nakakasama dito sa bahay kundi si manang. Si Mama nasa trabaho ganun din si Kuya. Sabi ko kay Manang wag niya na sabihin kay Kuya at kay Mama ang nangyari. Ayoko silang maistorbo at mag-alala kasi okay na naman ako.
Ano na kayang ginagawa sa school? Kaya ko naman kasi pumasok eh. Mas gusto ko pa sa school dahil doon marami akong kausap hindi ako mabobored samantalang dito sa bahay wala ako makausap. Kaya naman nag-decide ako na matutulog na lang ako.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
"Aray!" Sino ba yun?? bigla na lang ako tinalunan.
"Kapatid!!" Kapatid?? sino ?? Nang lumingon ako....
"KUYA!!!! Andito ka kuya!!" niyakap ko si kuya. Namiss ko talaga siya.
"Oh ano okay ka na ba?" tanong ni kuya
"Oo kuya, bored na ako dito wala ako makausap, buti na lang pumunta ka kung hindi- Ay teka paano mo-" hindi niya ako pinatapos
"Paano ko nalaman? syempre kuya mo ako at pogi ako kaya alam ko" ganun ba yun?
"Yung totoo kuya manghuhula ka ba? baka naman ikaw si madam auring- Aray naman kuya!" tama ba naman batukan ako?
"Parang wala ka naman sakit eh! Ang ingay mo!" natatawang sabi ni kuya. CEO ba talaga siya ng company namin? Parang hindi!
"Kuya naman eh! Okay na ako. Feeling ko nga mas lalo ako mag-kakasakit kasi wala ako makausap eh" sabi ko kay kuya
"Ganyan talaga kapag hindi nakain, kapag nag-papalipas ng gutom. Tigas ng ulo mo!" makasermon naman si kuya
"Alam mo mag-sama kayo ni Gian makasermon kayo wagas" tinalikuran ko si Kuya.
"Ganun talaga, pareho ka lang namin mahal" humarap ako kay Kuya
"Talaga? syempre bestfriend ko yun" sabi ko kay kuya. Tumingin siya sa akin ng nakakaloko "Hoy Kuya yan tingin mo ha! Ayoko rin ng mga ganyang ngiti mo. Ay Kuya bakit Kapatid tawag mo sa akin kanina?"
"Anong gusto mo pinsan, nanay, tatay, kabarkada? Malamang kapatid. Kapatid kita eh" hilig mambara!
"Tss I mean hindi naman kasi kapatid tawag mo sa akin diba? Bata kaya tawag mo sakin" paliwanag ko
"Eh kasi po hindi ka na Bata. May Gian ka na nga eh" yung totoo nang-aasar ba siya? Sinamaan ko ng tingin si Kuya "Joke lang wala ka palang Gian, Paul lang meron ka"
"KUYA!!!" hinabol ko si Kuya sa buong kwarto. Hindi ko siya maabutan kainis!! Medyo may hilo pa rin pala ako kahit konti.
*Tok tok tok*
"Kuya buksan mo naman" sabi ko kay Kuya. Napagod ako kakahabol eh
"Pasalamat ka may sakit ka daw, kahit parang wala naman" pumunta na si Kuya sa may pinto para buksan. Nakatalikod ako sa may pinto kaya hindi ko kita kung sino ang nakatok. Pero baka si manang lang yun "Oh nan-"
"Bessyyy!!!!!"
"Ah Bessy hindi ako makahinga...ano ba.." humiwalay si Jessy sa pag-kakayakap "Mas lalo akong mag-kakasakit sayo eh"
BINABASA MO ANG
My Bestfriend until the end (on-going)
Teen FictionMahirap makahanap ng tunay na kaibigan, pero ikaw nakahanap na ng kaibigan na laging nandyan para sa iyo at hindi ka iiwan. Pero paano kung mag-kagusto ka sa kanya? Paano kung mag-kagusto rin siya sayo? Anong pipiliin mo friendship with him? or rela...