CHAPTER 1
Malapit na ang pasukan kailangan ko ng mag pa enroll. Kasama ko ang dalawa kong bestfriend, si Jessy at Gian. Classmate ko si Gian last year. Si Jessy kasi sa ibang school siya nag aral dati pero ngayon lilipat na sya sa school namin.
I'm Megan Alvarez, 16 yr old, incoming freshmen in Dream High University (echos lang po yung university). Magkakapareho kaming tatlo ng kukuhaning course Bachelor of Science in Accountancy. Masaya ako dahil makakapag bonding na kaming tatlo.
"Aray!!" natamaan ako ng bola ng volleyball.
"Ay miss sorry ha" may lalaking lumapit samin, siya siguro yung nakatama sa akin.
"Tol konting ingat naman nakakatama kayo eh" sabi ni Gian
"Pasensya na tol, hindi ko sinasadya"
"Okay ka lang ba bhest?" tanong ni Gian
"Okay lang ako bhest, nagsorry na naman sya eh" kita ko kasi na masama ang tingin ni Gian
"Sorry talaga miss" pag katapos nya humingi ng paumanhin ay bumalik na siya sa mga kasama niya
"Tingnan mo yun hindi ka man lang dinala sa clinic tsk." Naiinis na sabi ni Gian
"Uy Bessy ang pogi nya ha" si Jessy talaga ang hilig sa pogi
"Tsk hindi naman pogi, mas pogi pa ako doon eh. Tara na! " pagyayaya ni Gian
Pumunta na kami sa room kung saan namin kukunin ang mga subjects para sa course namin. Buti na lang maaga kaming pumunta dito, wala pa gaanong pila. Si Gian lang ang kasama ko ngayong nakapila kasi may kailangan pang ayusin si Jessy dahil transferee sya dito. Hindi gaya namin ni Gian na dito na nag high school kaya sila na mismo yung nagtransfer sa college department.
"Bhest saan tayo pagkatapos mag paenroll? " tanong ni Gian
"Uhmm sa bahay na lang siguro, medyo masakit pa kasi yung ulo ko dahil doon sa nangyari kanina"
"Akala ko ba okay ka lang, sabi mo kasi kanina..." pag-putol ka sa sinabi niya
"Eh ang sama kasi ng tingin mo doon sa guy kanina" siguro kung hindi ko sinabi kanina na okay lang ako baka nagkaron pa ng gulo. Enrollment pa naman ang daming tao.
"Bakit ba kasi may mga naglalaro ngayon? parang hindi enrollment ah" inis na sabi niya
"Hayaan mo na, mas magaling ka naman mag volleyball dun." sabay taas baba ng kilay habang nakangiti.
"Ay sus! Anong connect? Makabola ka naman bhest"
"Totoo naman eh, hindi ka naman magiging captain ball noong high school kung hindi ka magaling" magaling talaga si Gian, isa yan sa mga rason kung bakit madami sa kanyang nag kakagusto.
"Oo na nga" pagkasabi niya niyan sabay gulo sa buhok ko
Maya-maya dumating na din si Jessy.
"Bessy may kukuwento ako sayo (^_^)" si Jessy yan na ang lapad ng ngiti
"Saglit ka lang nawala dito may tsismis ka agad grabe tsk"
"Hoy makagrabe ka naman Gian, hindi naman ito tsismis noh" pag tatama ni Jessy sabay bumaling sakin
"Grabe Bessy, remember yung guy kanina? Transferee din pala siya nakasabay ko siya kanina" pagkukuwento ni Jessy
"Oh tapos? tapos na?" walang ganang singit ni Gian sa pagkukuwento ni Jessy
"Uy bessy pigilan mo ako makakatikim tong si Gian, kanina pa yan" pabulong na sabi ni Jessy
"Hayaan mo na lang yan, walang magawa sa buhay eh" at sabay kaming tumawa ni Jessy
BINABASA MO ANG
My Bestfriend until the end (on-going)
Novela JuvenilMahirap makahanap ng tunay na kaibigan, pero ikaw nakahanap na ng kaibigan na laging nandyan para sa iyo at hindi ka iiwan. Pero paano kung mag-kagusto ka sa kanya? Paano kung mag-kagusto rin siya sayo? Anong pipiliin mo friendship with him? or rela...