Chapter 5

10 0 0
                                    

Chapter 5

Fast forward…..

Today is Saturday. Nagyaya si Jessy na pumunta sa mall, girls bonding daw. Wala naman akong gagawin sa bahay kaya pumayag na rin ako. Kakatapos ko lang maligo at mag-ayos.

Time check 12:00 nn. Susunduin ako ni Jessy ng 1pm dito sa bahay. May kotse naman ako pero hindi pa kasi ako pwedeng magdrive dahil 16 years old pa lang ako kaya yung kotse ko nakatambay lang sa bahay. Anyway, hindi naman ako excited noh sadyang nakakatamad lang sa bahay kaya nag-ayos na ako. Wala kasi si Mamy sa bahay dahil nasa trabaho siya. Si Manang lang ang kasama ko. Kaya lang busy naman si Manang sa gawaing  bahay kaya hindi ko maistorbo. Kailan kaya uuwi si Tanda? Miss ko na yun eh!

Dahil sa bored na ako sa bahay, nag-facebook muna ako. Tingin-tingin lang ng kung anu-ano. Friend request…oh si Paul inadd ako, okay accept!. Yung iba naman hindi ko kilala. Hayaan na nga. Notifications. Messages at profile ni………….Gian. Hindi ko alam kung bakit ko tiningnan ang profile niya, parang nagkaroon ng sariling buhay ang mga daliri ko para tingnan ang profile niya. Nag-bago na pala siya ng profile picture? Gwapo pa rin naman siya. Tatangalin ko na sana sa profile niya nang may bigla akong napansin sa wall niya. What is the meaning of this??

“Gian Aragon was tagged in the status of Ella Mae Perez”

     Here sa mall with someone special Gian Aragon -feeling inlove <3

Sinong Ella Mae Perez? Ella Mae? Mae??? Ah baka si Engineering girl. And so? Pakialam ko naman kung magkasama sila. Edi magsama sila! Arghh bakit ba ako naiinis?? Bahala nga sila! Dahil sa bigla akong nainis nag-kusa na naman ang mga daliri ko na mag-status sa facebook.

“I hate you! Nakakainis ka! Mag-sama kayo! Hmpf”

At nabigla ako dahil wala pang isang minuto, ang dami ng comment pero iisa lang naman ang comment nila. Alam niyo ba kung ano? Ang comment lang naman nilang lahat ay ang salitang “SINO?”

At dahil diyan nag-logout na ako agad sa facebook dahil first time ko mag-status ng ganun. Kadalasan kasi inspirational quotes ang mga post ko. Grabe naman ang mga tao ngayon araw-araw na ata nakatambay sa facebook, samantalang ako twice a month lang ata. Anong oras na ba? Ang tagal naman ata ni Jessy. Nang biglang may kumatok

“Meg iha nandito na si Jessy” si Manang

“Sige po Manang susunod na po ako” sagot ko naman. Sa wakas dumating na rin si Jessy. Nang makababa na ako ay nakita ko na si Jessy na naghihintay sa sala.

“Hoy Bessy sino yun?” bungad ni Jessy

“Sino ang alin?” pagtatanong ko naman

“Sus kunyari ka pa! Sabihin mo sakin mamaya ha” nakangiting sabi ni Jessy

“Ewan ko sayo” ano bang pinag-sasasabi nito? “Manang alis na po kami” pag-papaalam ko kay Manang

“Sige iha mag-iingat kayo”

Hanggang sa makaalis na kami, hindi pa rin ako tinitigilan ni Jessy.

“Bessy sino ba yun?” pangungulit ni Jessy

“Ang alin ba kasi? Sino ang alin?” inis kong sabi sa kanya. Paano ba naman kanina pa nangungulit kung sino daw yun, eh hindi ko naman alam ang tinutukoy niya. Baliw din ito!

“Edi yung status mo sa facebook” sagot ni Jessy

“Hala! Nabasa mo yun?” bigla kong tanong

“Ay hindi! Naamoy ko! malamang teh nabasa ko, may facebook ako eh” sarkastikong sagot ni Jessy. Grabe naman bakit ko ba kasi pinost yun. Baka mabasa niya!  

My Bestfriend until the end (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon