Chapter 7
Lunes. Kailangan na ulit pumasok. Ngayon na rin ang balik ni Kuya sa Manila. Hindi niya daw alam kung kailan ulit siya makakauwi dito dahil marami raw kailangan asikasuhin sa company namin. Hindi ko naman masisisi si Kuya dahil kung ako rin ang nasa kalagayan niya ganun din ang gagawin kong pag-aalaga sa company na naiwan sa amin ni Papa. Napakahalaga kay Papa ng company namin dahil pamana pa ito sa kanya nina lolo at lola.
Naligo na ako at nag-ayos para pumasok. Nakapagdesisyon na rin ako. Itatago ko na lang ang nararamdaman ko para kay Gian. Hindi rin naman mag-tatagal mawawala na rin itong nararamdaman ko. Ibabaling ko na lang sa ibang bagay ang atensyon ko o kaya naman sa ibang tao.
Hindi pa naman siguro ako mahihirapan dahil hindi pa masyadong malalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Lalo na ngayon na kilala ko na ang babaeng nagugustuhan niya. Biglang may nag-text.
From: Paul
Good morning Meg. Don't forget to eat your breakfast. See you!
-----
To: Paul
Same to you
Ang ganda ng reply ko noh? Bumaba na ako para kumain. Nang makababa ako si Mama at si Manang lang ang nadatnan ko.Wala si Kuya.
"Good morning Ma" bati ko kay Mama sabay halik sa pisngi "Good morning Manang"
"Good morning 'nak" bati rin ni Mama
"Good morning din iha"bati naman ni Manang
"Ma si Kuya po?" tanong ko kay Mama habang tumitingin sa paligid. Wala kasi siya, imposible naman na umalis iyon na hindi nag-papaalam sa akin
"Nasa labas lang may kinukuha sa sasakyan" sagot ni Mama
"Good morning Bata" biglang sumulpot si Kuya.
"Good morning Kuya. Akala ko umalis ka na"
"Edi sana nag-paalam na ako sayo kung umalis na ako" sabay upo ni Kuya sa tabi ko. Alam kasi ni Kuya na mag-tatampo ako sa kanya kapag hindi siya nag-paalam sa akin at bigla na lang siyang aalis.
Maya-maya ay natapos na kaming kumain.
"Gusto sana kitang ihatid sa school niyo kaya lang may dadaanan pa ako. Bawi na lang ako sayo next time. Always text me ha." sabi ni Kuya sabay gulo sa buhok ko. Ang sweet ng Kuya ko ano?
"Okay lang yun Kuya. I will text you." sayang naman hindi ako maihahatid ni Kuya.
Matagal na naman siya bago makauwi sa bahay. Mamimiss ko na naman itong si Tanda. Nang makasalubong namin si Manang.....
"Meg may nag-hihintay sayo sa labas" sabi ni Manang. Nag-katinginan kami ni Kuya. Sino naman kaya iyon?
"Sino daw po?" tanong ni Kuya
"Paul John Chua daw, classmate daw ni Meg" biglang tumingin sa akin si Kuya at si Mama. Bakit naman siya nandito? At paano niya nalaman ang bahay ko?
Lumabas na kami nina Kuya. Nakita ko si Paul nakasandal sa kotse niya. Ang cool!!! Nang mapansin kami ni Paul lumapit siya sa amin.
"Good morning po" bati niya "I'm Paul John Chua, classmate po ni Meg" pag-papakilala niya kay Mama
"Good morning din Paul" bati naman ni Mama "Kakilala mo ba ang mga Chua na Board Member sa University niyo?"
"Ah opo parents ko po. Dito rin po kami sa subdivision nakatira"nakangiting sagot naman ni Paul
BINABASA MO ANG
My Bestfriend until the end (on-going)
Teen FictionMahirap makahanap ng tunay na kaibigan, pero ikaw nakahanap na ng kaibigan na laging nandyan para sa iyo at hindi ka iiwan. Pero paano kung mag-kagusto ka sa kanya? Paano kung mag-kagusto rin siya sayo? Anong pipiliin mo friendship with him? or rela...