~ULS-Chapter 1~

11 2 0
                                    

Uwian na. Buti naman. Naglalakad na ako nang biglang may nabangga ako. Ang malala, nahulog pa ako. Ang sakit! Tatayo na sana ako nang inilahad niya ang kamay niya. Nakatayo naman ako.

"S-salamat." sabi ko habang inaayos ang sarili ko. Magkahawak pa rin kami ng kamay. Tumawa siya nang mahina. Wait lang! Nakita ko siya sa classroom namin. So mag classmates kami?

"Zayn Mendoza" pagpakilala niya.
"Kyra De-Guzman" sagot ko. Ngayon lang 'to nangyari. Inaamin ko, gwapo siya.

"Hatid na kita." Pag-aya niya.

"Ah... Huwag na. Nakaka--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang inilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko.

"Huwag ka nang mahiya." sabi niya at hinila niya ako palabas.

---------------

Nasa loob na kami ng kotse niya. "Saan ka nakatira?" tanong niya at pinaandar ang kotse. "Sa Flow Street" pagsagot ko.

Nabasag naman ang katahimikan namin nang magsalita siya.

"May boyfriend ka na?"

"Kung alam mo lang,wala akong kaibigan, boyfriend pa kaya." Totoo naman a.

Nakarating na kami sa bahay. "Salamat." pagsasalamat ko. Lumabas na ako at pumasok pero bago ako pumasok...
"Salamat ulit!" Sigaw ko."Welcome." yun nalang ang narinig kong sabi niya.

-------------

Nagising ako ng may kumatok sa pinto.
"Anak, gising na! May pag-uusapan muna tayo." Sabi ni mama sa labas.
Bumangon na ako at inayos ang sarili.

Pagbaba ko, kumain muna ako at umupo sa tapat nila mama at papa.
"Ano po'ng pag-uusapan natin?" Tanong ko kay mama. "Anak, may business kasi kami ng papa mo sa New York sa loob ng isang taon. Ang problema,wala kang kasama dito."

"Ma naman. Malaki na ako, Kaya ko na sarili ko." Naiinis kong sabi.
"Wala kami sa loob nang isang taon, mag-aalala kami sayo anak." Sabi naman ni papa.

Si Zayn! Siya ang tatanungin ko as my friend para siya ang kasama ko dito habang wala sina mama.
"Um... Ma,pa kailan po kayo aalis?"
"Mamayang hating gabi." Sagot ni papa.
"May sasabihin po ako mamaya."
~•~
Anong sasabihin ni Kyra?

Unexpected Love StoryWhere stories live. Discover now