No Curfew For Justice

12 8 1
                                    

May kinakasal daw na maligno kapagka ganitong maaraw. Habang may bahagyang ulap na tumatabing sa langit, ang hanging amihan ay talaga namang nagpapatayo sa ating mga balahibo sa leeg at braso. Goosebumps 'to lalo na sa mga balbon... may balahimbong pusa ika nga... gaya ni Kenda.

SAVATE, isa sa malawak na kapatagan sa Rosaria. Nakaupo si Jom sa harapan ng Volkswagen na yellow green habang nakaparada sa tapat ng abandunadong convenient store. Nakajacket siyang brown at panloob niyang 3/4s na blue polo. Pilit pinaiinit ang kanyang dibdib. Kasabay ng hangin ang butil ng ambon. Nakataklob ang bubong ng sasakyan para hindi mabasa ang kanilang mga gamit, bag at pagkain. Binabantayan ng binata ang maleta ng kasama niyang dalagang paulit-ulit niyang nililingon-lingon sa loob. Mga bintana'y tinapalan ng piraso ng plywood na pinako't kinandado. Walang tindero. Sarado din ang C.R. Hindi nakatiis si Jom at lumapit para katukin na ang banyo:

"HUY!! Ano ba'yan!? May almuranas na ako dito oh!!" kasabay ng sunod-sunod niyang katok sa pinto.

Sumara ang pagtagas ng gripo sa loob at bumukas ang pintuang kanina pa nakasara sa naghihintay na AvaNin. Lumabas ang prinsesa habang suklay ng mahaba niyang buhok, presko ang mukha't bagong hilamos. Humahalimuyak sa bango ang kanyang perfuma.

"Atat ka?!?" dabog na sambit! "...ang lawak-lawak ng lupa! Maglibing ka ng tae mo diyan!!"

"Kanina ka pa diyan sa loob 'no!" asar na sagot. "Ano ka? Magshoshow? Saka bakit ka nag-aayos?! May kadate kaaa?!? Nasa anak ng taeng disyerto tayo't maya-maya lang uulan na... pumepetiks ka pa diyan!""

Lumipad ang suklay papunta sa binata na mabilis namang nailagan ng huli. "Nakikisakay ka lang ikaw pa 'tong demanding ...matuto kang magmaneho 'no... unless gusto mong maglakad...Manahimik ka!!!!!"

Pinigil ni Jom ang sarili sa inis. Inipit ang labi bago pa siya uli makapagsalita. "Mahirap kasama ang babaeng ito!" sa loob-loob niya. Didiretso ang kulot niyang buhok kung magkataon. Pumasok siya sa sasakyan atsaka inayos ang side mirror. Isang malalim na buntong hininga at padabog ding sumakay sa loob ang babae. Nagpatuloy sa pagsusuklay at ineksamen ang face powder sa rearview mirror. Nakasimangot silang pareho. Walang usapan.

Patlang... aabot sa dalawampung bilang. Naunang nagsalita ang dalaga.

"You can atleast let me freshen up..." ng hindi tumitingin sa kausap. "...dalawang araw na tayong bumabiyahe and hindi ako sanay ng hindi naliligo. There are certain complications sa katawan ng isang babae na YOU MEN should understand. Physical and emotional. Hindi ako kagaya mo... na hindi na kailangang..."

"NALILIGO DIN AKO 'NO!!!!" putol ng AvaNin. "Nagsisipilyo din.." sabay hinga sa kanyang palad para amuyin ang sarili.

Maanta. Halos ikaduling. Mukhang dapat din siyang magbanyo!

"Jom..." anang dalaga, " ...we'll be meeting people sa mga lugar na pupuntahan natin... pangit naman kung bad breath 'no..." sabay irap.

"Asan?!? Asan ang pipol?!?" habang tinuturo ang basang kapatagan sa labas ng bintana. "Puro alakdan at Kaktus lang ang andito! Sanga ng nilipad na niyog at kalansay ng kamels...asan ang pipol?!?" Sarkastiko. "Asan ang..." Napatigil. Halata ang pag-iba ng reaksiyon sa mukha. Binuksan ang pintuan at lumabas uli sa kanilang sasakyan. Nakatanaw sa di kalayuan.

"Ano 'yun?!" tanong ni Kenda habang lumalabas din sa kotse para tingnan ang nagpahinto sa alagad ng ritwal.

Isang maliit na baryo sa gitna ng kapatagan. Tuyo at mistulang walang tao. Sa malayo ay mababanaag ang ilang matataas na bahay na yari sa pinong lupa. Ang lahat ay kulay kayumanggi. Dito... pansamantala silang titigil.

"KATHABRA"

Nakaukit sa nakalundong sign post. Marahan ang pagpapaandar ni Kenda sa volks habang papasok sila sa looban ng baryo. Sinusuyod ng kanilang mga mata ang bawat bahay at tindahan na kanilang makita. Ang malaking speaker na hugis megaphone ay kapansin-pansin sa mataas na poste. Lahat ng andon ay iniwan ng wala sa ayos. Para bang ang mga dating nakatira don ay nagmamadaling tumakas sa isang malaking dagok na mahahalata mo dahil sa ilang sirang bahay na makikita sa gilid. Tinapalan din ng mga plywood at malalaking kahoy buhat sa binaliktad na lamesa ang ilang pintua't bintana. Karamihan sa mga establisyementong nandito ay mga motel o dating kerinderya. Masasabing noon...ang baryong ito ay isa sa sentro ng kabuhayan.

RITWALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon