Another Avanin

22 8 1
                                    

Pagsabog! Malalakas na pagsabog!

Nagliparan ang higanteng punglo at payak itong gumuhit sa asul na ulap noon! Ang langit ay nabahiran ng dugo mula sa mga taong nadamay sa pagdating ng kamatayan sa norte, sa Zanabatos... Ang unang digmaan. Armas de gerang gawa ng tao at elemento ng kalikasan ay nagbanggaan sa hindi masukat na poot bilang pagpapatunay kung sino ang mas makapangyarihan sa magkabilang panig. Gusali't tahanan sa kabuuan ng Eites ay naapektuhan sa sakuna na siyang ksumitil sa bilyon-bilyong buhay. Ang planeta'y nasira sa isang iglap... sibilisasyon ay natapos at bumagsak... Isa dito ang Doria bilang bahagi ng kapatagan ng Savate kung saan kahit anong lingon ay bato at lupa. Tumbang gusali, sunog na mga sasakyan, bungo ng tao't hayup ang doo'y nakahambalang! Ang araw ay nakapapaso at buwan ang inaabot bago muling bumaba ang ulan. Marami pang kagaya nito. Sa kasalukuyan, ang planeta ay nasa bingit parin ng kanyang buhay, nasa estado ng kanyang paggaling...maging ang mga taong naninirahan sa kanyang sinapupunan ay nagdarahop sa uhaw at gutom.

Isang lalaki ang hinang-hina sa kanyang paggapang tungo sa uka na puno ng maduming tubig. Desperadong inabot iyon ng kanyang palad at sinimsim ang ano mang makuha ng kanyang kamay. Bawat lagok ay ninamnam, mabasa lamang ang nanunuyong lalamunan. Pagal siyang napahiga hawak ang kanyang dibdib, mga mata'y nakatuon sa paikot-ikot na bwitre sa himpapawid.

Nagsimula siyang sumuka ng marami! Namilipit sa sakit ang kanyang bituka gayong wala naman siyang kinain para ilabas ng kanyang katawan. Sa ilong at tenga ay pulang likido ang dumaloy kasunod ng kanyang pagluha ng dugo! Pinilit niyang igalaw ang kanyang mga kamay subalit hindi na niya nagawang ibangon ang sarili sa kasumpa-sumpang hapdi. Unti-unting nanghihina ang kanyang tingin. Kung noo'y malinaw ang buhay sa isang kagaya niya'y nagsimula na siyang magduda para sa kanyang hinaharap...ang langit ay dahan-dahan sa paglabo. Sa huling pagkakataon ay nilingon niya ang kanyang ulo kung saan minasdan niya kung anong meron sa gitna ng tubigang inakala niyang magliligtas ng kanyang buhay... Anumang oras, alam niyang mapapasama siya sa kinaiilagang bilang.

...bilang ng patong-patong na bangkay ng naaagnas na tao!

Palahaw ng mga ito'y hindi na muli pang naiusal.

* * *

Bente, trenta, animnapu... hindi masabi ang payak na bilang kung panay balumbon ng alikabok ang iyong nakikitang bumabagtas sa kalagitnaan ng malawak na kapatagan ng Savate. Ingay ng sala-salabat na sigawan at huni ng karag-karag na mga Cylo sakay ang mga pangktistang armado ng malalaking sibat at nilagareng shotgun sa kanilang tagiliran! Ang iba sa kanila'y pinapaikot-ikot ang kanilang mga espada sa ere na para bang naghahamon ng away. Ang naglalakihan nilang katawan at katawa-tawang mga gupit na mohawk ay tunay na kasisindakan ng sinumang sa kanila ay makakakita. Alam nila kung saan sila patungo.

Sa kabilang parte ng kapatagan naman ay hininto ni Kenda ang kanyang pagmamaneho para sumilong sa isang abandunadong eroplano na nangangalahati nang nakalibing sa buhangin.

"Saan ka nanaman pupunta?!??" sigaw ni Jom habang habol sa dalaga.

"Paubos na ang pagkain natin at isang jug nalang ang meron tayo!! Malakas kang kumain at hindi mo ako driver para ipagmaneho ka habambuhay!!!"

"May regla ka ba?"

"Pagod ako!!" sigaw ng dalaga habang lumalakad sa silong. Binalot niya ang kanyang ulo ng tela't nagsuot ng sunglasses, tinanggal ang gwantes at binuksan ang unang tatlong butones ng kanyang pang itaas. "...mainit at ayaw ko umitim!! may poblema ka?!?"

"Ken, pag gabi tayo byabyahe, gagamit tayo ng ilaw...uubos tayo ng baterya...magtutulak tayo ng wala sa oras!"

"E di ikaw ang magmaneho!! Isang diretsong drive lang naman di ba? Walang traffic at matataas na tulay!!" napaisip sandali. Nagliwanag ang kanyang mukha sa mungkahi. "Oo nga!! ikaw na ang magdrive!"

RITWALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon