Broken

41 8 5
                                    

Naging madali ang pagbagsak ni 414 sa gitna ng kagubatan.

Isang privately funded NGO ang hindi nagkamali sa taong kanilang kinuha. Ang pagbagtas na normally inaabot ng tatlo o limang araw ay ginawa lamang niya sa loob ng trenta minutos. Hawak ang Mk22 Hush Puppy tranquilizer gun, pinatulog niya ang lahat ng bantay na kanyang madaanan.

Pagdating sa kanyang destinasyon ay kapansin-pansin ang pigil na hikbi mula sa isa sa mga selyadong silid doon. Tahimik ang abandunadong warehouse na halos napalilibutan ng nagkakapalang kalawang. Nanatiling nakastandby ang agent sa isang posisyon para pakiramdaman ang paligid. Nilabas ni 414 ang maliit na lalagyan ng beer mula sa kanyang backpack at lumagok ng ilan para ikalma ang kanyang pulso. Sa mga sandaling ito, ang lahat ng tunog sa paligid ay unti-unting nawawala sa kanyang pandinig. Nakafocus ang kanyang pandinig. Ang huni ng ibon mula sa mga puno, ang lagitlit ng bakal na sahig at ang kabadong hakbang ng taong gumagawa nito.. gumagalaw ang lupa at damo, ramdam ang at paglaglag ng dahon mula sa itaas... samyo ng pawis..apoy...nasusunog na kahoy at papel.

Tumindig si 414 at mabilis na tinungo ang isa sa mga silid at walang sabi-sabing sinipa ang pintuang bakal! Sumalya ang harang at mula sa loob ay natigalgal ang medyo may edad na lalaking may makapal na salamin at naninipis na buhok. Paupong inilayo ng lalaki ang sarili habang pinupunit ang natitira pang papel sa kanyang sulatan.

"Kasama ka nila?!!!?! KASAMA KA NILAA!!!" itinapon lahat ng hawak sa nagbabagang kalan. Tinupok at sinunog ng lumalagablab na apoy. "...wala kang makukuha sa akin!!! WALA KAYONG MAKUKUHA SA AKIN!!" tila nabubuang na sigaw ng huli.

"Hindi...HINDI!" Ang pigil. Hawak ang braso ng matanda. "Andito ako para iligtas ka!! ICS!"

"ICS??" medyo kumalma sa narinig.

"Pinadala ako ni Major... yung lalaking nakaligtas sayo noon."

"Roman..."

"Roman ba ang pangalan niya? Hindi ko alam ... Meron akong mensahe galing sa kanya: Patawad at ngayon lang..." habang inaalalayang makaupo ang matanda.

"Salamat...kung gayoy meron siyang isang salita. Handang tumupad sa pangako."

"P-pinangako niyang ililigtas ka niya uli?! May ganun?!?"

"Oo!...  Hindi ito ang oras para magkwentuhan kailangan nating makaalis dito bago sila dumating!!

"Sinong "sila"?"

"Hindi mo alam? Sa kanluran...kung tawagin siya'y KIDLAT."

"KIRAT?" tangkang patawa.  "Ewan...'di ko siya kilala." Habang lumilingalinga, silip sa maliit na bintana. Sinisipat kung may paparating na kalaban.

"NANE!! KIDLAT!... isa sa pinakamalakas na pwersa sa militar. Naghahangad ng napakalakas na kapangyarihan para makontrol ang inang bayan.  Mula pa noong panahon ng Dugo dalawang taon na ang nakakaraan, matagal nang nilalayon ni Zeneslev ang usaping pangkapayapaan sa kanluran. Sa kabila ng rebelyon at kritisismo mula sa mga lawin ng militar, at provincial authorities, nagawa ni Zeneslev na ma suppress ang oposisyon. Subalit ang kabiguan ng kanyang agricultural policies ang nagluluklok sa kanya sa mababang posisyon. At bukod dun...ang trahedya nung nakaraang ika-labing isang buwan."

"Ang Assassination ng panginoong may lupa..."

"Tama. You now history... In a sense, nawalan si Zeneslev ng isang malakas na kakampi, at ang kapangyarihan niya'y unti-unti nang naghihina. Isang grupo ang naglalayong tanggalin sa pwesto si Zeneslev sa pamamagitan ng pagsasanib-sanib ng mga pangkat na makakaliwa at ang utak ng lahat ng iyon ay ang Emperyo. Ang Colonel Yamada ng Emperyo!"

"Mayroon na siyang kontrol sa isang secret weapons research facility na kagaya lamang nito- OKB-812, kilala sa tawag na Nagato Design Bureau - Pero hindi pa siya kuntento doon. Ngayon, ang balak niya'y makuha ang secret weapon na aking dinedevelop at gamitin  bilang leverage sa plano niyang pagkontrol sa iba pang bayang hindi pa napasasailalim ng Emperyo! Ayon sa impormante, nalalapit na ang kanilang pagkilos!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RITWALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon