Entrapment

33 7 2
                                    

Nakatuon ang grupo sa mga susunod na shipment na ihahatid sa Ikalimang sektor. Maingat na nagkukubli sina Tefano at Gorteg sa rooftops hawak ang kanilang mga telescope.

Pinag-aaralan ang pagsalakay.

Panaka-naka ang pagdating ng mga trak. Nagkalat ang mga sundalo ng emperyo...mahigpit ang check up sa bawat pumapasok.

Humiga si Tefano para ikubli ang kanyang ulo. Kinuha ang walkie talkie at niradyo ang iba pang kasama na nakatakdang sumalakay sa ibaba. Si Reineer ang may dala ang decoy truck na magkukunwaring isa sa mga delivery convoys.

Ang operasyon ay walang pangsang- ayon ni Yuro. Ang blueprint ay likha ni Gorteg. Ito'y isang unofficial business. Namataan ang kanilang pakay. Rumadyo si Gorteg.

Mula sa di kalayuan ay umugong ang 8 wheeler carrier na siyang tumawag sa pansin ng mga sundalong nagbabantay sa Sector 5. Nanatiling  nakamasid ang grupo.

Bahagyang bumagal ang truck at huminto sa pagtapat nito sa check point. Lumapit ang dalawang hagad. Apat ang pumwesto sa likod. Hawak ni Reineer ang manibela.

Tinapatan ng flashlight ang loob sa kanyang kinauupuan.

"Papeless?" tanong ng sundalo.

"Hah?" gulat ni Reineer. Kinapa-kapa nito ang bulsa't pitaka. Ang bawat truck na pumapasok ay hinihingan ng gate pass bago makaraan.

"Asan na?!?" tinig ng paghihinala.

Nagkatinginan sina Mhotto at Reineer. Wala sila maipresinta.

"Asan?!?" muling tanong. Nagsimulang tumingin ng mas malapit ang mga bantay sa kanilang sasakyan. Nakatakdang buksan ng mga hagad sa likod ang kanilang tinatago. Nakikita ito ni Reineer sa kanyang side mirror.

Pero bago pa man iyon maganap...Pasipang tadyak ang ginawa niya sa pinto. Sapol ang isa na napatumba sa kanyang kinatatayuan. Basag ang ilong.

Niratrat ni Mhotto ng uzi ang nasa kanyang tabi.

Nagulantang ang ilang bantay sa biglang pagpunit ng trapal na bumabalot sa likod ng trak.

Si Otto at ilan pang taga suporta ng Mulat!

Itinarak ang mga bowie knife sa unang inabutan.

Bumaba sina Gorteg at Tefano. Mainitang palitan ng punglo ang kasunod. Nakiratrat narin ang ilan pang kasapi ng pangkat. Sapol ang bawat tamaan ng uzi nina Otto at Mhotto. Ang iba nama'y tulog sa sleeping darts ni Gorteg. Pasugod na binarog ni Tefano ang isa sa mga bantay hawak ang kanyang mayete. Nagkalat ang dugo sa paligid. Tinungo at sinecure ni Gorteg ang pakay na 10 wheeler at mabilis ang utos.

"SAKAAYYY!!!!! SAKKKAAAAYYYY!!!"

Si Reineer sa manibela! Pinihit ang susing nakasaksak doon. Mabilis na humuni ang dambuhalang makina. Walang maliit o malaking sasakyan sa vehicle genius na si Reineer. Umikot ang likurang gulong ng truck.

Paatras!

Bumangga sa ilang sundalong paparating at mga crate na nagpatong-patong doon. Manual driving, pinaatras ang kambyo sabay padiretso.

Kwarta!

Halos tumagilid ang sasakyan. Napuno ng alikabok ang paligid. Nakakapuwing ang lupa. Patuloy ang pag-ulan ng bala!

Sinagasaan ni Reineer bawat madaanan. Ang triple layered na windshield ang pumoprotekta sa Mulat. Walang lumagos ni isang mang punglo. Tinungo ang freight deck at biglang preno doon. Bumukas ang steel door sa likod ng truck at sumakay ang kanyang mga kasama. Tatlong stun grenades na hinagis ni Tefano ang nagpahinto sa mga humahabol. FLASH BANG. Bulag ang tinamaan ng malakas na liwanag.

RITWALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon