Maniacs And Firestarters

24 8 2
                                    

Naalipungatan si Kenda sa tawanan at maya't-mayang pag-ugoy ng gas chamber capsule na kanyang kinalalagayan. Hindi man niya tanaw ay alam niyang kumikilos na ang kanyang mga kasama para sa kanilang natatanging ultimatum! Bigla'y sinalya ng isang mersenaryo ang kanyang nanggigitatang mukha sa salamin ng chamber na siya niyang ikinagulat. Libog na libog at hayok na hayok ang Garna Roo na kung tawagin ay Toji sa magandang ulam na sa kanila'y nakahain.

Nilabas nito ang kanyang dila saka pinuno ng mabula-bula pang laway ang salamin. Napapikit ang dalaga habang walang hinto ang GarnaRoo sa pangmamanyak sa kanya sa labas ng tubing. Kinikiskis ng lalaki ang kanyang harapan sa salamin sa pantasyang pag-angkin sa napaka gandang katawan ng dalaga. Bakas sa mukha ang libog at paninirik pa ng mata nito na talaga namang gustong-gusto ang ginagawa. Titig na titig at gigil sa kanyang maputi't makinis na kutis at mayamang dibdib.

"Kahit isang putok lang sa bibig, iha...solb na ako..." sabay labas muli ng dila. "Siguraduhin mo lang na lumalagok ka dahil hindi ako papayag pag hindi...hahahahahahaHH!!" nag uumulol sa pagnanasa. "ang kyut-kyut ng mukha mo...grr...sasabugan ko yan ng malapot kong tam..."

PAAKK!!!

Naduldol ang kanyang noo sa salamin at lumikha ng kaunting uka. Napansin iyon ng dalaga. Umagos ang dugo sa mukha ni Toji at hinarap ang sa kanya'y bumatok.

"Zenhal!!!"

"Manyak!!" walang reaksyong pahayag. "...tigilan mo yan at harapin mo ang iyong tungkulin..." Tumayo ang GarnaRoo't sinuot ang balat na gwantes sa kanyang kamao. Nilagyan ng pamunas ni Toji ang kanyang mukha. Tuloy ang agos ng dugo. Nagsuot ng pula niyang bandana. "Hindi na halata..." sabi niya. Muling tumingin si Zenhal sa kapwa mersenaryo at sa prinsesa na siya mismo ang humuli.

" Kung ako lang ang masusunod ay binalian na kita ng leeg sa simbahan palang, babae..." hindi mapatid ang titig.

"Natatakot ka na ba? Tanging kahilingan lamang ng iyong ama ang nagpapanatili sa iyo ng buhay sa lugar na ito..." sabay baling sa kasama. "TOJI!!!!"

Hinawakan ng maton ang kanyang bo staff.

"Ibaba mo na ang lever at iwanan siyang walang buhay! Walang lugar ang MGA AHAS sa pag-unlad ng bayan!!" Tumalikod ito at nilisan ang silid. Na siya namang, MULI...ay nagbigay ng ngisi sa manyakis na GarnaRoo...

Lumapit ito sa kanyang kulungan at niluwagan sa lalagyanan ng potassium cyanide pellets sa pinaka ilalim. Halos tanggalin ito.

"Mamamatay ka na rin lang, iha, eh may ikwekwento na akong tribya para sa'yo... Alam mo bang nung panahon palang ng Unang Digmaan eh, madalas gamitin 'yang kinalalagyan mo, no...mas malaki diyan, sa mga preso...mga taong may sala sa Emperyo. Noong Panahon ng Dugo , maramihang gas chambers executions ang ginagawa... mass executions sa ngalan ng Emperyo bilang bahagi ng genocide program. Animal euthanasia at iba pa..."

Inalis ang concentrated Sulfuric acid; nilayo't pinatong sa lamesa malapit doon. Oras na mapatakan ng sulfuric acid ang cyanide pellets ay lilikha ito ng isang chemical reaction na siyang magreresulta sa hydrogen cyanide. Ang mismong component ng parusang kamatayan. Nagpatuloy sa pagkwekwento:

"Bago ang Digmaan sa Zanabatoz, Iha... ay ang programang "Public Euthanasia ", layon nitong ubusin at gawing modelo ang mga bayan at bansang napasailalim ng Emperyo. Lahat ng mga taong may kapansanan at pisikal na disabilidad, pati ang mga kalaban ng pamahalaan, bakla't tomboy ay kailangang maubos at mamatay. Ikinulong ang sa isang airtight na silid at pinausukan ng sulfur dioxide. Daang libong bilang ng mga rebeldeng alipin ang namatay. Maging ang pagpapatayo ng marangyang lungsod na ito ng iyong ama ay diniligan ng dugo ng mga tamad at naghihingalong manggagawa..."

Ikinabig ni Toji pakaliwa ang key card na siyang magpapakawala ng poison gas sa loob ng chamber. Wala pa sa isip niya ang pagwakas sa maganda niyang bilanggo. Mas nanaisin niyang mailabas ang kanyang pagnanasa...

RITWALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon