Part 8: One Last Chance

4 0 0
                                    

"Lei.." sya ba yung...sya ba ang palaging nagbibigay sakin ng paper plane? Andito sya. Sabi dun sa plane makikicelebrate sya. Si keith ba yun?

"Ano na naman bang ginagawa mo dit--" hindi ko na natapos ang sentence ko kasi sinugod na ni Zach si Keith at sinuntok

"Anong ginagawa mo ditong gago ka! Ginugulo mo na naman si Lei! Pwde ba! Ang kapal ng mukha mo!" Galit na sabi ni Zach

Nakahiga na si Keith sa sahig. Inaawat na nila si Zach pero ako nakatingin lang. Natigilan ako. Hindi dahil sa andito si Keith, kung hindi dahil sa kung ano ang meron sa labas

Isang malaking baymax. Human-sized baymax. Ito yung...ito yung ibibigay nya sana sakin sa birthday ko. Sabi nya yun before nya na'meet yung babaeng sinampal ng chalk. Nakapaligid dun pictures namin, mga bulaklak, random colors. And many other things. Mga bagay na ibinigay ko sa kanya. Tapos may banner. Nakasabi:

"Lei, can i have one last chance?"

Ano bang..ano bang dapat kong gawin? Bibigyan ko ba sya ng pagkakataon? Bumalik lahat. Lahat ng feelings ko. Lahat ng sakit. Lahat ng memories. Lahat lahat. Nakatulala lang ako. Hindi ako makagalaw. Bakit, keith? Bakit? Akala ko ba sawa ka na? Masakit e. Natauhan lang ako ng makita ko si Keith na duguan at pumutok na yung labi

"Zach! Awat na nga! Tama na!" Sigaw ko sa kaya pero hindi sya nakikinig, inaawat ko sya

"Zach sabing tama na e!" Tapos tumigil sya. Tumingin sya sakin

"Pinagtatanggol mo pa tong lalaking to?! Nakalimutan mo ba ang ginawa nya sayo, Lei?!" Sigaw nya sakin

"Oo alam ko pero hindi ka ba naaawa sa tao bugbog sarado na, Zach!"

"Dapat lang sa kanya yan!!" Galit na sigaw nya. Gusto ko rin syang sigawan. Pero huminga muna ako ng malalim.

"Hayaan nyo muna kaming mag'usap" sabi ko sa kanilang lahat

"Nahihibang ka na ba?!" Sabi ni Zach

"Kung ayaw nyong lumabas, dun muna kami sa kwarto ko." Tumingin ako kay Keith "hoy, tayo ka dyan. Kwarto" sabi ko sa kanya.

Tumayo naman sya at sinundan ako. Si Zach galit na nakatingin sa kanya. Sina Cass naman, nakatingin lang na parang shocked din. Si Cian parang hindi alam ang nangyayari

Pumasok na kami sa kwarto.

"Upo" sabi ko. Umupo sya sa kama. Pumunta ako sa cabinet ang kinuha ang first aid kit. Kumuha ako ng ice sa mini ref ko at nilagay sa ice bag at binigay ko sa kanya

"Ano bang kailangan mo?" Habang hinahanda ang betadine

"Lei, i'm sorry for what i have done. I know what i did was wrong. I'm sorry sa lahat ng nasabi ko sayo, sorry kung pinagpalit kita kay Kaye" so Kaye pala yung pangalan nung babaeng yun "i'm sorry if i hurt you. But baby please, give me one last chance and i promise i'll make it up to you."

Umiiyak sya. At bumubuo na ang mga luha sa mga mata ko. Parang gusto ko syang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya na okay lang basta mubalik sya sakin. Pero gusto kong makinig sa mga sasabihin niya. Gusto kong marinig lahat

"Sorry kung nasaktan kita. But please, give me a chance and i'll heal your broken heart. I'll put your broken pieces together" lumuhod sya sa harap ko habang nakayuko "kahit hindi muna ngayon. Kaya ko namang maghintay hanggang kailan mo ako papatawarin e. Hihintayin naman kita lei. Just please" umiiyak na talaga sya. At hindi ko na nakayanan

Niyakap ko sya at pinatayo habang magkayakap kami. Niyakap nya rin ako ng mahigpit

"Just don't break my heart again, asshole" pabulong kong sabi habang magkayakap parin kami. Ewan ko, mahal ko pa pala talaga sya. Tanga na kung tanga. Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkayakap ni Keith. Ang alam ko lang, namiss ko to.

Tinignan nya ako sa mata at hinalikan ako sa noo ko, hanggang sa ilong ko, at sa lips ko.

"Aray" mahina nyang sabi. May sugat kasi sya sa labi. Tumawa naman ako

"Gamutin ko muna ikaw bago mo ako landiin ha?" Patawa kong sabi. Niyakap nya ulit ako.

"I love you" sabi nya. Nagsmile naman ako

"I love you too"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paper PlaneWhere stories live. Discover now