Nataliah's POV
Oh crap! I'm late again! Bakit ba kase sa dorm 5 pa ako napasok, mas lalo pa akong malalate nito kase 7:40 na at kanina pang 7:00 ang sundo namin.
Bumaba agad ako sa hagdanan kase sa 2nd floor ang kwarto ko. Good thing hindi ako naiwan dito magisa kase may senior naman akong kasama.
"Oh, Taliah, akala ko sumama ka kina Shane." Sabi ni Sabrina, senior na siya and her classes will start at 9.
"Kakagising ko lang." Sabi ko at kumuha ng sandwich sa ref.
"Ahh.. Paano na yan, kanina pa pumunta ang sundo niyo dito?"
"Edi maglalakad na lang." Sabi ko tapos sumubo na ng sandwich. Tinungo ko na yung front door.
"Ha?! Lalakarin mo? Isang kilometro pa ata papuntang school ah?!"
"Bahala na. Hindi ko naman major ang first subject kaya okay lang."
"Oh sige, ikaw bahala."
Then I started walking. Medyo may kalayuan nga ang dorm namin sa campus. May limang dorms dito sa school at separate lahat sa isa't isa. Parang subdivision ang type ang dorms namin dito, by lot. Yung amin yung last na dorm.
***
"Hoy! Late ka na naman!" Bulong ni Jess sa akin classmate ko sa Physics class. Nagsneak in lang ako para di ako mapansing late.
"Sssshh! Wag kang maingay baka mahuli ako" Bulong ko rin sa kanya.
"What's with all the whispering Ms. Santos and Ms. De Leon?"
"Nothing ma'am. May importante lang pong napagusapan." Pagdedefend ko.
"Mamaya na yan." Sabi niya saka umalis sa tapat namin ni Jess.
"Galing mo rin no?" Sabi niya at mukhang natuwa pa sa ginawa kong palusot.
"Shut up!" Bulong ko.
***
Natapos din naman ang klase namin. It was like hell inside."Wooh! Nasurvive din." Sigaw ni Jess nung nakalabas na kami sa room.
"Sus! Di ka na nasanay." Sabi ko.
"Ewan. Pag natapos bawat klaseng pinapasukan ko feeling ko survival."
"Ano ba yang everyday life mo, some suspense/survival story?" Sabi ko sa kanya.
"Parang ganun na nga." Sabi niya then nagsmile.
This is my life. Sooo boooring! Aral, minsan party, minsan naman wala talaga. Tulog, kain, movies, mga ganyang bagay lang usual thing ko.
"Sige una na ako may klase pa ako eh." Sabi ni Jess and we parted our ways. Ako naman cafeteria na ang punta. Free ako ngayon.
"Sup Nataliah!" Nang biglang may umakbay sa akin. Tiningnan ko si Jupiter pala.
"Oh ano na naman kailangan mo?" Sabi ko and inalis yung kamay niya sa pagkaaakbay sa akin.
"Grabe ka naman. Free ako, kain tayo." Medyo joker din tong si Jupiter. He knows how to make someone laugh except me. Talagang hindi kami magkasundo.
"Kainin mo sarili mo!" Tapos umalis na ako iniwan ko siya.
Ewan! Hindi kami magkasundo ng araw ngayon. I don't really feel like doing something. Gusto ko ngang umabsent. Kaso bawal. I'll just enter my classes kahit wala ako sa mood.