6: Not A Joke

7 1 0
                                    

Lory's POV

"AHHHHHHHHHH!!!!" I screamed at the top of my lungs nang may biglang humawak sa balikat ko.

"Lory!" Tapik sa akin ni Iñigo na nagpatigil sa akin sa pagsigaw. Tapos umiyak ako.

"Sorry. Natakot ba kita?" Tanong nung humawak sa balikat ko.

"Tinatanong pa ba yan?! Walangya ka!" Tapos pinaghahampas ko siya.

"Loko ka Jupiter! Halos mamatay ako takot dahil sayo! Beshet ka!" Pinaghahampas ko pa rin siya habang umiiyak pa rin.

"Oh sorry na, sorry na." Paguulit niya at umiilag sa mga hampas ko.

"Tama na yan. Ano nakita mo siya?" Sabi ni Iñigo na inawat ako.

"Hindi eh. Kayo ba, nakita niyo?" Tanong niya.

"Hindi rin." Sabi ni Iñigo.

"Asan na ba kase siya." naiiyak kong sabi.

"Cheska! Cheska!" Sigaw ko.

"Tumahimik ka nga. Baka marinig ka ni manong guard mapapagalitan pa tayo." Sabi ni Jupiter.

"Tara dun tayo." Sabi ni Iñigo at itinuro ang faculty building.

"Ha? Wag na diyan, sa gym muna tayo" sabi naman ni Jupiter

"Ang sabihin mo tinatamad kalang, tara na nga lory" sabi ni iñigo sabay hila ng kamay ko

***

Nataliah's POV

Ang ingay.. sobrang maingay..

"Pasukin na lang natin!" Sigaw ni Seth.

"I agree!" Shane replied while we tried to pass through the crowd. Shems talaga ang daming tao.

"Exucuse me, may nakita ka bang babae maputi, naka white pajamas na may skull print " sabi ko sa isang senior

"Wala eh, sige ah" sabi niya tapos umalis

Tiningnan ko naman mga kasama ko at ganun din sila kahit sino sino ang pingtatanongan,maliban nga lang kay jake na nangchichiks na naman, nakakahilo na  ang lugar na to kaya lumabas muna ako,

"Amelia nasan ka na ba kasi"
Bulong ko sa hangin habang niyayakap sarili ko. Ang ginaw.

"Hey!" Nagulat ako kung sino yung biglang umakbay si Seth pala,

"Oh, anong balita" pagtatanong ko at ibinaba ang kamay niyang naka akbay sakin.

"Hindi daw nagpunta dito si Amelia eh" sagot naman niya.

"Teka, bat ka ba nag iisa baka ikaw naman ang susunod na mawala, hindi ko kakayanin"
Biro niya at ngumiti.

"Whatever Seth"sabi ko.

"Ito, suotin mo na mukhang nilalamig kana" sabi niya sabay abut ng kanyang varsity jacket

"Salamat ah" sabi ko at isinuot ito.

*****
Iñigo's POV

Nandito na kami ngayon sa faculty building, ang dilim at ang ilaw lamang mula sa flashlight ang nagsisilbing liwanag na naggagabay samin,

"Iñigo!" Mahinang sambit sa akin ni Lory at mas lalong hinigpitan ang pag kapit sa braso ko

"Bakit lory" sabi ko.

"Natatakot na ako, balik na tayo"sabi naman niya, mga babae talaga.

"Mabuti pa nga!"bulalas ni Jupiter.

"Pare, wag mo'ng sabihing ikaw rin" sabi ko at tumawa

"Hoy! Hindi nuh, sinabi ko lang yun para kay lory" sabi niya

"Teka ano yun!" Biglang sabi ni lory, kaya nilapitan ko na at itinutok ang flashlight

"Pu-putek! Dugo ba to" sabi ko.

"Du-Dugo nga pare!"sabi naman ni jupiter na parang
nagdadalawang isip.

"AHHHHHHHHH!!!!"

Carson's Conspiracy (#WATTY'S2017)Where stories live. Discover now