Nataliah's POV
Nagmamadali akong naglakad patungo sa bagong building sinusubukan kong huwag tumakbo, di ko alintana ang malakas na hangin na ngayon ay dumadala sa mahaba kong buhok. Hindi ko alam ano ba talaga ang nangyayari ngunit habang papalapit ay mas kinakabahan ako, malapit na ako sa building nang may narinig akong isang palahaw, hindi na ako nagdalawang isip pa at mas binilisan ko pa ang aking pag lakad, pinatay ko ang aking flashlight na nagsisilbing gabay ko. Nagulat ako sa aking nadatnan si--si Amelia.
*****
SABRINA'S POVAng sarap dito sa labas, walang tao, walang maingay, no wasted people, and no Simon no sermon, tanging buwan lamang ang kasama ko dito sa labas.
"Sab?" Narinig kong may tumawag kaya nilingon ko.
"Lory! Ano bang nangyari sayo bat kaba nagtatatakbo at bakit parang takot na takot ka?" Pagtatanong ko, humihingal pa siya hanggang ngayon.
"We need to run! He killed him! I saw it Sab! He killed him" atat niyang sabi at parang takot na takot pa.
"What? Who killed who? Lory baka gutom lang yan tara sa dorm may pagkain ako dun." Sabi ko at hinila siya.
"No, Sab! Listen we need to run. Baka madatnan niya tayo." This time, she's crying. Kinakabahan na ako sa pag-aasta ni Lory. I've never seen her like this.
"Sino ba kase yang sinasabi mo Lory?" Hinawakan ko ang magkabilang braso niya para huminahon siya kahit konti.
"Si J--"
Naputol ang sasabihin ni Lory nang biglang mag salita si Austin.
"Sab!"
"Austin." Sagot ko.
"Oh anong nangyari dyan?" Tanong ni Austin at tumingin kay Lory na todo iyak pa rin.
"Ewan."
"Guys please.. we can't trust anyone now."
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Austin.
"Jupiter killed Iñigo. He killed Iñigo. I saw it." Sabi niya habang humahagulgol. Nagulat ako sa sinabi ni Lory. Niminsan di ko inisip na makakagawa ng ganoong bagay si Jupiter. Ayoko mang maniwala sa pinagsasasabi ni Lory pero sa nakikita ko ngayon, she looks serious about it. Hindi naman siguro siya iiyak ng ganito kung di siya seryoso sa mga sinasabi niya.
"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo Lory?" Seryosong tanong ni Austin.
"Oo! Kitang-kita ko!"
"Then let's call the police." I insisted.
"Hindi ko dala phone ko." Sabi ni Austin.
"Naiwan ko yung akin sa dorm." Sabi ko naman.
"Mine too." Sabi ni Lory.
"Punta na lang tayo ng dorm." Sabi ni Austin.
"Ha? Pwede naman tayong manghiram sa mga taga rito." Sabi ko.
"They're all asleep Sab. Tsaka hindi pa natin sigurado kung totoo ang sinasabi ni Lory."
"Austin sa tingin mo ba nagjo-joke si Lory sa kalagayan niya ngayon?! Umiiyak na nga yung tao eh!" Galit kong sabi.
"Remeber her joke the last time? Muntikan na nga niya tayong mapaniwala non!"
Lory once pranked us. It was one time. Wala siyang klase non at lahat kami nasa klase. Tinawagan niya kami isa-isa na may magnanakaw daw sa dorm. Pumunta naman kaming lahat sa dorm and saw her laughing. It was a prank after all.
"Well yeah. It's a different thing now." Pagdedefend ko.
"Fine! Bumalik tayo ng dorm. But just promise me na tatawag tayo agad ng police. Hindi kakayanin ng konsenya ko ang nangyari." Seryosong sabi ni Lory.
"Tara!" Sabi ko nalang at hinila siya.