Lory's POV
Saan ba kase nagsususuot yung babaeng yun eh gabing-gabi na. Baka napagtripan na yun. Ang ganda-ganda kase lakas ng alindog.
We're still walking. Para kaming nagte-treasure hunting kase may dala kaming flashlights. Kung saan-saan namin ito itinututok.
Papunta kaming dorm 1 actually baka nakiparty lang siya sa iba.
"Saan na kaya yun." Sabi ni Jupiter. Kanina pa ata siya naiinip.
"Kaya nga hinahanap di ba?" Sabi naman ni Cheska.
"Paano kung pinatay na yun? Jusko! Wag naman sana." Sabi ulit ni Jupiter.
"Pwede ba, hanapin na lang natin. At ikaw Jupiter kung anu-ano pinagsasasabi mo dyan." Inis kong sabi. Kinilabutan ako sa sinabi niya eh.
"What I mean is that, babae siya, lasing, at this hour. Anything can happen you know." Sabi ulit ni Jupiter.
"Pare, di kaya you're overthinking?" Sabi ni Iñigo.
"I agree." Sabi ko.
"Sinasabi ko lang kung ano yung nasa isip ko." Sabi ulit ni Jupiter.
Tinahak talaga namin ang daan papuntang dorm 1 kahit medyo malamig na. Nakita naming patapos na ang party ng dorm 2. Pagdating din namin sa dorm 1 tapos na sila. Nagliligpit na nga to be exact.
"Excuse me." Sabi ko dun sa isang lalaking namumulot ng naiwang basura ng mga studyante. Tiningnan lang niya ako.
"May nakita ka bang babae na maputi, maganda, half blooded, na nakasuot ng white pajamas na may print na maliliit na skull?" Tanong ko sa lalaki.
"Wala." Cold niyang sabi.
"Ahh."
"Pwedeng pasukin ang dorm houses niyo?" Tanong ni Iñigo.
"Sure. Kausapin ko lang yung in charge." Sabi nung lalaki. Naghintay naman kami.
"Chills." Sabi ni Jupiter na para bang giniginaw. Well, oo medyo cold na nga.
"Pasok na kayo." Sabi nung lalaki na kausap namin kanina. So ayun nga, pinasok na namin ang dorm. Sa girls muna kami pumasok.
Kaming dalawa ni Cheska ang naghanap sa mga rooms. Pero there was no sign of her. Tiningnan ko rin sa comfort rooms nila, pero wala pa rin.
"Wala dito." Sabi ni Cheska.
"Wala rin dito sa labas." Sabi ni iñigo
"Asan ba kase yun nagsususuot?" Parang naiinis na sabi ni Jupiter.
"Sa boys?" Tanong ko.
"Wala rin, pinasok na namin." Sabi ni iñigo
"Tara balik na tayo." Sabi ko.
Nauna nang lumabas si Cheska sa akin. May tumawag kase bigla sa akin.
"Hello?" Tanong ko. Pero wala nang sumagot.
"Hello!"
Tiningnan ko ulit yung phone ko pero wala na pala.
"Halika na." Sabi ni Cheska.
Ayun nga umalis na kami. Pero biglang tumakbo si Cheska na parang may sinundan papunta sa school.
"Cheska!" Sigaw ko.
"Nababaliw na ba siya?!" Sabi ni Jupiter na mas lalong nainis.
"Tara sundan natin siya." Cool na sabi ni iñigo.
Tumakbo rin kami at sinundan si Cheska.
Narating namin ang campus. Nakakatakot na dito kase gabi na.
"May topak ba yung babaeng yun?!" Inis na sabi ni Jupiter.
"Let's split up." Sabi ni iñigo.
"Ano ba yan. Nagsplit up na nga tayo sa paghahanap kay Amelia, magsi-split up pa tayo?" Sabi ko. Natatakot kase ako.
"Magsama na lang kayo. Ako na lang magisa." Sabi ni Jupiter.
"Better." Sabi ko tapos hinila ko na palayo si Iñigo. Buti at hindi siya umangal.
Nasa Biology laboratory kami ngayon pero sa labas lang. Nakahawak ako sa braso ni Iñigo ngayon.
"Ganyan ka ba katakot?" Tanong niya.
"Ha?"
"Kapit na kapit ka sa akin eh." Sabi niya.
"Hayaan mo na ako. Natatakot kase ako. Sabi kase nila may nagmumulto raw dito. Yung dating guard ng University." Yun kase yung sabi ng mga biology studens. May naririnig silang footsteps tapos minsan pinapatay yung ilaw kapag nag o-overtime sila.
"Naniniwala ka sa mga ganon?" Sabi niya tapos tumawa. Tawanan ba naman ako.
"Sige! Pagtawanan mo pa ako." Sabi ko sa kanya.
"Oo na, oo na." Sabi niya. Nagikot-ikot pa rin kami hanggang sa...
"Ano yun?" Takot kong tanong kay Iñigo.
May kung anong tumatakbo papunta sa amin. Nasa likuran namin yung tunog. Gustuhin ko mang lumingon pero nakakatakot talagang pakinggan. Parang kung lilingon kami may makikita kaming hindi kaaya-ayang tanawin. Frozen lang kaming dalawa ni Iñigo. Higpit na higpit na yung kapit ko sa kanya. Kahit siguro siya natatakot na rin. Ramdam na ramdam ko na yung malamig na hangin.
Palapit na nang palapit ang tunog.
Malapit na..
Ayan na..
Andyan na siya..
"AAAAAAAAHHHHHHHH!!"