Nataliah's POV
Everyone's wasted..
Except me.
Yung iba nakatulog na sa sofa. Others are vomitting. May iba pagewang-gewang pa. Ako na lang ata ang nasa senses ko.
"Bye guys!" Lasing na sabi ng isang engineering student at umalis na kasama yung iba pang engineering students.
Nagsialisan na ang iba. Konti na lang yung nandito.
"Am so wasted." Allyson said tapos sumuka. GROSS!
"Me too. Ang sakit ng ulo ko." Sabi ni Ynna.
"May kambal ka pala Nat? Hanep! Matalino din ba? HAHAHAHA!" Parang baliw na sabi ni Cass tapos natumba.
Salamat na lang talaga at di ako uminom.
"Guys." Biglang sabi ni Simon na kakapasok pa lang. Nakahawak siya sa ulo niya na para bang sumasakit iyon. Nilingon ko lang siya.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya.
"Whe.. where's Amelia?" Tanong niya.
Oo nga no? I forgot about her.
"Nasa labas siya kanina, nakita ko." I answered.
Pumunta siya sa kusina at lumabas sa back door.
Ako naman tinutulungan ko yung mga kasamahan kong sobra ang nainom. Turns out, nasa senses pa pala sina Shane, Lory, at ang ibang boys.
Nililigpit ko na ang mga nakakalat na baso at plato. Pinabayaan muna namin ang ibang kasamahan namin na magpahinga. Tiningnan ko ang wall clock 10:47 pm. Ang aga naman atang natapos ng party na to. I looked outside the window, nagpaparty pa naman ang ibang dorms.
May mga tao pa din naman sa labas. Pero nagkukwentuhan lang.
Tinulungan na rin ako nila Lory sa paglilinis.
"Teka, si Amelia nakita niyo?" Tanong ni Cheska.
"Yeah, I haven't saw her. Ikaw Taliah nakita mo ba siya?" Sabi ni Jake.
"Nakita ko siya kanina dyan sa likod. She was with some guys, ewan kung sino yung mga yun." Sabi ko at nagpatuloy na sa pamumulot ng mga nagamit na baso.
"Baka nasa kwarto na." Sabi ni Lory.
I was about to go upstairs para i-check si Amelia when Simon came back.
"Si Amelia.." Halata sa itsura niyang kanina pa siya may hinahanap.
"Bakit?" Tanong ni Cheska.
"Nawawala siya." Sabi ni Simon.
"What? Eh kanina lang nakita ko siya sa likod. I was pretty sure it was her." Sabi ko.
"Hinanap ko na siya doon, pero walang tao don." Nag-aalala niyang sabi.
I began to feel nervous about what he said.
"Teka, I'll check in her room." Tapos pumunta na ako sa kwarto niya. And no one was there. Bumalik ako sa baba para sabihin yon sa kanila.
"Where could she be?" Tanong ni Cheska. Yeah, I mean for a newbie like her hindi naman siguro siya basta-basta na lang aalis.
"Baka nasa ibang dorms." Sabi ni Jake.
Dumating bigla sina Jupiter, Arthur, Seth, at Iñigo.
"Kayo ba, nakita niyo si Amelia?" Tanong ni Lory.
"Nasa labas lang kami nagiinuman, haven't seen her there." Sabi ni Jupiter.
"Oo, nakita ko sila kanina." Pagsusuport ko sa sinabi ni Jupiter.
"Anong nangyayari?" Biglang singit ni Sab na kararating lang din kasama si Austin.
"Nawawala si Amelia." Sabi ni Simon.
"What?! Hanapin natin!" Sabi niya.
"Sige. Pero ipasok muna natin sila Cass sa kwarto nila." Sabi ni Jake.
Ayun, nilipat na nila si Cass, Ynna, at Allyson sa kwarto nila. Si Shane naman sasama raw siya sa paghahanap.
So ang nandito na lang, ako, si Shane, Lory, Sabrina, Cheska, Simon, Jake, Austin, Jupiter, Arthur, at Iñigo.
"Hey guys." Napalingon kami sa may pintuan. Si Ethan pala.
"Ethan nakita mo si Amelia?"
"Oo." Sabi niya.
"Where is she?" Nag-aalalang tanong ni Simon.
"Joke! HAHAHAHA!" Walangya tong lokong to.
"This is no time for some joke!" Sabi ni Simon at kinwelyuhn si Ethan. Nagulat nga kami sa ginawa niya. Inawat naman siya nila Iñigo at Austin.
"Chill lang pare. Lasing lang si Ethan." Sabi ni Iñigo at binitawan din naman ni Simon si Ethan.
"Guys, walang magagawa ang pagaaway ngayon, okay?" Sabi ni Sab.
"Then let's split up." Sabi ni Shane.
"Good idea." Sabi ko.
"Okay. Iñigo, Jupiter, Lory and Cheska, echeck niyo ang dorm 1. Ikaw Sab, Austin, Ethan and me will look at dorms 2 and 3. Kayo naman Shane, Jake, Seth, at Nataliah sa dorm 4." Sabi ni Simon.
Unang umalis ang grupo nila Lory habang kami naiwan muna.
"Baka may alam ka kung saan siya pwedeng pumunta sa ganitong oras?" Pagtatanong ni Sabrina kay Simon. They're siblings actually.
"Sa oras na to? Do you think may babaeng nasa maayos na pagiisip ang aalis? It's f*cking late Sab!" Galit na sabi ni Simon.
"Wag mo nga akong sigawan! Kung nasa maayos na pagiisip yung girlfriend mo, edi sana hindi siya sumama dun sa dalawang lalaki kanina." Girlfriend niya pala si Amelia.
Hindi rin agad nakapagsalita si Simon sa sinabi ni Sab.
"Chill guys. Baka nalasing lang si Amelia at nagpass out somewhere." Sabi ni Shane.
"Ang mabuti pa maghanap na tayo." Sabi ko.
Then we left..