Iñigo's POV
"AHHHHHHH!!!!" Natigil kami sa pagsasalita nang biglang umalingawngaw ang napakalakas na tili
"Lorraine!!"tumakbo na ako patungo kung saan nang gagaling ang tili
"Lory! Bakit!?" Tanong ko nang nakita ko si Lory pero niyakap niya lang ako at humagulgol
"Anong nangyari!" Humihingal na tanong ni jupiter.
"I-I was just following the stains of bloods and-and then I found Che-cheska, she's dead, Cheska is dead" na uutal niyang sabi at humagulgol, nakita ko naman si Jupiter na lumapit sa bangkay ni cheska.
"She's not breathing" sabi niya at tumayo.
"Maybe we should call for help" sabi ko.
"I"ll come with you" sabi ni Lory.
"No, I think you need to stay, kami nalang dalawa ni Iñigo"
Sabi ni Jupiter."Oo, nga naman Lory kailangan mo pang magpahinga" sabi ko nalang at pina upo siya sa upoan ng maayos.
"I promise you Lorraine everything will be okay, we will be back" sabi ko at umalis na kasama si Jupiter.
*****
Sabrina's POV"Asan na ba kasi yung babaeng yun" sabi ni Ethan na mukhang naiinip na.
"Sab, okay ka lang?" Pagtatanong sa akin ni Austin.
"Oo, wag mo na akong intindihin" sagot ko nalang kahit medyo na hihilo na ako dahil nakainom ako. Kunti lang naman. Pagdating namin sa Dorm 3 wala na masyadong tao, and all I can see are drunk people. Pumasok na kami sa loob.
"Miss, may nakita ka bang babae maputi, maganda, naka white pajamas" pagtatanong ni Simon sa isang babae.
"Wala" the girl said.
"Isipin mo ng mabuti miss, baka nakalimutan mo lang" pagpipilit na sabi ni Simon. Pahpasensyahan niyo na kapatid ko may temper talaga yan.
"Wala nga sabi" sagot naman ng girl at umalis.
"Simon, chill bro, mahahanap din natin siya" Sabi ni Ethan.
"Labas muna ako, najijingle na ako brad" Ethan said then tumakbo sa back door. Para maka sigurong wala nga dito si Amelia ay umakyat na ako at hinanap ko na siya sa lahat ng kwarto dito sa dorm 3 and wala nga siya dito kaya bumaba nalang ako.
"Oh, ano nakita mo ba?" Tanong sa akin ni Austin.
"Wala eh, asan nga pala si Simon" pagtatanong ko.
"Umalis na siya pumunta na sa dorm 2" sagot ni Austin.
"eh, si Ethan?" Tanong ko ulit nang napag tantong wala din pala siya.
"Hindi ko alam, hindi ko na siya nakita pagkatapos niyang mag jingle"
"Baka bumalik na ng dorm."
"Baka nga." Sagot ko.
"Ano? Hahanapin pa ba natin siya?" Pagtatanong niya. Mukhang napagod siya kakahanap kay Amelia.
"Oo." I answered. Kahit na ayaw ko sa babaeng yon, hahanapin ko pa rin siya.
"Ano bang meron don at talagang pursigido si Simon na hanapin siya?" Tanong ko sa kanya.
"Alam mo namang girlfriend niya yon malamang hahanapin niya." Sagot niya.
"I mean, why is he so into her?"
Pagtatanong ko ulit,Bakit nga ba!"Eh bakit naman hindi?"
Ano bato, padamihan ng tanong."Wala lang! Labas muna ako!" Sabi ko at lumabas.
*****
Nataliah's POVNaglalakad ako ngayon kasama si Seth papunta sa dorm, tinatamad na ako at tyaka maginaw na kaya uuwi muna ako ng dorm para man lang makapagpahinga.
"Ahm, Okay na ako Seth kaya ko nah, malapit na naman ang dorm" basag ko sa katahimikan.
"Hindi! Sasamahan kita." Sabi niya.
"Hindi ka paba napapagod?" Tanong ko.
"Nope"tipid niyang sagot.
"Pumasok ka muna!" Pag iimbita ko sa kanya, nandito na kami ngayon sa dorm.
"Hindi na Taliah, pumasok kana" Sabi niya at nag wave kaya nag wave nadin ako at pumasok na. Napansin kung napaka dumi ng dorm, malamang may party kanina kaya napag isipan kong magligpit at mag ayos ayos ng kalat. Isinuot ko ang headset ko at nagpatugtug. Music makes me complete. Ang ganda ng kanta kaya tinaasan ko na talaga ang volume at kumanta.
*****
Habang naghuhugas ako ng pinggan, bigla kong naalala na may sumigaw pala kanina habang nasa labas ako, isang tao lang ang pumasok sa isip ko----si Amelia.
Agad kong kinuha ang flashlight at lumabas, sigurado akong dito sa bagong building na kasalukuyang under construction pa nang galing ang tili, maghahating gabi na at napakadilim marami pang nagtataasang mga punong kahoy hindi pa ito napuputol dahil ginagawa pa ang bagong building ng dorm 6.