"LAST HUG"

50 1 1
                                    

All Rights Reserved 2014.

ONE SHOT STORY by Chilldombre

Presents:

“LAST HUG”

“CHOOOOOOOOOOI!!”

Agang-aga, eto na naman si bestfriend. -_-

Kakapasok ko pa lang sa gate ng school at ayan agad bumungad sakin. Ang pamatay at makabasag-lalamunan na sigaw ng bestfriend kong si Krista.

“Oh? Ganda ng good morning mo ah.” –medyo pa-sarcastic kong sabi.

“Ganun talaga ‘yun, Daphne. Para malaman ng buong school na nandito na ang dyosa. Hahahahah!” –at ayan, tumawa na ng malakas ang bruha. -_-

DAPHNE SALAZAR, 19, 4th year college sa Lion’s Heart Academy. Medyo mahaba ang color brown kong buhok na may side-bangs, matangkad, morena na maputi (ano daw?!), at running for honors sa klase. GOOD CATCH daw, sabi ni Krista.

Sa’n nanggaling ang ‘Choi’ na pinantawag sakin ni Krista? Call sign namin yun as bestfriends slash sisters. Ever since kasi pre-school, best buds na kami.

At dyosa? Oo, ako yun. Hahahaha! >:) Uhm, without boasting, let’s say na pansinin ako.  Hehe. Hope you got the message.

Sinamahan ako ni Krista papuntang locker para kunin sana yung mga gamit ko at pagbukas ko, mga limang envelopes with hearts and whatsoever designs ang nalaglag mula sa locker ko, tatlong boquets sa taas ng locker ko at sandamakmak ding chocolates ang nasa tapat nito.

*ehem* ‘YAN ANG DYOSA.

“Hayo nako, Choi. Ayan na naman ang batalyon mong admirerd. Hindi man lang ako nabiyayaan ni isa.” –sabay pout ni Choi.

“Hahahahha! Choi, maganda ka naman, eh. Mas maganda lang ako. Hahahahaha!” –at ayan na ang lokohan naming dalawa.

Sinantabi ko muna yung mga regalo at letters na natanggap ko at mamaya ko na ipapauwi.

OO, inuuwi ko. Para kahit hindi ko sila mapansin, at least nakita naman nilang naappreciate ko yung pag-“adore” nila.

Mauuna na sana akong maglakad papuntang hagdan para pumasok na sa classroom nang pigilan ako ni Krista.

“Daphne, walang klase. May laban ang LHA Basketball team sa Tiger’s Eye Academy ngayon. Nasa gym na sila.” –bigkas ni Choi.

Napalingon ako at binigyan siya ng cold look.

“A-ano, p-papasok na lang a-ko.” –sabi ko at akmang tatalikod na pero pinigilan niya ako.

“Walang magagawa ang pagiging bitter mo, Daphne. Face him.” –seryosong atas niya.

“A-ayoko, Krista. M-masakit pa d-din.”

At ayan na sina luha, lumabas na at nag-unahang pumatak.

Niyakap ako ni Krista habang hinihimas ang likod ko habang ako ay iyak lang ng iyak.

“Make him realize that it’s his lost, Daphne. If they won, congratulate him personally, show him your million-dollar smile at a happy Daphne. Ipakita mo sa kanyang masaya ka kahit wala siya. Kahit wala na siya.” –sabi ni Krista sakin.

Kumalas ako sa yakap niya at tinignan siya mata sa mata sabay tango.

YES. I’ll face him and make him feel worthless just like what he did to me 2 years ago.

"LAST HUG"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon