Chapter 4

352 13 0
                                        

Patuloy lang silang nakekwentuhan pati ba naman sila Liza at Piah eh nakikipagkwentuhan narin sa mga ka team ni Roco. AKO? OP. OP. OP! nahihiya kasi ako. grabeng hiya to. ng biglang inakbayan ako ni Roco. Kinikilig ba ko? namumula na yung mga pisngi ko buti nalang mahaba ang buhok ko at medyo tinatakpan ang mukha ko ng WALANJO! hinawi ni Roco ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko at sinabing Dapat laging nakaganyan yung buhok mo Baby para naman laging nakikita yang mukha mo. Wag mo itago yang kagandahan mo okay baby? ohmeged. Pigilan niyo. kinikilig nanaman ako. pero WAAIT HINDI pwede. move on Tina! yan nanaman yung mga sweet talks niya. Wag kang kiligin dyan! 

oh Roco, wag masyadong PDA! hinay hinay lang! Sabi ni Daniel isa sa basketball player na close tropa ni Roco at nagtawanan lahat ng nasa table namin! Grabe PDA agad. kasi naman tong si Roco eh. kung makaakbay sakin wagas. Nahihiya naman ako kung aalisin ko yung kamay nya. grabe nabalutan na talaga ng kahihiyan yung katawang lupa ko. diba dapat galit ako? pero naaalala ko yung sabi ni Liza eh. Wala kang karapatang magalit dahil wala namang naging KAYO, wala eh. nafall ka at higit sa lahat ikaw yung Umasa. pumapasok nanaman sa utak ko yung sinabi niyang yun. Hindi ako nagalit kay Liza kahit na nasaktan ako. Siguro dapat nga magising na ko sa katotohanang ako yung umaasa sa wala.

Namiss ko kasi tong Baby ko eh. hindi man lang ko tinatawagan miski text wala. uy Baby namiss mo ba ko?  bigla akog napatingin sakanya.

Huh? Baby? Namiss? SUS! Bigla kong nasabi sakanya. Hala ang taray ko ba?

Grabe ka naman baby. namiss ko yung yakap mo. Payakap nga. Bigla niya akong hinila at niyakap ng sobrang higpit. namumula na ata yung pisngi ko pati ata buong katawan ko namumula narin. gusto ko sanang sabhin sakanya Roco, bakit mo ba to ginagawa sakin. Ang sakit sakit na. Ang manhid mo talaga. hindi mo ba alam na Mahal kita. Nasampal na nga kita at sinabing Mahal kita noon tapos ngayon? Parang walang nangyari? Shempre joke lang hindi ko kayang masabi yan. Tanga ko no? Wala eh. daming natatanga pagdating sa pagibig isa na ko dun. Pagibig nga naman!

uy magkayakap sila oh.

Sila na ulit, Nakakakilig naman

Alam ko hindi naman naging sila eh.

Landian lang yan. sus si Roco pa

Bulong here bulong there. Push niyo yan. Ako eto walang imik. Sobrang tahimik! anong oras na ba? HALA 11am na! Late na ko. need ko na umalis.

Ahm guys, Need ko ng bumalik sa campus. thanks sa time. bye! Sabi ko sakanila ng biglang tumayo rin si Roco.

Guys need to go narin hahatid ko pa tong baby ko. Nagtinginan lahat samin at ako eto nahihiya nakauyuko.

Hindi mo na ko kailangan hatid. okay lang ako. Sabi ko sakanya.

Para sakin hindi. hahatid kita sa ayaw at sa gusto mo. baka mamaya mapano ka pa dyan. ayokong may mangyaring masama sa baby ko. Nag yieeeeee ang tropa niya kasama na si Liza at Piah. Leche talaga tong dalawang to hindi man lang ako tinutulungan. wala eh puro pogi kasama namin. Kilala ko nayang dalawang yan Mahilig sa Pogi.

Wag na nga. Ayos lang. Roco! Seryoso kong sabi sakanya ngumiti lang siya sakin.

Kulit mo talaga kahit kailan baby. Mahinang sabi niya sakin at hinila na ko papuntang kotse niya.

Ang tahimik walang imikan sa loob ng kotse, nangbiglang nagsalita siya. Tina, Sorry! hala! nagsosorry na siya? para saan. Siguro dahil sa nangyari noon? Ang assuming ko talaga.

Para saan? sagot ko sakanya.

Gusto ko lang magsorry dahil ang pogi pogi ko. SHEMAY! dahil lang pala dun? Yabang forever talaga!

ok. ginusto mo yan eh. Mataray na sabi ko sakanya.

Baby? i miss you. Sabi niya sakin sabay hawak sa kamay ko ang pwesto kasi namin is siya yung nag dadrive and dun lang ako sa may tabi niya ng biglang kinuha ang kamay ko sa gilid and hinawakan niya.

hindi ako sumagot. inalis ko yung kamay ko na hawak niya.

Galit ka parin ba sakin baby? gusto kong bumalik lahat yung kung anong meron tayo noon. Sabi niya sakin.

Diba wala namang TAYO noon? seryoso kong sagot sakanya.

Yung closeness meron tayo nun! yung pag kakaintindihan yun ang meron tayo! plss baby. Alam kong iniiwasan mo ko. Ramdam ko. Palambing nasabi niya sakin.

May nararamdaman ka papala. buti pa yun ramdam mo pero yung pagmamahal ko hindi. Bigla kong hininaan yung boses ko dahil narealize ko lumalabas sa bibig ko ang hindi dapat niyang marinig!

Hindi na siya nakasagot dahil na sa Campus na kami. Saglit lang naman kasi diba yung byahe buti nalang at nandito na agad kami. Lumabas ako agad. kukunin pa sana niya yung gamit ko pero sabi ko wag nalang dahil late na ko. kailangan ko ng magmadali.

Baby. ingat ka. Sinigaw niya talaga yun dahil malayolayo na ko sakanya. hindi ko nalang pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad.

WABOOG! kelangan ko pumasok ayoko kasing mag cutting. nandun na ang prof namin. Hala anong gagawin ko. Tina relax! inhale exhale inhale exhale at patuloy na kong pumasok ng biglang Hey ! firstday na firstday late ka? sa susunod ayoko na ng ganyan ah. pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod na late ka ulit mabuti pang wag ka nalang pumasok sa subject ko. ano ang pangalan mo?

Sir im Christina Devera you can call me Tina. sagot ko sakanya.

Sige maupo ka na Christina. sabi sakin ng prof ko.

Dulo nanaman ako. nako. wala eh Pag late talaga, no choice ka sa upuan mo. umupo na ko. ang pwesto ko kasi is sa may bintana sa right side. nasa dulo ako. Biglang may kumalabit sakin at parang nakita ko na tong lalaking to. nakalimutan ko lang kung saan kasi naman ang pumapasok lang sa utak ko ay yung sinabi sakin ng Baab- este ni Roco na gusto kong bumalik lahat yung kung anong meron tayo noon. ay kabayo! biglang nag snap sakin yung kumakalabit sakin nakalimutan ko may kumakalabit pala sa likuran ko.

Sana nagustuhan niyo! vote lang :) patuloy lang akong mag uupdate! :))

PAG-IBIG nga naman.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon