Chapter 18

230 8 2
                                    

ARGHHHHHH Pasukan nanaman. Grabe sakit ng katawan, ulo at pakiramdam ko. Hindi kasi ako makatukog kagabi kakaisip eh. Haynako. Kasalanan tong lahat ni Roco. Nye. Sininisi pa siya eh no. pero gulung gulo na talaga ako. hay. nandito ako ngayon sa may labas ng campus, nakaupo sa may bench. Hinihintay ko ngayon sina Liza at Piah. simula kasi nung party sa bahay ni Roco eh hindi ko na sila nakausap. kaya ngayon makikibalita muna ako sakanila.

TINA! lumingon ako kaagad ng makita ko sina Liza at Piah.

oy! kanina ko pa kayo inaantay. Ang tagal niyo naman. pag mamaktol ko sakanilang dalawa.

Aba may kasalanan ka pa nga saming dalawa, nangiiwan ka. Umuwi ka na pala ng hindi namin alam. Sinabi nalang samin ni Roco na hinatid ka na daw niya sainyo. sagot sakin ni Piah.

Aber! Aber! Hinatid ka ni Roco? MAYGAD! Anong feeling ateng? Ikaw ah!! nagulat ako ng tapikin ako ni Liza sa likod at sinabi niya yan? 

HA? Anong feeling? Ayos lang naman.  Eto lang ang sinagot ko sakanilang dalawa, Wala naman talaga yun eh. Sakto lang sa feeling kahit na feeling ko nahuhulog na yung loob ko kay Roco. Ayoko muna sabihin sakanilang dalawa. Hindi ko pa naman sure kung may nararamdaman talaga ako sakaniya eh. Malay mo Temporary lang naman to.

Weh? Umamin ka samin Tina. Kayo na ba? Nanliligaw ba siya sayo? Ano pinaguusapan niyo? Tinadtad ba anman ako ng tanong ni Liza. Ay shete. wala pa naman ako sa mood mag kwento. sama kasi ng pakiramdam ko eh :3

Hindi siya nanliligaw sakin, wala lang talagang yun. hindi kami. walang kami. Wala hinatid niya lang talaga ako. Matamlay na sagot ko sakanya.

Bakit parang wala ka sa mood aber? pinakiramdaman niya ako sa noo at sa may leeg. 

oh bakit? anong meron. Tanong ko kay Liza.

Tanga ka ba? Eh ang init mo eh. may lagnat ka. Umuwi ka na. baka kung ano pang mangyari sayo. taas ng lagnat mo sobrang init mo eh. sabi sakin ni Liza. Wahhh. ang sama sama talaga ng pakiramdam ko. Ayoko ng umuwi. Kaya nag pahinga nalang ako sa may garden at humiga sa damuhan. Umalis narin kasi sila Liza at Piah. may klase na sila. At yun hindi na nila ako pinapasok sa mga class ko. mag cutting din daw ako pag may time. Nakapagdesisyon narin akong hindi nalang ako papasok. Sakit ng ulo ko eh.

Chemistry na pala ang subject ko ngayon. Gusto ko sana pumasok kaso sabi ng katawan ko. Wag nalang daw. odiba nagsasalita tong katawan ko. haha. may gana pa kong mag biro no? sama sama na nga ng pakiramdam ko.

~~~

HOYYYYYYY TARAY! BAKIT HINDI KA PUMASOK SA CHEMISTRY SUBJECT! Biglang nabasag ang katahimikan ng may sumigaw sa direksyon ko sa likod, nakahiga kasi ako sa damuhan. sakit talaga kasi ng katawan ko.  Si Roco to for sure. Halata naman sa tawag eh. "Taray" Taray. Siguro kaya hindi ka pumasok ng class dahil ayaw mo ko makita no? Grabe ka. etong pogi kong mukha ayaw mo makita?!! Pagmamaktol na sabi niya sakin.

Pwede ba wag ngayon Roco masama yung pakiramdam ko. mahina kong sagot ko sakanya.

ANO? masama pakiramdam mo? sabay hawak sa noo at leeg ko. OO nga may lagnat ka. bakit ka pa kasi pumasok huh? dapat sayo nag papahinga sa bahay niyo. umuwi ka na pinipilit niya kong umuwi kaso ayokong umuwi. mas gusto ko nalang muna manatili dito sa may garden eh.

Ayoko Roco, papahinga muna ako dito. sige na mauna ka na. baka may klase ka pa oh. Sarcastic na sagot ko sakanya.

Uminom ka na ba ng sagot? kumain ka na ba ng breakfast mo? Concern na tanong niya sakin. WAHH ano concern siya sakin? bakit. bakit kaya siya ganon sakin.

PAG-IBIG nga naman.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon