Chapter 22

160 8 0
                                    

Roco Garicia Point of View (POV)

Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Piah papuntang garden. mukhang seryoso siya. Ano kayang sasabihin sakin nito.

Roco. Wala ka bang napapansin? tanong niya sakin.

Napapansin saan? sagot ko sakanya.

Totoong napakamanhid mo. Hindi mo ba nararamdamang iniiwasan ka ni Tina. Bakit ba siya nagagalet sakin.

Hindi ako manhid. Nararamdaman ko yun, Kasalanan ko pa ngayon? eh si Tina nga yung umiiwas sakin, Tinatanong ko siya kanina kung anong problema eh eh umalis naman siya kaagad. Hindi ko na siya maintindihan. pagpapaliwanag ko kay Piah.

Roco? Hanggang ngayon hindi mo parin alam ang dahilan. Ano bayan, Hindi mo ba nahahalatang may lihim na pagtingin na sayo si Tina? May gusto siya sayo Roco. o.O Hindi pwede to.

ANO? Hindi pwede. Hindi siya pwedeng magkagusto sakin. Ayoko Piah. mahirap. Gulat kong sagot sakanya.

ANO? matapos mo siyang paasahin? pakitaan ng mga kasweetan? Wala lang yun sayo? Pinaasa mo siya Roco. tanging tibok ng puso nalang ang naririnig ko. hindi ko alam kung matutuwa ako pero natatakot ako. Aaminin ko na ba tong matagal ko ng sekreto?

Hindi ko siya pinaasa Piah. Hinding hindi ko kayang saktan ang isang tulad niya. Hindi pwede. Hindi talaga pwede to. Ayokong masaktan siya ng dahil sakin.  ayoko talaga, kapag kasi nasasaktan si Tina eh parang nasasaktan narin tong puso ko. Pano pa kaya pag ako na ang nanakit sakanya? Dobleng sakit din to sa nararamdaman ko. andami kong gustong ipaliwanag kay Piah pero nagulat ako ng biglang narinig ko ang boses ni Tina? kumakanta bakit ganon na ang boses niya? ang ingay sa loob kaya bigla kaming tumakbo ni Piah at nakita namin lasing na lasing na si Tina kasama narin ang mga kaibigan ko.

TINA? sigaw ni Piah.

Bakit niyo naman pinainom to. Hindi naman umiinom si Tina eh. Nakakainis Bakit ba siya uminom? Alam ko hindi siya umiinom. Eto talagang mga tropa ko pahamak eh.

Roco pre, tara kanta ka. sabayan mo si Tina. Inaanyaya pa ko ni David. Isa rin to eh sarap sapakin eh. binalaan ko na kasi siyang wag paiinumin si Tina kaninang tanghali kung sakaling mag inuman ang tropa.

Para sayo tong kanta na to Roco , Mahal na mahal kita. I love you Roco. Iloveyou. Kung ako nalang sana. Hindi kita sasaktan. Iloveyou Roco. bumilis ang tibok ng puso ko. naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko man lang siya napigilan. dahil sakin kaya siya nag kakaganito. bigla ko siyang hinila papunta labas. inalis ko sa kamay niya ang hawak niyang bote, nag aalala na ko sakanya.

Tina? ano na ba nangyayari sayo? bakit ka ba uminom? masama yan sa kalusugan mo. pagaalalang sinabi ko sakanya.

Wow. Roco, concern ka sakin? hahahaha. sabagay lagi ka namang conern sakin. kaya ako nainlove sayo eh. kung ano ano na ang pinagsasabi niya. Lasing na lasing na kasi. 

Tina! Hindi ka pwedeng magkagusto sa isang tulad ko. sagot ko sakanya.

Late ka na Roco. Mahal na kita at teka lang, Bakit naman bawal ako mainlove sayo? masama bang mahalin ka. ay oo nga pala sabagay hindi ka naman mag kakagusto sa isang tulad ko. Kung alam mo lang Tina. Kung alam lang tong matagal ko ng sekreto.

Hindi sa ganon, Ayokong masaktan ka Tina. kapag nasasaktan ka eh nasasaktan narin ako. Ganon ka kahalaga sakin. Kung pwede lang na ako na lang ang masaktan at hindi na ikaw. Hindi mo ko pwedeng mahalin. Ayokong masaktan ka ng dahil sakin. Lagi mong iisipin yan, Hindi pa ko handa. Hindi ko pa kayang magseryoso pagdating sa pagmamahal. umiiyak siya. Hindi ko na kayang makita ang mukha niya, umiiyak siya ng dahil sakin. 

PAG-IBIG nga naman.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon