Ilang araw ang lumipas. Isang gabi nalang kami mag stay dito. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako. Natutuwa ako dahil hindi ko na makikita pang laging magkasama sila Roco at Lorraine, Malungkot ako dahil mamimiss ko tong place nato. Ang ganda kasi ng kapaligiran kaso nga lang sa tuwing titignan ko ito. Lagi kong nakikitang magkasama sila Roco at Lorraine.
HUY, Tina! Tara na. sulitin nanatin to oh. Last night nalang naten to dito. Babalik nanaman tayo sa pagiging stress. sinira ni Piah ang pag momoment ko.
Oo sige susunod ako. hindi naman kasi ako umiinom ng beer eh. kayo nalang. dito nalang ako. Sagot ko kay Piah.
Huh? Edi wag kang uminom. may tubig dun oh napakarami. Pangaasar ni Liza
Saglit nga lang Tina, Parang napapansin ko may tinatago ka samin ni Liza ah. Umamin ka nga. Bakit ba ganyan na yung kinikilos mo. lagi kang tulala sa kawalan at laging ang daming iniisip. Aber. sabihin mo na. Pag mag bebestfriend talaga, kilalang kilala na eh no parang sila Liza at Piah. Nararamdaman na nilang may problema ako. Problema sa sakit ng puso (hindi literal ah)
Ano kasi. ewan ko ba. parang ano. hayy. bakit ba ko umaarte na parang girlfriend niya ko? mangiyak ngiyak na tong mga mata ko.
Diretsuhin mo na nga kami ni Tina. Seryosong sabi ni Piah.
Nag seselos ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nagbago lahat, Hindi na kami close ni Roco. Hindi na kami tulad ng dati. Siguro dahil umiiwas na ko. Umiiwas lang naman kasi ako dahil pag nagkakasama kaming dalawa, Lalong nadadagdagan pa tong nararamdaman ko. Mahal ko na ata siya. Nainlove ako sa taong alam kong never maiinlove sakin. Tumulo ang mga luha ko na parang na sa isang relasyon ako. Nag mamahal lang ako. pero alam ko kung hanggang saan ang limitasyon ko.
Wag ka ngang tanga jan. wag kangang umiyak. kelangan lahat tayo masaya dito. comfort? kelangan ko to ngayon. nagpapasalamat ako sakanilang dalawa dahil nandito ngayon sila sa tabi ko.
Oo nga. marami pa dyang iba na mas deserving sayo. Kung sinasabi mong paasa si Roco, Alam mo naman din sigurong may mali ka diba? Bakit ka kasi umasa sa paasa. Pinranka ako ni Liza. Nahurt ako sa sinabi niya pero alam ko namang lahat ng pangaral nila sakin eh TAMA.
Kung try mo kayang aminin kay Roco yung nararamdam mo? Baka naman feelings narin siya sayo. diba lagi mong sinasabi pag kasama mo si Roco eh ang sweet sweet niya sayo. At isa pa, Bakit ka pa sinama dito kung alam mong wala kang halaga kay Roco. Binibigyan pa kasi ako ng dahilan ni Piah para umasa eh, Umasang mutual kami ng feelings sa isat isa.
Ayoko ng masaktan. Ayoko na talagang masaktan. alam mo naman sa past ko diba? umasa lang ako sa WALA. ayoko ng mangyari pa yun ulit. yung ka M.U na hanggang landian lang. Ayoko na nun. Sagot ko sakanilang dalawa,
Alam naman namin yun eh, Desisyon mo naman yan kung gusto mong aminin sakanya yang nararamdaman mo edi GO! basta nandito lang kami sayo laging nakasuporta. Bigla akong niyakap ni Liza at niyakap narin ako ni Piah. BESTBESTBESTFRIEND ko talaga tong mga to, Buti nalang nadyan sila sakin para damayan ako.
Nakakaistorbo ba ko sainyo guys? Tara na. Let's have a PARTY!! Pangaanyaya samin ni Andrew (tropa nila Ian at Roco)
Mauna na kayo, susunod ako. Sagot ko sakanilang tatlo. Naiwan ako dito habang nakatulala nanaman sa kawalan. hayyy. aaminin ko na kaya sakanya. kaso nga lang lagi niyang kasama si Lorraine.
Nandito ako ngayon sa Terrace, magisa. Habang sila nasa loob, Nagkakantahan, nagiinuman, nagtatawanan. Wala ako sa mood para makijoin sakanila. Minsan kasi masarap lang talagang magisa.
Ehem Ehem. nagiisa ka nanaman dito? Kilala ko kung kanino boses to, Bumilis ang tibok ng puso ko, HAY! kelangan kong makaalis dito.
Sige Roco, Baka hinahanap na nila ako sa loob mauna na ko. Paalis na sana ako ng biglang-
Teka nga lang Tina, Iniiwasan mo ba ko. sa 4days na nandito tayo parang sa isang araw isang beses lang din tayong nag uusap. Miski sa text, Hindi ka nag rereply, pag tinatawagan kita hindi mo man lang sinasagot. May problema ba? Tinabi niya ang hawak niyang beer sa may table at kinausap ako ng masinsinan.
Wala, walang problema. nakayuko lang ako, ayokong tignan ang mukha niya.
Umamin ka na nga sakin. galet ka ba sakin? May nagawa ba ko sayo? Serysong tanong niya sakin.
Wala nga. manhid manhid mo kasi. hindi mo nararamdaman tong nararamdaman ko. arghhh Tina wag kang umiyak. Wag mo sakanyang aminin. pigilan mo yang nararamdaman mo. Baka masaktan ka lang ulit.
Ano? ako? ano bang ginawa ko sayo? gusto ko ng umiyak. hindi ko na mapigilan pa.
Wala Roco, Sorry. iniwan ko siya sa terrace mag isa. Hindi ko na nakayanan kaya tumakbo ako para pumuntang kwarto. 8pm na pala. ang bilis ng oras.
Hindi ko namalayan, sa kakaiyak ko eh nakaidlip na pala ako. Mga 9:30 pm na ko nagising at pagkakita ko. Wala si Piah. San kaya nag punta yun? Kelangan ko siyang makausap dahil si Liza eh lasing na. Kung ano ano ng pinagsasabi sa mga boys dun, Si Lorraine naman nag beaty sleep na daw. nagkakantahan parin sila dun at nag iinuman.
Pumunta ako sa sala kung san sila nagkakantahan at nag iinuman. Tinry kong uminom ng beer. WOOH, grabe ang pait sobra. Siguro naman makakalimutan ko ang problema ko kung iinom ako.
Isa pa Tina eto pa oh. sabay ininom ko ulit. Paulit ulit hanggang sa nahihilo na ko. nawawala na ko sa sarili. Ano ba to. parang gusto ko ng mag wala.
Tina. gusto mong kumanta. Eto oh. next song na. binigay na sakin ni Andrew ang mic. Bakit sa dinamidami ng kanta eto pa
"Oceans apart day after day
And I slowly go insane
I hear your voice on the line
But it doesn’t stop the painIf I see you next to never
How can we say foreverWherever you go
Whatever you do
I will be right here waiting for you
Whatever it takes
Or how my heart breaks
I will be right here waiting for youI took for granted, all the times
That I though would last somehow
I hear the laughter, I taste the tears
But I can’t get near you now"Patuloy lang ako sa pagkanta ng biglang pinigilan ako ni Roco. Kinuha niya ang beer na nasa kamay ko.
Bakit niyo naman pinainom to. Hindi naman umiinom si Tina eh. Wala narin siyang nagawa dahil lasing na lasing na ko at ang mga kasama ko sa loob.
Roco pre, tara kanta ka. sabayan mo si Tina. lasing na lasing narin si David. lahat kami wala na sa katinuan.
Para sayo tong kanta na to Roco , Mahal na mahal kita. I love you Roco. Iloveyou. Kung ako nalang sana. Hindi kita sasaktan. Iloveyou Roco. Lasing na lasing na ko. Hindi ko na alam kung ano ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko na natapos yung kanta ko dahil bigla niya kong hinila papuntang labas. hilong hilo na ko. Ano na bang nangyayari sakin? Ano na bang nangyayari? o.O
~~~~~~~~
Expect the Unexpected nga diba? Ano naman kayang magiging reaksyon ni Roco sa pagamin ni Tina? Abangan ang Next Chapter.
PAALALA!! , Flashback po muna ang mga ito. dito natin matutunghayan KUNG PAANO NAG KAKILALA SINA ROCO GARCIA AT CHRISTINA DEVERA at Kung paano nafall si Tina sa isang Sikat, Badboy pero sweet na si Roco ! :)) Vote guys! :) patuloy lang akong mag uupdate! :*
BINABASA MO ANG
PAG-IBIG nga naman.
Teen FictionUMASA? UMIYAK? NASAKTAN? wala eh Nagmamahal ka. kasama talaga yan pag umiibig ka. Hayyyy. mapapasabi ka nalang ng PAGIBIG NGA NAMAN! //o.O\\ Eh ikaw? Naranasan mo na bayan? yung maganito yang puso mo "<//3" Naranasan mo na bang umiyak ng dahil sa...