Sino yun? nandito kami ngayon sa may ilalim ng puno, dito niya ko dinala.
Sinong sino yun? tanong ko.
Yung kasama mong lalaki kanina. bakit ganun yung itsura niya?
Kaibigan ko si Carlo. sagot ko.
Kaibigan? eh kulang nalang langgamin nako sa tamis ng pagtitinginan niyo eh. bakit ba siya nagkakaganyan.
Teka nga, baka nakakalimutan mo hindi kita boyfriend. walang tayo Roco. sagot ko sakanya! totoo naman eh.
Tayo? yun lang ang tanging lumabas sa bibig niya.
Oo walang TAYO! spell ko pa? T-A-Y-O! okay? kaya wala kang karapatang magalit sakin. nakakaasar na siya.
Hindi ako nagagalet. siya.
Eh ano lang? naiinis? nabibwiset? bigla niya kong yinakap! ano nanaman ba to Roco!!!
Hindi ako nagagalet, naiinis o kung ano man Tina, nagseselos ako. bulong niya sakin habang nakayakap parin.
Roco? bakit ang init mo? may sakit ka ba? tanong ko sakanya, sobrang init niya!!
Tina naman! wag mo na ngang ibahin ang topic natin! nag seselos ako alam mo ba yun? nagseselos ako kapag may kasama kang ibang lalaki! nakaharap na siya sakin at nakatitig sa mga mata ko.
Wala kang karapatang mag selos. sagot ko sakanya.
Alam kong wala akong karapatang mag selos, pero hindi naman masama yun diba? nagmamahal ako, Minamahal kita! sincere siya. ano ng gagawin ko? speechless.
Roco na- hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.
Maghihintay ako Tina! yung second chance ko. hihintayin ko yun. si Roco.
Nagulat ako ng bigla siyang nahulog sa kinatatayuan niya! nahimatay? nanghihina? Waaaaah! hindi pa kasi nakinig sakin kanina eh. dinala ko siya sa clinic syempre humingi ako ng tulong para madala siya dun. buti nalang at mahaba ang break ko at buti nalang din hindi malala ang nangyari sakanya! binabantayan ko siya ngayon dito. antaas parin ng lagnat niya ang tigas talaga ng ulo ni Roco!
Roco? nagising na siya.
Anong nangyari? tanong niya.
Edi yan dahil sa katigasan ng ulo mo, may mataas ka palang lagnat eh pumasok ka pa! dapat nag pahinga ka nalang sa bahay niyo. yan tuloy nahimatay ka pa, tapos niyan kumain ka na at uminom na ng gamot. wow haba ng speech ko.
Anong ningingiti ngiti mo jan? tanong ko sakanya! mala killer smile eh. ngumiti ba naman sa sinabi ko.
Ang cute naman ng nurse ko talagang binabantayan parin ako. Thank you Tina. bigla niyang hinawakan ang kamay ko. nakakailan na talaga tong si Roco ah!
Anong nurse mo jan, gawin mo nalang ang sinabi ko. sagot ko sakanya.
Ayaw mo ng nurse? so girlfriend nalang. sagot niya sabay ngiti. aba!
Anong sabi mo? tanong ko sakanya.
Maghihintay ako. sabay killer smile.
BINABASA MO ANG
PAG-IBIG nga naman.
Teen FictionUMASA? UMIYAK? NASAKTAN? wala eh Nagmamahal ka. kasama talaga yan pag umiibig ka. Hayyyy. mapapasabi ka nalang ng PAGIBIG NGA NAMAN! //o.O\\ Eh ikaw? Naranasan mo na bayan? yung maganito yang puso mo "<//3" Naranasan mo na bang umiyak ng dahil sa...