Kwento ko na kaya? Sige na nga. Kekwento ko na kung paano kami nagkakilala ni Roco Garcia.
****************************************Flashback************************************
Nagkakilala kami ni Roco sa Basketball court. magisa ako nung mga araw na yun, Nagpapaint , nagdadrawing at kumakanta. mahilig kasi akong kumanta habang may ginagawa para hindi agad ako ma bored. biglang may isang lalaking magisa parang galit na galit sa mundo. Dabog dyan. Dabog dito. FVCK! NAPAKAMALAS KO. SARAP MAGPAKAMATAY! sigaw siya ng sigaw. Hindi ko nalang siya pinapansin basta ako nag papaint lang. nag babasket ball kasi siya nung mga time na yun parang binubuhos niya yung galit nya dun sa bola. Maya maya lamang may biglang tumama sa ulo ko. Grabe ang sakit. kulang nalang himatayin na ko sa sobrang pag kaalog ng utak ko. yung pinapaint ko rin nahulog. yan tuloy nasira. Sh*t! Bigla siyang lumapit sakin.
Miss, Ayos ka lang? Sorry! Ayos pa ba ko sa lagay kong to? grabe ang sakit talaga. tapos nalaglag pa yung pinapaint ko. Leche. Hindi ako makasagot agad dahil nga hilong hilo ako. Bola ba naman ng basket ball ang tumama eh ang tigas tigas nun diba?
OUCH! Sakit ng ulo ko. Sabay sabi ko sakanya. Pinipilit kong tumayo pero grabe parang lumilindol sa paningin ko.
Naman oh! kung kelan wala ako sa mood nangyari pa to oh! Dadalhin na kita sa clinic. Dinala na niya ko sa clinic mga kalahating oras ako nandun. Habang dinadampi-dampian ko ng yelo tong ulo ko, Bigla siyang nagtanong.
Miss ano bang pangalan mo? Bakit ka ba kasi nandon? dun ka pa tumatambay eh ang dami daming pagtatambayan sa labas ng campus. Hala? siya patong galit eh siya na nga tong nakatama ng bola, Leche to ah. yabang yabang feeling mo siya may ari ng court ng campus. tsss
Pakiealam mo ba? eh kung dun ang gusto kong tambayan eh. at teka nga lang? Bakit ka ba nagagalit eh diba ikaw na nga tong nakatama ng bola? Inis na sabi ko sakanya.
What? Wait miss. Hindi ko sinasadyang matamaan ka ng bola ah at pwede ba itigil mo yang pagtataray mo. Buti nga at nag sorry pa ko sayo at dinala pa kita dito sa clinic. Hindi mo ba ko kilala dito? Pagyayabang na sagot niya sakin.
Sino ka ba? mataray na tanong ko sakanya! Yabang neto ah. sarap lagyan ng Black eye eh. Tss.
Ako si Roco Garcia. MVP at sikat na basket ball player dito sa Eagle University. Pagmamayabang na sagot niya sakin.
Wala akong paki kung sikat ka. O kaya naman MVP player ng basketball team. I don't care. Ok? Ang yabang Shemay! kaasar.
Bakit eh tinanong mo kung sino ako then sinagot kita. masama ba yun? Wait. eh ikaw sino ka ba huh? pang asar na sabi niya sakin.
Ako si Christina Devera for short TINA! Ok na ba yun sayo. makaalis na nga. Aalis na ko kahit masakit pa tong ulo ko. Nakakaasar ah. Ang yabang yabang niya. pero infairness ang gwapo niya. Ariririri. pero pangit parin ng ugali niya.
Edi BYE. BYE MS. TARAY! Sigaw nyang sabi sakin. Hindi ko nalang siya pinansin, TARAY? oo inaamin ko mataray ako. pero sakanya lang. kapal kasi ng mukha eh. ANG YABAAANG niya super!! kahit sikat yun wala akong pake, kahit ba sugurin ako ng mga babaeng nagkakagusto sakanya. wala akong pakealam!
Nakita ko sina Liza at Piah sa bago naming tambayan ang kubo. hilong hilo parin talaga ako. Ang lakas kasi ng impact ng bola nung tumama sakin eh. grabe @.@
Uy Tina! san ka ba nanggaling huh? bakit ganyan yung itsura mo, para kang binagyo! Asar na sabi sakin ni Liza. Aysus. haggard ko kasi eh. Ang gulo ng buhok, ang dumi ng uniform ko eh kasi nga natapunan din ako ng paint. :3 kaasar.
Eh kasi naman may mayabang na lalaking nakatama ng bola ko habang nag papaint ako dun sa may court. Tsk. bwiset talaga! sagot ko sakanya.
Sino namang lalaki yan? Aber? resbakan na ba namin? Sagot ni Piah sakin.
SI Roco ata yun, OO si Roco Garcia. nagulat silang dalawa sa sinagot ko dahil nga sikat si Roco ako lang ata ang hindi nakakakilala dun dahil puro pag papaint at pagdadrawing lang ang ginagawa ko. wala akong pakielam sa mga hearthrob ng campus. pero aaminin ko mahilig ako sa gwapo! HAHAHAHA
ANOOO? HALA. ANG SWERTE MO GIRL! napansin ka ni Roco? :""">> Buti ka pa. sagot ni Piah WOW! tunay ko ba tong mga kaibigan? EH natamaan na nga ako ng bola sa ulo diba? tapos swerte pa ko. Aysus.
Ang yabang yabang niya kaya SOBRA! akala mo kung sinong sikat. Oo nag sorry siya pero parang labag naman sa kalooban niya yun, dinala rin niya ako sa clinic pero hindi maganda ang usapan namin dahil medyo nainis ako sa kayabangan niya. Sagot ko sakanialang dalawa.
HUUUUUHH ANNOOOO? BAKIT MO GINAWA YUUUN? GRABE KA TINA! HINDI KA NATAKOT? Gulat nilang sagot sa sinabi ko.
Flashback muna ang gagawin ko :)) matutunghayan dito kung paano nagkakilala sina ROCO GARCIA AT CHRISTINA DEVERA! :)) Vote niyo! :)) patuloy lang akong mag uupdate ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/11692663-288-k110986.jpg)
BINABASA MO ANG
PAG-IBIG nga naman.
Teen FictionUMASA? UMIYAK? NASAKTAN? wala eh Nagmamahal ka. kasama talaga yan pag umiibig ka. Hayyyy. mapapasabi ka nalang ng PAGIBIG NGA NAMAN! //o.O\\ Eh ikaw? Naranasan mo na bayan? yung maganito yang puso mo "<//3" Naranasan mo na bang umiyak ng dahil sa...