Bakit mo ko dinala dito? ano nanaman bang kalokohan to? tanong ko sakanya.
Dito kasi tayo unang nag kakilala right? tapos natamaan kita ng bola tapos dinala kita sa clinic, nagsigawan pa tayo dun! hahaha, tapos inaway ka ng mga stalker k- hindi ko na siya pinatapos pa.
Wag mo na ngang ibalik ang nakaraan. tapos na yun, nangyari na yun Roco. sagot ko sakanya! ayoko ng maalala pa yun! nasa Real world na ko! nasa katotohanan na ok?
Gusto ko lang namang i rewind ang mga nangyari satin, ipause ang oras ng mga masasayang alaalang kasama kita, ifast forward ang mga oras na hindi dapat natin pinagdaanan, Never kong isostop dahil ieedit ko ang ending nating dalawa at dadagdagan pa ng masasayang alaala! si Roco? laking pinagbago ng lalaking to. iedit? hindi ko siya maintindihan!
Ano ba yang pinagsasasabi mo? teka nga hindi kita maintindihan eh? yung ending naten? yung kiss ba? hindi ko naman ginusto yun ah, para namang ginusto kong halikan mo ko, WOW HUH! pagtataray ko sakanya, para naman kasing patay na patay ako sakanya NOON.
Hindi yun ang ibig kong sabihin, but wait, naaalala mo? that kiss! yung scene na yun ang hinding hindi ko idedelete sa memory ko! asar. nga pala di niya pala alam na alam ko yung nangyari nung gabing yun! yung kiss? oo inaamin ko kinilig ako nung mga oras na yun pero kasi matagal na yun.
Ah ano, late ko na naalala nung nakauwi na ko sa bahay, pero hindi naman yun ang point ko dito eh. pwede ba tigilan mo na ko, tapos na tong mga kalokohan mo Roco, pinaasa mo ko, umasa ako! yun na yon, Okay? wag mo narin akong tawaging baby dahil hindi ako sanggol! Past is past. sagot ko sakanya, ahh wag kayong babagsak mga luha ko. stay lang kayo jan sa mata ko!
Tina! pls! give me another chance. babaguhin ko ang ending, magiging happy ending to! Promise, just give me one chance hinding hindi ko to sasayangin, trust me! pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko. sorry kung sa tingin mo pinaasa kita pero minahal kita alam mo yan at hanggang ngayon mahal parin kita! Diba kapag yung lalaki umiiyak, Seryoso talaga to? pero bakit? bakit ba kasi noon hindi pa naging kami! hindi ko siya maintindihan, nasaktan ako, sinaktan niya ko! nag pakatanga ako, minahal ko kasi siya! pero bakit ganon lahat ng feelings ko bumabalik, sadyang tanga ko na ba talaga? nakakabaliw na.
Wag na Roco. masaya na ko ngayon. mag seseryoso muna ako sa buhay ko. ayoko ng masaktan pa. nakakapagod. Hindi ko alam, Tina gising! Tanga ba ko dahil hindi ko siya bibigyan ng chance o mas Tanga ako dahil bibigyan ko pa siya ng chance na may posibilidad na masaktan ulit ako, Hindi ko ba alam. Hindi naman naging kami noon pero bakit ganon. ang sakit umasa.
Tina pls! umiiyak siya pati ako umiiyak narin. ang sakit dito pa talaga to nangyari sa basketball court na kung saan dito kami unang nag kakilala mas okay pa ata yung tinaaman niya ko ng bola at hindi itong tinamaan ng lintek na pagmamahal sa kanya!
nakatitig lang ako sa kawalan at siya nasa harap ko umiiyak nag mamakaawa. bigla siyang lumuhod at hinawakan ang dalawa kong kamay.
Tina, Seryoso ako sayo. maniwala ka naman sakin. hindi na kita sasaktan! Ang bilis ng pangyayari. bakit ang bilis! kakakita lang namin tapos biglang naging ganito. Finast forward niya siguro to!
Hindi kita maintindihan Roco, bakit mo ba to ginagawa. Hindi naman naging tayo! walang tayo noon diba? ipaintindi mo nga, tumayo ka nga jan! nag mumukha ka lang tanga sa ginagawa mo, wag kang gumaya sakin. sabay punas ng mga luha sa mata at pisngi ko. hindi ko na mapigilan pa, kusang lumaglag, tumulo at umagos ang tubig na napupuno sa mga mata ko dahil sa sakit, gulat at naguguluhang damdamin!
Tumayo na siya pero patuloy lang siya sa pagiyak. inaamin ko saludo ako sa mga lalaking umiiyak yun bang di nahihiyang ipakita ang sakit na nadarama, Major Turn on! pero teka, nahihibang ka nanaman Tina! wala ka nanaman sa sarili! Focus muna!

BINABASA MO ANG
PAG-IBIG nga naman.
Fiksi RemajaUMASA? UMIYAK? NASAKTAN? wala eh Nagmamahal ka. kasama talaga yan pag umiibig ka. Hayyyy. mapapasabi ka nalang ng PAGIBIG NGA NAMAN! //o.O\\ Eh ikaw? Naranasan mo na bayan? yung maganito yang puso mo "<//3" Naranasan mo na bang umiyak ng dahil sa...