Chapter 8

56 1 4
                                    

A/N: Salamat po sa patuloy na nagbabasa ng story ko. 💕 Enjoy reading po.
~~~~~~~~~~~~~
Autumn's POV
Niyaya niya akong manuod ng movie, hindi ko alam yung title. Ano nanaman ba? Edi Action Movies. Nakakainis diba? Sa tingin niya gusto ko ng action movie? date tapos action? wow. ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa buong bahay ko.

After niya manuod, oo niya kasi hindi naman ako nakikinig eh. The hell I care?
So ayun, he opened the car door for me at sumakay narin siya. Habang nasa byahe kami siya lang yung salita ng salita.

"Ang ganda nung pinanuod natin kanina. Pinakagusto ko doon yung barilan eh. Ikaw ano nagustuhan mo?"

Wala akong imik. Wala naman kasi akong sasabihin. Wala akong naintindihan sa movie.

"Ang ganda nung pinanuod natin kanina. Pinakagusto ko doon yung ---"

"Narinig ko." pinutol ko siya. Nakakarindi eh. "Ayaw ko ng action movies."

"So, isang taon kanang nagtitiis tuwing nagmomovie marathon tayo?"

"Isang taon kanang insensitive."

"Sorry" hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. "Ayaw mo nga?" "Pero yung movie parin talaga ang issue dito eh. Grabe ayaw mo pala --"

"Maghiwalay na tayo." pinutol ko siya at yan ang bigla kong sabi. Bakit? Kasi nahihirapan na ako. Hindi yun ang dahilan kung bakit galit ako. "Maghiwalay na tayo."

"Narinig ko." "Dahil sa movie?"

Sa tingin niyo makikipaghiwalay ako dahil lang dun sa letseng movie na yun? Mygaa. Di ako ganon kababaw. Naiintindihan ko yun kasi dun siya masaya.

"Because of Sab." mukhang nabigla ko siya. Aba dapat lang. "Sab. Sabby. Sabrina." "I don't know what you call her." "Pero gusto mo siya, diba?"

"Oo" oh diba? inamin na niya mismo saakin! Ang sakit! Ang sakit sakit! Pero hindi ko pinahalata yun. Pinipigilan kong umiyak.

"Masaya ka ba?"

"Mali to."

"Mas mali to kapag ipinagpatuloy natin tapos meron kang Sab." "Hindi sa hindi na kita mahal pero ayoko ng ituloy to kung ako nalang mag-isa."

"Ayaw mo na?" so ako pa?

"Ayaw mo na."

"I'm sorry." he's sincere.

"Tao ka lang. Wala tayong magagawa." "Salamat" I sighed.

"Dahil?"

"Dahil tinuruan mo akong mahalin ka." "Tsaka mahalin yung sarili ko higit kanino." I smiled weakly. Malapit na kami sa bahay namin. Tutulo na yung luha ko.

"Wag mo naman sanang isipin na hindi kita mahal."

"Minahal mo ako." "Mas minahal nga lang kita."

"Ayaw mo na talaga?"

"Hanggang dito nalang siguro tayo. Salamat" At saka bumaba na ako sa kotse niya at agad akong pumasok sa loob. Diretso ako sa kwarto at dun ko na nilabas lahat ng luha na gusto kong ibuhos kanina.

Hindi naman kasi ganon kadali yun eh. Masakit para saakin, sobra. Minahal ko siya ng buong buo tapos lolokohin lang niya ako? Di ako nagtanim ng galit sakaniya kasi alam kong tao lang siya pero sana hindi naman niya ginawa yun. Ayaw kong sigawan siya kanina dahil mauuwi lang sa pag-iyak ko kung sakali.
--------------
Kinaumagahan pagbaba ko nasa living room sina Maeve at Savanna. Wait? Andito sila? Why?

The Girl Who Caught My Attention (Darren Espanto)Where stories live. Discover now