Devonne POV's
Pagpasok ko kung saan ginaganap ang archery ay nakita kong nagsisimula na sila mukhang kami na nga lang ang hinihintay, tsk. Bakit ba nagmamadali tong mga toh, masyado silang excited sa game. Ni wala pa ngang one o'clock ehh?
"The heck, Devonne Takashi! We've been looking you and Ace everywhere?! Saan ba kasi kaso nagsusuot muntik na kayong ma-disqualified. Kung hindi lang may shares sila Ace dito ehh." El said. Tsk, so what? I-disqualified nila ako, edi sige.
Nakita ko namang pinagtitiginan na kami ng mga tao pero hindi ko pinansin, naramdaman ko namang meron na si Ace sa likod ko. Tsk, Kung bakit kasi ang bagal-bagal magdrive.
"Tsk, tanungin niyo diyan sa taong nasa likod ko. Ang bagal kasing magdrive."
"What the?! Bakit ako? Kasalanan ko bang iniingatan ko yung sasakyan ko." Ace
"Tsk, stupid. Mas lalong mapupuruhan sasakyan mo kung mabagal ka, dahil matatamaan din ng bala yang pinakamamahal mong sasakyan." I plainly said to him. Bakit? Totoo naman ahh. Hindi ako tanga na katulad niya na
"Hep, hep." Singit naman ni el sa amin. At itong si Xander, sinundan ng walang katuwiran na salita. "hooray!!" Xander. Oh diba? Walang pupuntahan mga sinasabi Neto ehh.
Kaya ayan nakatikim ng maraming batok mula kila El. " Pasabat-sabat ka diyan. Hindi pa ako Tapos sa sinasabi ko ehh!" El.
"Tsk, oo na. Ang sakit nun ahh. Grabe kayo ang hard niyo sakin." With matching teary eyed pa Yan. Tsk.
"Yuck, mandiri ka nga! By the way, dev at Ace kanina pa kayo hinihintay kaya go na! Punta na sa field at ilampaso sila. Dejoke." Sabi ni Alex, ilampaso talaga ehh?
Dahil sa mga naiinip na yung mga tao. Pumunta na kami sa field at inumpisahan na yung laro. Tsk, mukhang hindi na ako maboboring dito may thrill na ehh. Kung ano-ano kasing nalalaman ng head netong event na toh ehh. Bakit hindi daw lagyan ng thrill. Tsk, ganda nila itapon ehh.
I guess kami ng mga taga grey ang maglalaban, while ang royale ay finals na. Tsk, dapat yun nalang nabunot namin ehh. Si Ace kasi ang bumunot malas si Ace, bakit siya pa kasi ako nalang sana edi waiting na sana kami.
"Ready to loose, Moore?" Saad nung isang player, loose niya mukha niya. Akala mo naman napakagaling. As if kaya niya kami?
"Tsk, shut your mouth and aim the target, your waisting our time. Remember what you said? Ready to loose, Grey?" At talagang ginaya pa netong Ace nato yung sinabi nung taga grey.
"Whatever. Kami ang mananalo dito tandaan niyo." Sabi nila.
"Yeah, yeah. Whatever, continue your fucking game. Ang bagal ehh." Sabi ko, nakakainis ehh pinapatagal pa yung laro. Wala namang rules na bawal magmura, basta sundin mo lang Kung ano ang sasabihin ng mga judge or whatever.
At dahil dun pumunta na siya sa gitna at patatamaan na sana yung target kaso may biglang lumitaw na mga nakaharang sa target merong mga Kung ano-anong nakaharang dun, meron ding naghahagis ng mga shurikens, kunai, daggers, at iba pa. Tsk, interesting huh? Mas lalo akong naeexcite.
Hindi maka-focus ang taga grey kaya hindi niya patamaan ang target, tsk. May natitira pa naman siyang Isa. Walang sinusunod na rules ang mga school dito kaya sila palang ang gumagawa ng mga sarili nilang laro.
Nang tapos na yung taga grey si Ace naman na ang susunod. Kayang-kaya niya Yan, ang score ng kabilang team ay 0-7-8-8-6. Nakapunto sila pero kulag said focus at kinakabahan sila. Tsk, hindi ba nila alam na illusion lang yun? Nako naman. Hindi lang naman pagalingan ang mga laro dito ehh, kung matalino ka matutukoy mo talaga kung anong pakay nila.
Nagsimula na siya kaya't meron nanaman yung mga harang sa target niya. Nakita ko namang focus siya sa target kaya talagang matatamaan niya Yan. Nang nirelease niya na yung arrow. Tumama Ito sa target at yes, he got perfect 10. Nice, magaling.
Isa nalang arrow ni Ace, kanina yung mga tama niya ay puro 10 pero may isang 9 kaya okay na yun. Nag-focus siya sa target at walang pakielam sa mga lumilipad sa gilid niya na mga iba't-ibang patalim. Nang nirelease niya nato ay boom sapul. Bull's eye.
Humarap naman siya sakin ng mga ngiting tagumpay, at tumango lang ako. Asa Kung ngingitian ko siya ng pabalik. Meron pa ako kaya wag siyang magpakampante na parang siya ang nagpanalo sa laban, tsk.
----
(Fast forward)Well, finals na. At nasa kalagitnaan na kami ng laro. Ako na ngayon ang maglalaro. Dahil tapos na ang kalaban. Ang mga taga royale, may Isa pang arrow sakanila para sa last shot ng game at dito na din malalaman Kung sino panalo. Ang score nila ay, 8-8-9-9-10, 9-9-7-8-10.
Magagaling sila, mahusay. Pero walang makakatalo sa amin. Sisiguraduhin kong mananalo kami. Ang score naman ni Ace ay, 10-10-9-8-8, hindi ko alam kung Anong nangyari jan sa bandang huli at kung bakit pababa na yung score niya. Tsk
Nag-focus na ako sa target at hinayaan ang mga bwisit na lumilipad na iba't-ibang patalim papaunta said direksyon ko. Nirelease ko na at boom, bull's eye. Told yah, paulit-ulit lang ang ginawa ko at ngayon last ko na, maliban dun sa Isa pang arrow. Nirelease ko ito, hindi bull's eye pero 10 parin Ito kaya nadagdagan ang score namin ng dalawa pang puntos.
Lamang kami ng sampu sa kanila kaya malalaman mo na agad sa mga scores namin Kung sino na ang panalo kahit magscore pa sila ng 10. Nauna kami sa last shot nga Arrow. At ako na naglaro, tsk Malay ko ba Kay Ace ayaw niya maglaro ehh. Nirelease ko na ang target at ayun bull's eye. Wala akong magagawa ehh. Dahil dun 107 na ang score namin. Kaya kami na ang idineklara na panalo.
Ang last shot kasi nila ay bull's eye rin, pero hindi parin yun nagpalamang sa score namin. Well I guess I was right, hinding-hindi talaga kami matatalo dito. Nakita ko naman yung nga kaibigan ko na papunta at may mga ngiti sa labi. Masaya sila para sa amin. Haist, buti binigyan ako ng ganitong mga kaibigan idagdag mo na din sila Ace. Sana ganito nalang lagi.
"Well congrats, we win! Sorry kanina, hindi ganun kaganda score katulad nung unang laban. Nawalan lang kasi ako ng focus at concentrate. Sorry, dev." Ace said, sus tinatamad ka lang kamo.
"Tsk, it's okay. At least we win? So congrats to the both of us." I said.
"Wahh!! Dev, congrats." Tsk, hulaan niyo alam niyo na pag maingay? Si Xander diba?
"Devonne!! Libre mo kami nanalo kayo, congrats." Alex, Isa din toh ehh.
"Yow, dude. Congrats, pakain naman kayo ni dev." Ty said.
"Kayanga, dude. Bar tayo maya." Zaiden. Dahil sa sinabi niya binatukan siya nila Ace.
"Mukha mo, mga babae lang naman habol mo dun." Jake said. "Nga pala, congrats." At ngumiti siya onti sa amin.
"Wahh! Ang sasama niyo! Ang sakit ng mga batok niyo ehh, isama niyo pa si Xander at Chase." Zaiden said, habang naka-pout. Mukha Neto parang Pato.
"Tse! Mukha mo mukhang pato." Dree said.
"Sus, Sabihin mo na napopogian ka lang sakin. Yiee, pogi daw ako." Haha, may namamagitan sa dalawang toh ahh?
"Tsk, whatever. Pogi mo mukha mo! Mukha ka namang unggoy." Dree "Ouch, ang harsh mo naman babe." Zaiden.
Ayan napuno na ng mga pantutukso Kay dree. Haha, at si dree naman pulang-pula na, hindi mo Alam Kung dahil sa inis o sa sinabi ni zaiden ehh.
"Hey, congrats." Ava.
"Kayanga, congrats cous." El said. Alam na din ng tropa na magpinsan kami, pero wala silang alam sa akin. Tanging ang Alam lang Nila ay pinsan ko si Eloise.
-----
Hello guys! Lame po ba? Sorry sa late update. Babawi po si Author sa mga susunod na araw, by the way happy 20k reads!! Mahal niyo talaga si author ehh. Thank you po sa mga sumusuporta sa story ko kahit matagal akong mag-UD. Thank you po ulit. Lovelots. 😘💕🎉
~MissIce_
BINABASA MO ANG
The Nerd's Secret (REVISING)
ActionDevonne Takashi, a nerd in a prestigious elite school. "Wanna know my secrets? Go on and see it to yourself. But make sure you'll keep it as a secret too." - Devonne Find out and explore the story of a nerd, Devonne Takashi. ----- Highest rank ach...