Chaper 30

44.6K 1K 25
                                    

Devonne POV's

Geeze, bakit ba kasi ako napapayag netong lalaki nato? Nandito kami ngayon sa may hallway ng school nagalalakad pinagtitiginan na nga kami ehh, yung mga bwisit na mga babae ang sama ng tingin sakin.

Kung nakakamatay lang yan kanina pa siguro ako namatay noh? "Tsk, saan ba kasi tayo pupunta? Pwede namang sa cafeteria nalang tayo." I said.

"Nah, maraming tao dun. Ang iingay nila nakakarindi." Ace said. Tsk, nga naman. Baka matuluyan ko na yung mga studyante dun pag hindi sila nanahimik.

Nang nasa may parking lot na kami. Pinasakay niya ako sa sasakyan niya. Tsk, napaka gentleman naman nito. Geeze, ngayon lang toh. Pagkatapos nito dapat back to normal na ulit.

Pumasok na din siya at pinaandar na yung sasakyan niya, nadaanan namin yung guard. At sinenyasan niya lang toh, ano pa nga bang alam ko? Eh sa Isa sila sa may shares netong school na toh ehh.

Wala pang sampung minuto nakarating na kami sa destinsyon namin, nakita ko na tong restaurant nato. Isa ito sa mga pinakasikat na restaurant dito. Tsk, andami namang pwedeng pagkaianan dito pa.

"Yah, andaming pwedeng pagkainan dito pa?"

"Tsk, tumahimik ka nalang at pumili na ng pagkain." Aba't ganda ng sagot ahh. High blood ang Lolo niyo.

Dahil sa masunurin ako ngayon, sinunod ko naman siya at nag order na ng pagkain na gusto ko. Alam namang orderin ko gusto niya? Tsk.

Nang makaorder na kami walang umimik ni isa. Wow, ang awkward ah? Siya tong nag-aya ehh. "A-ah, congrats nga pala kanina. And thank you." He said. Ganun? Wala yun nukaba. Wala na bang ibang sasabihin?

"Tsk, it's nothing. And welcome." Ehh sa wala akong masabi ehh. Alangan namang ikwento ko mga kabaliwan ng mga unggoy kong kaibigan. Habang naghihintay kami naramdaman ko namang nag-vibrate ang cellphone ko.

Tinignan ko kung sino ang nagtext nakita kong ang mga bruhilda lang naman. Anong problema nang mga toh? Istorbo. Wait? Istorbo daw?  Erase, wala akong sinabi.

From: Beautiful Cousin

Hoy babae! Nasan ka nanaman ba nagsusuot at hindi ka namin mahanap!? Lunch na teh, baka nakalimutan mong may Laban ka pa.

Oh, diba ganda ng bungad niya ehh. For your information lang, hindi ako ang naglagay ng pangalan sa cellphone ko. Dahil sa may pagkalahing magnanakaw ang pinsan Kong si El ayan, pinalitan lang pala yung pangalan niya sa contacts.

Hindi ko na siya sinagot at tinuon nalang ang tingin sa paparating ng order namin. Bahala sila dun magwala. Alam naman nilang marunong akong tumupad sa usapan.

"By the way, good luck mamaya sa game ulit natin." Well yeah, good luck nalang sa mga kalaban namin.

Nang dumating na ang order namin ay kumain na din kami, ehh sa gutom kami ehh. Ikaw ba naman sunod-sunod laro mo, hindi ka ba magugutom. Tsk, Meron pa akong laro pagkatapos ng Archery.

Ang akward, geeze ano ba naman tong atmosphere dito. Walang umiimik. "So, kumusta?" Ace, buti naman nagsalita toh akala ko wala na ehh.

"Tsk, wala okay lang." I plainly said, totoo naman ehh. Okay lang diba?

"Okay." He said. Okay lang? Ganun? Haba din ng sinabi ko ahh. Ganda ng sagot ehh.

Nang matapos na kami, umalis na kami sa restaurant na yun at pumunta na sa school.  Pero mukhang may hindi inaasahang mangyayari ahh? May nakita akong sumusunod sa amin na sasakyan na itim. Tsk, sino naman kaya tong mga toh?

Wala lang siguro baka naman nagkataon lang. Pero habang tumatagal nakasunod parin Ito. Hindi namang pwedeng parehas kami ng pinupuntahan dahil iba ang way ng papunta sa school dahil medyo malayo Ito sa mga lungsod.

Nang nasigurado ko ngang sumunod ito, nakita kong pabilis ng pabilis ang sasakyan niya at hanggang sa tinapat niya ang sasakyan niya sa amin. Shit!

"Ace dapa! Dali!"

"Shit, devonne. Ano bang problema mo nagmamaneho ako!?" He said, aba't akala ko ba matalino tong lalaking to? Hindi man lang napansin yung sasakyan na nakasunod samin.

"The hell Zachary Ace?! For Pete's sake! May sumusunod sa atin na sasakyan at muntik na tayong nadali dun! Kaya bilisin mo na mag-drive, para makarating tayo sa school." Tsk, geeze ang haba ng sinabi ko ahh? Bwisit kasi tong lalaki na toh ehh.

Nakita ko namang nakasunod parin yung sasakyan sa amin, kaya sinabi Kong mag-palit nalang kami. Ako ang magda-drive at siya ang titingin sa sasakyan.

"Geeze, umalis ka Jan! Ako na ang magda-drive, ang bagal mo. Maabutan tayo dahil sa kabagalan mo ehh." I said.

"Wow? Mabagal na ba sayo yung 100 na speed natin?!" Ace.

"Oo! Kaya lumayas ka na Jan!" Bwisit na lalaking to. Kasalanan niya toh ehh.

Dahil sa kakulitan ko nagpalit din kami sa wakas ng posisyon ako naman ang magda-drive ngayon at siya taga tingin sa sasakyan. Binilisan ko pa lalo ang speed ng sasakyan no ace, tsk sorry nalang sakanya mukhang mapupuruan to.

"Shit! Devonne! Sasakyan ko, dahan-dahan lang. Kawawa na!" Tsk, ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan ko ahh?

"Tsk, shut up! Wala kang naitutulong." I said to him.

Paulit-ulit ko pa siyang narinig na nagmumura. Tsk, wala siyang magagawa. Nasa panganib kami, at hindi pwedeng lumaban ng basta-basta may mga armas sila at delikado.

Nakita Kong may eskinita sa dadaanan namin at one way lang to, kaya pinasok ko ito para maligaw yung bwisit na humahabol samin. Nadaanan ko naman na Ito dati kaya walang problema sa mga dadaanan.

Nakita ko namang wala na yung sumusunod samin kaya nakahinga ako ng maluwag. Tsk, ano naman kaya ang habol ng mga yun? Nakapagtataka. Lumiko na ako at saktong paglabas ay yung school na. Tsk, shortcut ko toh kaya madali akong nakakapasok lagi sa school.

"The heck, nerd! Papatayin mo ba ako?! Never na kitang pagdradrivin!" Aba't talaga asa ka naman kung magdrive ulit ako sayo.

"Tsk." Yan nalang ang nasabi ko sakanya at lumabas na sa driver seat. Nandito na kami sa school, tinignan ko ang yung oras. At shoot! Late na kami sa Laban. Tinignan ko naman ang phone ko at ang daming missed calls at text nila El.

Ganun na ba ako ka-focus mag-drive kanina? Geeze, bwisit na sasakyan yun!

-----
To be continued.

Annyeong guys! Sorry po sa late update, natamaan si author ng Writer's Block na sakit, haha. Wala talagang maiisip si author sa onting moment nila Ace at Devonne ehh, hindi naman po ako mahilig sa sweet/cheesey moments. Kaya sorry po sa mga naghihintay ahh? Yun lang po sana po magustuhan niyo. ~MissIce_

The Nerd's Secret (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon