Devonne POV'S
Nasaan na sila? Onti nalang ang natitira sa oras ko. Kapag hindi pumunta yung mga yun, papasabugin ko na talaga mga kuta nila.
"Ano susuko ka na ba? Wala talaga kayong pinagkaiba ng mga tauhan mo. Pamilya niyo lang pala ang katapat.", Saad niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Tinignan ko ang lagay nilang lahat. Bugbog sarado na sila. May mga galos na rin sila.
"Anong kaguluhan nanaman etong sinapit mo, Seth?!", Saad ng isang tao.
"Wala naman, bakit ayaw mo bang gantihan ang puno't dulo ng pagkamatay ng anak mo?! Diba siya ang may kasalanan, Sila?!", Saad ng halimaw na tohh.
"Oo sila nga. Pero anong ginawa mo?! Nilagay mo sa kababuyan ang Mafia. Hindi kailanman naging ganito ang Mafia. Gusto ko ng maayos at matiwasay na pamumuno. Mali palang ipinasa ko sayo eto.", Saad niya.
"Maling-mali. Hindi mo alam kung anong nangyayari simula palang, David.", saad ni lolo.
"Ano namang ibig mong sabihin, Vince? Hindi ba ang anak mo ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko?! Kasama ng walang kwentang anak nila? Wala man lang siyang nagawang maganda. Hindi man lang makisama sa Mafia.", Saad ni David Moore.
"Yaan ang maling pagkakamali mo. Hindi mo pinakinggan ang side niya. Sana man lang inintindi mo ng mamulat ka sa katotohanan. Pero ano?! Nagpakabulag ka. Alam mong mangyayari itong War na toh. Pero anong ginawa mo?! Pinabayaan mo! Hindi ko akalaing ganito ang gagawin mo sa ipinamana ni Tito sayo.", Saad ni lolo.
"So it's a reunion then? Nice.", saad ni seth sabay tutok ng baril kay David Moore.
"Let me tell you a story, David Moore. Hindi mo ako nakikilala? Hindi ba't ang pumatay sa anak mo at ako ay iisa lang? Seth. SETH! Yan ang pangalan ng pumatay sa anak mo! Dapat lang sakanya yun, alam mo kung bakit? Dahil pinatay niya ang mga magulang ko!!! Wala siyang awa. Nakita ko yun sa dalawang mata ko!", Saad niya sabay tutok ng baril Kay Tanda.
"Ikaw! Kasama ang apo! Uubusin ko lahat ng lahi niyo!", Kinasa na niya ang baril niya na nakatutok kay tanda. Kaso bago niya pa ito maputok, inunahan ko na siya. Sinipa ko ang baril na hawak niya, tutal ako ang mas malapit sakanya.
"You brat! Namumuro ka na sakin! Wala kang pinagkaiba sa tatay mo!", Saad niya sakin. Malamang Wala talaga, tatay ko eh.
Pinulot niya ang baril niya kanina, tinutok niya ito kay Lolo. Hindi! Subukan niya lang makakatikim talaga sakin ng sapak yang halimaw na Yan.
"Sige! Gawin mo ulit! Papasabugin ko na talaga ulo netong taong tohh!", Saad niya.
"Seth! Tumigil ka na sa kahibangan mong toh! Punong-puno kana sa paghihiganti?! Kailan ka ba titigil? Hindi paba sapat na pinatay mo ang anak ko?!!", Saad niya Tanda.
"Hindi pa. Hanggat Hindi nauubos ang angkan niyo.", Saad niya. Sabay lipat ng baril kay tanda. Habang nakatingin ako sa lugar kung saan inaasahan kong dadating na ang hinihintay ko, may narinig akong putok ng baril. Nilingon ko ito, nagulat ako ng nakita ko si lolo sa harapan ni Seth, at hindi si Tanda. Hindi, hindi siya ang nakikita ko! Hindi maari tohh, hindi ba nakatutok ito kay tanda paanong napunta siya diyan.
Dali-dali akong tumakbo sa harapan niya, hindi ko na pinansin ang walanghiyang pagtawa na malademonyo ni Seth. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon si lolo. "Lo, b-bakit? Ano t-toh? Bakit ka nakahiga diyan!", Saad ko sakanya habang ipinatong siya sa may binti ko. Tinignan ko ang Moore, nakatingin lang ito kay lolo at hindi makapaniwala sa nangyari.
"A-apo, alagaan mo ang sarili mo ahh? M-maging isang mabuting pinuno ka. Wag mong ilagay sa kapahamakan ang inalagaan ng pamilya natin ilang taon na ang nakalipas. Maging m-matatag ka, g-gawin mo lahat ng makakaya mo. I-iwaksi mo lahat ng sakit na naranasan mo. Gusto ko na ding magpahinga ng m-makikita ko na din ang Lola, ang mommy mo at daddy mo.", Saad niya habang nakangiti sa akin. Kahit na nahihirapan na siya nakangiti parin siya.
"Lola? A-anong nangyari s-sakanya?", Saad ko sakanya habang nanginginig na sa iyak at hina.
"P-patawad h-hindi ko agad nasabi sayo. Natamaan s-siya ng bala kanina apo, a-ako dapat ang matatamaan k-kaso sinalo niya ito. H-hindi ko man lang siya nagawang protektahan. Pero at least n-ngayon m-makakasama ko na ulit siya.", Saad niya habang nakangiti parin.
"How sweet, paano ba yan Devonne? Ikaw nalang natitira sa angkan niyo, ikaw na ba ang isusunod ko?", Saad niya habang tutok ng baril sa akin. Sige lang itutok mo, hintayin mong ako mismo ang gagawa niyan.
"B-bakit Vince? A-ang dami ko ng n-nagawang masama, bakit mo parin ginagawa tohh?", Saad ni Tanda. Buhay pa pala siya?
"I guess I was born to be your Knight in Shining Armor. Hahaha, i-ilang b-beses na ba kita naligtas? H-hanggang pagtanda p-parin pala natin. H-hindi s-siguro kita matiis k-kaya hanggang ngayon ako p-parin tagapagligtas m-mo. Gusto ko na t-talagang matulog David, alagaan mo ang Apo natin. P-patawarin mo na s-siya, w-wala siyang k-kasalanan at a-alam mo sa s-sarili mo kung sino talaga ang m-may kasalanan.", Saad ni lolo. Nakatingin lang ako sakanya ngayon, hinawakan niya ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin.
"Goodbye for now, Apo. See you soon, wag muna ngayon ahh? Marami ka pang kailangangawin. Gusto ko makita pa kitang ikasal at makita ang magiging apo namin ng lolo David mo. I love you so much, Apo.", saad niya at dahan-dahang pumikit na.
"No! Lolo! Bakit niyo ko iniwan? Kayo nalang ang natitira sa akin, iiwan niyo pa ako?! Lo, gumising ka please! Lolo!"
"Hahahaha, how sad. Masarap ba mamatayan, devonne?!! Ano gusto mo na bang sumunod?!", hindi ko siya pinakinggan. Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon lungkot at galit, gusto kong pumatay ng taong makasalanan ngayon!
Hindi ako nagdalawang isip na barilin siya, bigla kong hinugot ang baril na nakatago sa may hita ko at pinapatukan sa paa at kamay si Seth. Nang mabitawan niya ang baril, sinipa ko ito palayo sakanya. "Alam mo bang gusto kong patayan ka ngayon?! Pero ayaw ko, ayaw kong maging katulad mo na walang awang pumatay sa walang kasalan sayo!!", Sigaw ko sakanya.
"Hah! Akala mo kung sinong santo ka! Ako lang ba? Hindi ba't pati ikaw? Mamatay tao karin!", Alam ko sa sarili ko at kila eloise na nakikinig ngayon na tama ang sinabi niya. Pero hindi yun matutumbasan ng pagwala ng galit ko sakanya.
"Ikaw! Pati mga inosente dinadamay mo! Hindi ba't pati sarili mong anak at asawa napatay mo dahil lang kadahilanan na ayaw mong nakikielam sa ginagawa mo?! Wala kang awa! Ngayon sino ang mas demonyo sa atin? HAH?!", Saad ko sakanya. Nakita ko namang natahimik siya, so tama nga ako. Wala talagang awa ang taong tohh.
"Ikaw! Papatayin talaga kita!!!", bago pa siya makalapit sa akin, biglang bumulagta ang katawan niya sa lupa.
"Tsk, ikaw ang dapat mamatay. Walanghiya ka talaga! Ang kapal ng mukha mong gamitin ang Crimson Mafia?!", saad ng isang tao na kilalang-kilala ko.
Tsk, Lucifer Moore.
---
Lahh, epilogue na? Matatapos naba ako? Ang bilis ng panahon, hindi ko akalaing matatapos ko ito. Kung hindi dahil sainyo mga mahal kong readers hindi ko ito matatapos, mga nangkukulit o nagcocomment na 'author please update na'. Wahh! Kaiyak, maraming-maraming salamat po sa walang sawang pagsusuporta sa story ko po. Mahal na mahal kayo ni Author, Iceters (readers). 😍😘💕💕
MissIce_
BINABASA MO ANG
The Nerd's Secret (REVISING)
AçãoDevonne Takashi, a nerd in a prestigious elite school. "Wanna know my secrets? Go on and see it to yourself. But make sure you'll keep it as a secret too." - Devonne Find out and explore the story of a nerd, Devonne Takashi. ----- Highest rank ach...