Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakamove on sa dare na nabunot ko.
Tinitigan ko pa rin ito ng maigi na para bang may inaasahan akong himala na mangyayariHuhuhu, sabi ko na nga ba hindi magandang ediya to eh! Pwede pa ba magback out kyah?
Gusto ko sanang umapela pero tumayo na siya at pasimple pang humikab, "Paano ba yan? Goodluck" pasimple niyang sabi pero ramdam na ramdam ko na may halo itong pang-aasar
Ngayon ko napatunayan na kilalang-kilala niya ako. Alam niya ang kahinaan ko at alam niya yung mga bagay na hindi ko gustong gawin kahit hindi ko iyon sinasabi or pinapakita sa kaniya
Very wrong ka sa ediyang ito Ericka!
Pakiramdam ko ay ako ang mapaglalaruan sa larong ako mismo ang nakaisip
"Alam mong hindi ako gaanong nagluluto diba?" pasimpleng pag-apila ko
Agad naman siyang tumango pagkatapos niyang maupo sa harap ng monitor niya
"Alam mo naman pala! Ba't sinali mo 'to sa dare? Gusto mo bang malason, i mean nakakatamad ang dare na 'to" nakangusong sabi ko, altough alam ko naman na hindi ko hahayaan na malason siya sa lulutuin ko kaso ayern nga
Hindi ako marunong magluto!
Hindi ko naman totally ininform yun sa kaniya pero alam ko na aware siya na hindi ko talaga linya ang magluto
Nagtry naman akong magluto-luto sa bahay, minsan nga nanunuod pa ako sa mga youtube kaso waley talaga be!
Hindi ko talaga siya forte!
Tagakain lang yata talaga ang purpose ko sa buhay.
"Talagang naglagay ka pa talaga ng mga specific na pagkain na gusto mo ha? Kare-Kare! Lechong paksiw! Kaldereta!"
Huhuhuhu. Paano ko naman 'to lulutuin ha?
Gusto ko sanang idugtong pero hindi ko na itinuloy dahil ayokong mapahiya sa kaniya. Ayokong malaman niya na sa tinagal-tagal ng buhay ko dito sa Earth e hanggang ngayon di pa rin ako marunong magluto
Huhuhu. Baka ito pa ang maging cause na mafriendzone ako! Waaaaah! Wag naman sana!
"Ohm? Bakit nakatulala ka diyan?" di ko alam kung nagmamaang-maangan ba siya ngayon or nang-aasar
Pero sure ako mas lamang yung nang-aasar siya. Tsk
"Umuwi kana at iprepare yang mga menu na yan" hindi na nakatingin sa akin na sabi niya "Sarapan mo magluto ha, iyan nalang ang kakainin kong lunch bukas"
Lalo tuloy akong napressure sa sinabi niya
Bwesit naman!
Napauwi tuloy akong laglag ang mga balikat at tila pinagsasakluban ng langit at lupa
Napakasama talaga nya. Huhuh
Hindi ko talaga lubos maisip kung paano ko iluluto yung mga putaheng gusto nya. Iniisip ko na magsearch nalang ulit sa youtube kaso tila wala talaga na akong tiwala sa skill ko sa pagluluto
Feeling ko kasi ay talent din yun at sa kasamaang palad is wala akong talent dun inshort, pakiramdam ko kahit anong gawin ko is hindi talaga masarap ang luto ko
Huhuhu. Wala na yata akong pag-asa! Dapat siguro tanggapin ko na lang na hanggang magbestfriend lang talaga kami. Huwag na akong umasa na may ililevel up pa iyon! Huhuh
Pagdating sa bahay ay halos walang lakas akong napaupo sa upuan namin sabay tawag kay Mother rainbow
"Mama huhuhuh"
YOU ARE READING
Game of Love
Short StoryDahil sa kadesperadahan ni Ericka na mapansin sya ng bestfriend nyang si Leo kaya naisip nya na ayain ito na maglaro ng Dare Game. Pero saan nga ba pupunta ang larong inumpisahan nila? Mafall kaya ang kababata nya sa kanya o sa dulo ay aasa pa rin s...