Prologue

52 8 3
                                    

Tip Tip Tip [Keyboard typing]

Tiktok tiktok [Sounds of clock]

"Woy Leo"

Hindi siya sumagot. Nakaharap pa din siya sa monitor ng computer niya habang patuloy na nagtatype. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero for sure reporting na naman iyon sa school

Tsk! Sana all masipag mag-aral!

"Leo, pansinin mo naman ako" aniya ko habang nakahiga sa malambot niyang kama

Actually nasa kwarto niya kasi ako. Wala kasi kaming klase ngayon kaya naisipan kong tumambay nalang muna sa kanila

Leo is my bestfriend slash secret crush. Hihihi. Actually my parents know how much I like him and wala naman silang tutol sa binata dahil kilala na nila ito at alam nila na mapagkakatiwalaan naman ito

Unlike any other guy kasi, Leo is such a responsible guy. Siya yung tipo ng lalaki na matatawag mong boyfriend material

Matalino, magalang, responsable, mabait at higit sa lahat may pangarap at dereksyon sa buhay

Hindi siya yung lalaking mahilig bumarkada, hindi din siya party goers at mas lalong hindi siya yung tipo na nasusuong sa gulo

Nako sinasabi ko sa inyo! He is perfect!

"Icka, sabi ko naman kasi sayo may ginagawa ako" mahinahon niyang saad habang patuloy pa rin ang pagtipa sa keyboard

"Alam ko na busy ka kaso naboboring na ako" parang bata na namaktol ko habang nakahilata pa rin sa kama niya at nakatingin sa kaniya

Shemay! Kahit likod lang niya ang nakikita ko e nagagwapuhan pa din ako sa kaniya. Hehehe

"Ano bang gusto mo?" bigla siyang huminto sa pagtipa at binalingan ako ng tingin

Nagtama pa ang mga mata namin dahilan para magwala ang puso ko.

Wahh! Ang gwapo talaga ng bestfriend ko! Enebe!

Ngumiti ako sabay bumangon na mula sa pagkakahiga ko "Laro tayo"

Nakita ko pang nagsalubong ang mga kilay niya pero hindi naman siya nagsalita na ibig sabihin ay hinihintay niya din kung anong laro ang lalaruin namin

"Nakita ko 'to sa facebook e. Feeling ko exciting 'tong laruin" pauna kong salita sabay nag-indian sit, "They called it DARE GAME"

"Dare game? From the word dare it means uutusan natin ang isa't-isa. Anong exciting doon?"

"Iyon nga yung exciting doon e. Kasi since kilala natin ang isa't-isa syempre yung mga ayaw natin yung ipapagawa natin sa isa't-isa. Hehe unang mapikon talo!"

Napapokerface siya sa sinabi ko, "Ganiyan ka na ba talaga kaburyo sa buhay mo?"

Ngumuso ako sabay ngisi sa kaniya "Oo, di kasi ako kasing busy mo e. Oh ano game ka?"

"Sige. Ngayong araw lang yan diba?"

"Nope!"

"Ha?"

"It was a 7 months dare. We have a 10 dare para sa bawat isa and then kada 1 week ang bunutan. Inshort 1 week per dare. Gets?"

Tuluyan ng nagsalubong ang mga kilay niya

Erk! Bakit ang gwapo niya pa rin? Hahaha

"Ano? Atras kana?"

"Lol" wika niya sabay tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa harap ng monitor, "Lets start?"

"Good!" pagkasabi ko noon ay dali-dali kong kinuha ang backpack ko. Nilabas ko yung box na ginawa ko at nilabas ko din yung mga ginupit kong papel at dalawang ballpen

Binigay ko sa kaniya yung sampung piraso ng papel at ballpen

"Hindi ka naman masyadong prepared" maang niya habang kinukuha ang mga papel

"Syempre! Ako pa ba?" natatawa kong sabi habang nginingisihan siya

"Dapat na ba akong kabahan?"

"Dapat lang pero wala ng ayawan. Hahaha pumayag kana e"

"Hindi mo naman siguro ako pakakainin ng ipis diba?" alanganin aniya nito habang nakatitig sa akin

Bahagya ko pang nilagay sa pisngi ko yung ballpen na hawak ko at kunway may iniisip ako, "Pag iisipan ko"

"Icka!"

"Hahahaha oo na? Hindi ko na isasali yun! Hahaha masyado kang kabado e"

"Umayos ka"

"Nakaayos na po ako Master"

Nasmirk nalang siya at nagpatuloy na sa pagsusulat. Hehehe

Nag-umpisa na din akong magsulat. Hihihihi. This is it!

Ericka's 101 Evils Plan

[Be my boyfriend]

Game of LoveWhere stories live. Discover now