Part 6-Groupings

44 6 6
                                    

"Hay sa wakas break time na din!" sigaw ni Mina nang marinig naming magbell. Halos hindi ko nga napansin na ilang oras na pala ang lumipas

Sobrang nafocus kasi ako sa pagsagot sa mga exam namin. Finals na kasi namin for 3rd quarter kaya itey, medyo seryo-seryosohan muna ako konti

"Ano kayang ginagawa ni Leo?" di ko maiwasang hindi maitanong sa sarili ko. After kasi nung lumabas kami ay halos di na kami nagkausap

Naging busy kasi siya sa reporting at pinadala pa siya sa school competition kaya ayern, wae talaga kami nagkikita. Haist! pero okay lang. Understandable naman yung mga reason hihihi

Tinignan ko yung phone ko, nagbabakasakali na nagreply si Leo sa mga text ko although parang suntok sa buwan yun kasi sa tinagal-tagal naming magkaibigan halos bilang ko lang sa kamay ko yung time na nireplyan niya ako

Yun pa yung mga time na urgent lang and importante yung reply niya. Haist. Napakafamous! Hahahaha

"Kasali ba si Leo sa competition sa Tacloban?" tanong ni Mina habang sabay kaming naglalakad papunta sa canteen

Tumango ako bilang sagot

"Kaya naman pala nandidito ka" natatawang tudyo niya sa akin na ikinamaang ko

Lah!

Lagi naman akong nandidito ah?

"Pre! Yung crush mo!"

Naagaw pareho ang atensyon namin ni Mina ng may mga lalaking bigla nalang nagharutan sa di kalayuan sa amin

Eh?

"Tol! Tumingin dito!" aniya pa nung isa habang pilit na kinukuha yung atensyon ng isa pang lalaki na mukhang may pinagkakaabalahan sa cellphone niya

Dahil sa pangungulit ng dalawang binata na nakapalibot sa kaniya ay inangat din niya ang tingin niya at salubong ang kilay na nagtama ang mga mata namin

hmm?

Matagal na akong nag-aaral sa school na ito pero parang ngayon ko lang siya nakita dito

"Mina mukhang sayo nagpapansin yung mga lalaki" seryosong aniya ko kay Mina nong nagpatuloy na kami sa paglalakad

"Anong sakin? Parang sayo kaya nakatingin" aniya naman nito na dinideny pa yung katotohanang siya yung reason ng commotion kanina

Hello!

Hindi ko man naichika sa inyo pero famous din itong si Mina dito sa school namin. One of the cheerleader siya dito samin. Hindi ko nga maintindihan bakit napapalibutan ako ng mga famous ahaha tapos ako heto ms.unknown lang. Kaloka!

Anyway, ayon nga, pagdating namin sa canteen ay bumili na agad kami ng makakain. Ramdam na ramdam ko pa naman ang gutom ngayon kasi nga nag-exam kami. Feeling ko kinuha non lahat ng enerhiya na meron ako. Wahahaha

"Mga 5 days pa si Leo sa Tacloban, buti di mo naisipang sundan siya sa Tacloban" natatawang wika ni Mina habang inaasar ako

"Kung di lang natin exam baka nga naisipan ko na siyang sundan" pagsakay ko sa biro nya although napakalabong gawin ko yun

Kilala ko si Leo e. Kahit puntahan ko siya don alam kung hindi din kami makakapagbonding. Baka nga iwanan niya lang din akong mag-isa don kasi busy siya sa mga activity.

"Pero maiba ako" biglang nag-iba ng posisyon si Mina at bahagyang lumapit sa akin

"Ano?" nawewerduhan na tanong ko

"Kilala mo ba yung mga lalaking nakita natin kanina?"

Mabilis akong umiling sa tanong nito

Game of LoveWhere stories live. Discover now