"Ay shet! Anong nangyare sa mukha mo Ericka?" gulat na gulat pa na tanong ni Amina ng maabutan niya akong nakapangalumbaba sa pwesto ko
Maaga akong pumasok kasi hindi naman ako nakatulog.
Tinignan ko siya
Hindi ko alam kung concern siya or amaze na amaze sa itsura ko. Nanlalaki pa kasi ang mga mata niya tapos maya-maya ay napabulahaw siya ng tawa
"Putspa! Para kang zombie te!"
Sumimangot ako
Wow Frenny! Ang laki mo pong tulong!
"Oh ano nga? Anong problema na naman natin? Nagbreak na ba kayo ng ka MU mo?" tawang-tawa na sabi niya bago naupo sa tabi ko
Alam niya kasi ang feelings ko about Leo. Kilala niya din si Leo dahil nga madalas akong sunduin nito sa room
"Mas masakit pa sa break up" walang kagana-gana na sabi ko
Napamaang pa siya sa sinabi ko, "So may mas isasakit pa pala sa break up?" Medyo bitter niyang sabi
Tumango na lang ako kaya tinitigan niya ako na para bang hinihintay kung ano ang susunod kong sasabihin
Lumunok muna ako ng konti bago nagsalita ulit, "He cheated on me"
~Kruuu kruuu~
Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin na parang may uwak pang dumaan sa pagitan namin
"Ohmm.. May nasabi ba akong mali?"
"Hmmm..." kumamot siya sa noo niya "Actually wala naman. Maliban lang sa ediyang wala namang kayo kaya paano sya naging cheater?"
Muli, isang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin
Oo nga no? Cheater bang matatawag yung wala namang kayo tapos mahuli mo siyang may ibang babae?
Sandali ko pang blinink-blink ang mga mata ko
Haist!
Isang malalim na buntong-hininga nalang ang pinakawalan ko
*****************
"Amina, sabay na tayo maglunc-" napahinto ako sa pagsasalita ng mapatingin ako sa labas ng room namin at makita ko si Leo na nandoon
Dubdob dubdob dubdob
Ericka! Kumalma ka! Tandaan mo galit ka okay? Galit tayo!
"Mukhang hindi pwede. Andiyan na ang boyfriend mo na di mo boyfriend. Hehehehe" pang-aasar ni Amina sa akin ng makita niya ding nasa may pinto na si Leo
Hmm
Kasabay ng pagtingin ko sa kaniya ay ang pagsenyas niya sa akin na lumapit na ako. Huminga muna ako ng malalim bago magdesisyon na lapitan siya
Basta galit tayo!
Pagpapaalala ko sa sarili ko bago ako tuluyang makalapit sa kaniya
"Sabay na ta-"
"Sasabay ako kay Amina ngayon" putol ko sa sinasabi niya
Nakita ko ang mabilis na pagkunot ng noo niya pero hindi naman siya nagsalita. Naghintay pa ako ng ilang minuto dahil nagbabaka-sakali akong iinsist pa niya pero nabigo ako
"Ok" tanging sagot lang niya pagkatapos ay hindi na niya ako pinagsalita at tinalikuran niya na lang ako at naglakad na palayo
Ganon lang yun?
YOU ARE READING
Game of Love
Short StoryDahil sa kadesperadahan ni Ericka na mapansin sya ng bestfriend nyang si Leo kaya naisip nya na ayain ito na maglaro ng Dare Game. Pero saan nga ba pupunta ang larong inumpisahan nila? Mafall kaya ang kababata nya sa kanya o sa dulo ay aasa pa rin s...