Part 7-Confusion

31 6 6
                                    

Kinabukasan,

Pagkagising ay cheneck ko agad ang cp ko, baka lang nagtext na si Leo pero tulad dati...

Wala siyang text

Hinagis ko nalang ang cellphone ko sa kama ko pagkatapos ay gumayak na ako papasok sa school.

Hindi na ako nag-abalang dumaan pa kina Leo kasi naisip ko baka magsayang lang ako ng pagod papunta sa kanila tapos wala siya.

Minsan nakakapagod din na ako lang yung nag-eeffort. Char!

So ayon, dumeretso na nga ako ng punta sa school. Nasa gate na ako ng makasalubong ko si Sylwyn. Unlike before, ngayon ay hindi niya hawak ang phone niya pero nakaearphone.

Ewan ko lang ha, pero this kind seems kinda loner or mukha lang talaga siyang loner kasi tahimik siya?

Unlike his friend kasi hindi siya gaanong nagsasalita. Hindi din siya jolly or mahilig mang-asar.

Buti napagtatyagaan siya ng mga friend niya. Oh! Speaking of friend....

Inilibot ko ang tingin ko.

Hmm. Mukhang di niya kasama ang mga friend niya

"Hi" bati ko sa kaniya ng magkalapit na kami sa may gate. Di ko maware kung lumilipad ba ang utak niya kanina or bulag siya kasi parang ngayon lang niya ako napansin

Medyo may gulat pang konti sa expression niya pagkatapos ay kumamot sa buhok

"Nagulat ba kita?"  natatawang biro ko nalang kasi mukhang nahiya siya

"Sakto lang" tipid niyang aniya, pagkatapos ay tinanggal niya ang earphone niya at nilagay sa bulsa

Di ko alam, but thats kinda sweet for me. Alam nyo yun? Good manners. Pagmay kausap ka personally, it's better na tanggalin mo yung mga nakasalpak sa tenga mo. Assurance yun na priority mo yung kausap mo.

Kaso ayon nga, hahaha. Hanggang sa makarating ako sa room ay hindi naman kami nag-usap na. Hindi naman kasi siya nag-oopen ng topic and nahihiya din naman kasi akong mag-open ng topic. Wahahaha. Baka sabihin kasi niya FC ako

So pagdating ko sa room ay nagpaalam na siyang pupunta na rin siya sa room niya. Kinda weird kasi yung room nila ay sa kabilang area, nagtataka lang ako kung bakit hinatid niya pa ako e pwede namang dumeretso na siya sa room niya

"Thank you" sabi ko nalang since hinatid na niya ako

Tumango lang siya at nung akmang aalis na siya ay bigla siyang napahinto na para bang may naisip kaya nilingon niya ako

Sakto naman na di pa ako pumapasok sa room

"Kung wala kang kasabay mamaya sa lunch. Hihintayin kita sa cafeteria" pagkasabi niya nun ay tuluyan na siyang umalis

Ha?

"OMG! Niyaya ka ba niyang magdate?" nagulat pa ako sa biglang pagsulpot ni Mina sa likuran ko. Hindi ko napansing nandoon pala siya at narinig niya lahat ng sinabi ni Sylwyn. "Umamin ka nga sakin Ericka! Nanliligaw ba sayo si Sylwyn?" Hindi pa nga ako nakakasagot sa una niyang tanong ay may tanong na naman siya

"Ano bang pinagsasabi mo Mina? Nagkasabay lang kami diyan sa gate" aniya ko, "Ang dumi talaga ng utak mo"

"Anong madumi dun? E diba nga may gusto yun sayo. Tapos ngayon inaaya ka niya maglunch!"

Umiling nalang ako sa mga sinabi niya. Actually hindi ko alam kung saan niya hinuhugot yung sinasabi niyang may gusto sakin yung tao. Hahaha

Umupo nalang ako sa upuan ko, pagkaupo ko ay kinapa ko ang bulsa ko. Wala lang, naging hobby ko na yatang icheck yung phone ko kahit wala naman akong katext. Kaso ayern, wala akong nakapang cp at doon ko lang naalala na iniwan ko nga pala iyon sa kama ko.

Game of LoveWhere stories live. Discover now