"Let's continue our dare game"
Halos paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko iyong sinabi ni Leo. I don't know kung matatawa ako or magugulat. I never thought kasi na Leo would be like it. Like what I have mentioned before, Leo isn't the kind of person na nag-aaksaya ng panahon sa mga ganitong bagay. Ang akala ko nga nung una hindi siya g sa laro na to e.
Who would thought na ngayon siya pa yung magpapaalala na ituloy na yung laro.
Matagal din kasi yung stay niya sa Tacloban kaya tapos na yung last dare niya sa akin. At kung itutuloy namin yung laro, magbubunutan na ulit kami. Ilang dare na din yung natapos namin at to think of it, mas malaki na yung tsansa na mabunot ko yung kinatatakutan kong mabunot.
I know na desperada ako na maging boyfriend ko siya pero ngayon parang nagdadalawang isip na ako kung tama bang isugal yung friendship namin sa unsure feelings. Like, alam nyo yun, kung hindi tayo mahal or hindi tayo nakikita as gf nung isang tao, kahit anong pilit natin na isiksik yung sarili natin sa kanila, useless yun. Hindi naman pwedeng mahalin lang tayo dahil naawa sila.
I want a genuine love.
But you started it!
Parang ngayon ay ako naman ang inuusig ng pagkatao ko.
Bakit ba kasi ang gulo-gulo mo Ericka?
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. At pasado alas-dos na ay ito pa rin ako at talagang hindi pa dinadalaw ng antok.
Beep...
Beep...
Muntik pa akong mapalundag sa gulat ng biglang magvibrate ang cellphone ko.
Aba! Alas dos na, sino pang matinong tao na tatawag ng ganitong oras?
Tinignan ko ang screen ng phone ko at unknown number ang nakadisplay doon.
Nangungunot ang noo ko, hindi ako mahilig sumagot ng mga unknown number kasi natatakot ako na baka mascam ako. Mascam? Daming pera yarn te? Hahaha joke! Wala, I mean seryoso. Hindi ko din alam pero hindi talaga ako sumasagot ng hindi ko kilalang number.
Ilang segundo ko ding hinayaang magvibrate ito hanggang sa huminto na din siya. Tapos biglang may nagpop-up na message
Hi! This is Slywyn, just checking if your number is active. Sorry for disturbing your beauty rest :)
Ohhhh! Si Sylwyn naman pala!
Dahil sa dis-oras na din ng gabi ay hindi ko na din ito nireplyan pero sinave ko ang number niya. Para incase na tumawag sya ulit sa akin, aware na ako na sya yun. Hehehe
After kong maisave yung number niya ay nagpasya na akong magtry na matulog since may pasok pa ako. Di pa katagalan ay nakatulog na nga ako.
Kinabukasan ay nagulat pa ako ng sunduin ako ni Leo. Although routine naman namin to pero nagulat lang ako kasi parang kahapon hindi kami okay.
Pagkatapos niyang magpaalam sa mama ko ay umalis na nga kami. Hindi pa rin kami nag-uusap. Hindi siya nagsasalita at nakafocus lang sya sa daan.
"Kamusta yung lakad mo sa Tacloban?" pag oopen ko na ng topic kasi baka umabot na naman kami sa school na walang napag-uusapan.
"Ayos lang naman" tipid niyang sagot
Dahil sa sagot niya dead conversation na naman kami. Ayt!
Tipid naman talaga syang sumagot pero bakit parang ngayon lang kami naging ganito?
"May problema ba?" out of nowhere ay natanong ko. Hindi ko alam kung saan ko hinugot tong tanong ko pero basta kusa na lang syang lumabas sa bibig ko
YOU ARE READING
Game of Love
Short StoryDahil sa kadesperadahan ni Ericka na mapansin sya ng bestfriend nyang si Leo kaya naisip nya na ayain ito na maglaro ng Dare Game. Pero saan nga ba pupunta ang larong inumpisahan nila? Mafall kaya ang kababata nya sa kanya o sa dulo ay aasa pa rin s...