Part 5-Assistant

35 5 8
                                    

Time flies so fast at natapos na rin yung dare ko sa kaniya and to be honest isang beses ko lang siya naayang magmall.

Haist!

Sobrang dugas!

Naging busy kasi siya sa acads dahil biglang may mga reporting na binigay sa kanila kaya ayon, hindi ko na siya naaya pa na magshopping

Baka kasi pagbumagsak siya sisihin pa niya ako. Hahaha

"Bunutan na ulit?" aniya ko habang nasa higaan ulit ako ng binata at siya naman ay nasa harap ng computer niya

"Ok" maikling sagot niya na gaya dati ay hindi manlang ako binalingan ng tingin

"Sige ako na ang bubunot"

"Ok" sagot niya ulit

"Di ka titingin?"

"Di ka naman mandudugas" sagot niya kaya natawa nalang ako at bumunot na

Di gaya nung una, ngayon ay medyo hindi naman ako kinakabahan. I dont know why. Hahahha

"Be my assistant"

Napablink-blink ako sa mata ko nang mabasa ko yung dare

Ha?

Tinignan ko si Leo

"Anong nabunot?" tanong niya

Hindi ako sumagot kaya huminto siya sa ginagawa niya at tinignan ako, "Ano?"

"Be my assistant?" aniya ko

Di naman nagbago ang ekspresyon ng mukha niya anupat parang expected na niya

Sabagay, siya nagsulat nito pero hindi ba weird? Siya kasi yung tipo na di nangangailangan ng ibang tao. He can do everything without helped ng kahit sino. He can live a life alone. Actually siya nga yung katibayan na hindi legit yung kasabihang "No man is an island"

So bakit niya sinulat 'to?

"Weird" wala sa sariling nabigkas ko kaya muli akong tinitigan ni Leo

"Ang?"

"Hehehehe. Bakit kailangan mo ng assistant e lahat naman ng bagay nagagawa mo ng mag-isa?"

Hindi siya agad sumagot. Nakatitig lang siya sa akin na para bagang tinatanya niya kung seryoso ako sa sinabi ko

"I mean, eversince, mula ng pagkabata natin. Ako ang laging nangangailangan ng tulong mo. Ikaw? Never ka pang humingi ng tulong sa akin. So parang useless na magkaroon ka ng assistant?"

Umismirk siya pagkatapos ay muling humarap sa computer niya "Kung ayaw mo, pwede nating ibypass nalang yan"

Ops!

Hala?

Nagalit ba siya?

"Hindi naman sa ayaw ko siyang gawin. I mean-"

"Mamili ka lang. Itutuloy mo yung dare o hindi"

"Itutuloy" mabilis kong sagot

Narinig ko lang na bumuntong-hininga siya pero di naman na niya ako nilingon.

Lumipas pa ang ilang oras na nakahiga lang ako sa kama niya habang pinagmamasdan siya sa paggawa ng report niya

Hirap ding maging matalino no? Hahahhaa pagmatalino ka kasi parang obligado kang gawin ang lahat. Kasi malaki ang expectation ng iba

"Pasuyo ako ng tubig" napahinto ako sa pagmamasid sa kaniya dahil sa sinabi niya

"Ha?"

Game of LoveWhere stories live. Discover now