Ericka's POV
Nakaharap kami ngayon sa box na ngayon ay may laman nang tigsasampung papel na kapwa namin sinulatan nang gusto naming ipagawa sa bawat isa
"Sinong unang bubunot?" tanong ko
Ngayon medyo ramdam ko na kinakabahan na ako. Ngayon ko lang biglang naisip yung consequences ng sinulat ko. Iniimagine ko palang yung magiging reaksyon niya, ramdam ko na yung awkwardness
Anyway, aware ba siya na may feelings ako sa kaniya?
Hindi ko maiwasang hindi maisip na baka hindi niya ako gusto or baka hanggang friends lang talaga kami
Sa tagal kasi naming magkaibigan ni minsan kasi hindi siya nagpakita ng special treatment sa akin
Kung ano yung natural na siya, yun yung ginagawa niya. Like pagmay usapan kami na gala. Normal sa kaniya na siya ang naghihintay. Well, late kasi ako lagi. Hahaha
Then normal din na tuwing lunch is susunduin niya ako sa room para sabay kaming kumain
Yeah, kung hindi mo siguro siya ganon kakilala, e baka magfeeling ka na may feelings siya sayo pero like what I have said. Nature niya yun at walang special doon
So anong special treatment ang tinutukoy mo na di niya ginagawa?
Napaisip ako
Hmm, holding hands?
Yes. Sa tagal namin magkaibigan ay hindi ko pa talaga nahawakan ang kamay niya. Nahahug ko siya pero never ko siyang nakaholding hands.
Ano kayang feeling na makaholding hands siya?
Shemay!
Iniisip ko palang na hawak-hawak niya ang kamay ko e parang may bulate nang kumikiliti sa pagkatao ko. Mwehehe
Talandi!
"Ikaw na ang maunang bumunot"
"Sure?" tanong ko
Ops! Medyo may konting kilig!
Ladies first ang peg! Gentleman talaga ang crush ko! Hahaha! Mainggit kayo!
"Mauna kana, wala din namang pinagkaiba kung ako or ikaw ang mauuna e" dugtong nya na ikinahinto nang pagkakilig ko sabay napapout ako"Bakit?"
Bahagya siyang napasuklay sa buhok niya gamit ang kaliwang kamay niya bago nagsalita na tila pinapuzzle pa ang bawat words na sasabihin niya "Pagnabunot ko kasi ang papel ko, automatic na ikaw pa rin ang gagawa ng dare. Useless naman kasi kung sarili kong dare ang gagawin ko tama ba?"
Jusko? Oo nga no?
Hindi ko maiwasang hindi matawa sa naisip ko
Talino talaga ng crush ko! Bat di ko naisip yun?
"Hihihi oo nga no?" nasambit ko nalang habang kumakamot sa pisngi, "So ako na talaga unang bubunot?" paninigurado ko
Tumango naman siya bilang tugon sa tanong kaya nagpasya na akong bumunot
DUBDOBDUBDOBDUBDOB
Unti-unti kong binaba ang kamay ko at bahagya ko ng kinakapa ang mga papel sa loob
Sana wag muna yun ang mabunot ko. Please please please!
Di ko maiwasang hindi matuyuan ng laway. Parang nagdadalawang isip na tuloy akong ituloy 'to
F.O talaga ito pag iyon agad nabunot ko!
"Teka" biglang singit niya na muntik ng magpahinto sa paghinga ko.
Buset naman 'to! Kabado na nga ako e bigla-bigla pang dumagdag
"Bakit?" tanong ko habang nakamaang
Tinitigan nya ako sa mata, "Gaano katagal nga ulit ang validation ng dare?"
Ha? Parang sinabi ko na yun kanina diba? Don't tell me nagiging makakalimutin na siya? Crush ha! Tumatanda kana. Choss. Hahaha
"7 days or in other words is 1 week"
Napatango-tango siya na mukhang may iniisip pero di ko na binigyan pa iyon ng pansin
Mas gusto kong magfocus ngayon sa papel na mabubunot ko.
Jusko! Akala ko exciting 'to, bat parang naiistress ako agad? Hahah
"Bumunot kana" aniya nito ng mapansing lumilipad na naman ang isip ko
Hehehe sorry naman!
"Bilisan mong bumunot, hindi pa ako tapos sa ginagawa ko"
Jusko! Wait lang! Ito na nga, ito na nga! Bubunot na!
DUBDOBDUBDOB
Wag muna yun please! Wag muna yun!
Di ko na maiwasang hindi mapadasal.
Bahala na!
Pagkatapos huminga ng malalim ay bumunot na ako agad.
Pagbunot ko ay inabot ko ito sa kaniya and then we both open it
BADUMP!
Napasmirk ang binata matapos nyang makita ang nakasulat sa papel samantalang ako naman ay parang hindi pa rin nagsisink in ang nabasa
"Leoooo!"
"Dare is dare Ericka"
YOU ARE READING
Game of Love
Storie breviDahil sa kadesperadahan ni Ericka na mapansin sya ng bestfriend nyang si Leo kaya naisip nya na ayain ito na maglaro ng Dare Game. Pero saan nga ba pupunta ang larong inumpisahan nila? Mafall kaya ang kababata nya sa kanya o sa dulo ay aasa pa rin s...